"Bigyan ng mapa! This is bullshit!", naiinis na tugon ni Kim sabay palo sa mesa. Tumayo sya at nagwalk-out.
Hinabol naman sya ni Stef. Di ko din naman masisisi si Kim. Bukod sa di pa kami nakakain dahil sa unexpected na announcement ng isa naming kaibigan, eh kanina pa sya gutom.
Naiwan kami ni Anthony.
"Bat ganun sya? Ayaw na ba nya sa 'tin?", pagtatanong ko kay Anthony.
"Order muna tayo. Gutom na 'ko. Dyan ka muna. Pagbalik ko saka ka na umorder na iyo.", tugon nya sa 'kin sabay tayo sa kinauupuan niya.
"Okay.", sagot ko naman.
Habang nag-aantay eh nilibot ko paningin ko sa mall. Nagawi ang tingin ko sa magbabarkadang nagtatawanan. Ganyan kami dati. Masaya. Mga happy-go-lucky. Parang mga walang problema sa buhay at pag-aaral. Nakakamiss.
"Order ka na.", dumating na pala si Anthony. Tumayo na din ako at pumunta sa counter.
Matapos ko mag-order at maabutang kumakain na si Anthony(mukhang gutom na gutom na) eh umupo na ako.
"May gusto siya sayo.", pagsasalita niya. Nagulat ako.
"Ha? Ano sinasabi mo?", pagtatanong ko. Naguguluhan pa din.
"Bobo o bingi? Sabi ko gusto ka niya. May feelings sya para sa iyo. Matagal na. Di na nya kayang makita ka kasi lalo syang nafo-fall sayo.", nanlaki ang mga mata ko. Di ko maintindihan. Bakit? Bakit ako?
"B-Bakit ako?", tanong ko.
BINABASA MO ANG
Bakit Ako?
Short StoryPara sa mga naguguluhan, nagtatanong, nag-iisip at naghahanap ng kasagutan sa mga katanungan sa buhay..HINDI ITO PARA SA INYO. HAHAHAHA. Kagagawan ng aking malikot at maduming isipan(slight lang naman). Enjoy this short story for me. Nagmamakaawa ak...