"Oh saan pasok natin? Ang aga mo ah?", pagtatanong sakin ni Stef nang makasalubong ko sya. Galing ata to sa University track and field. Nag-jogging.
"Graduating eh. Kailangan. Hahaha.", sagot ko naman. Buti pa to may oras pa mag-jogging. Palibhasa junior pa lang dito sa University.
"Osya. Nawa'y maka-graduate ka nang with honors sa punctuality mo. Hahaha.", pagbibiro nya.
"Sya nga pala, sabay sabay daw tayo mag-lunch mamaya sa MOA.", dagdag pa nya."Kasama ba sya?", tanong ko.
"Oo pre, himala. Hahaha.", natatawang sagot nya.
"Okay. Sige una na ako pre.", sabi ko sabay punta na sa building kung nasan ang classroom ko. Tangna kasing thesis to di matapos tapos. Kelangan pang maging maaga. Hayy buhay. Daming problema.
**Lunch
"Tagal naman nila? Gutom na ako.", si Kim habang inip na inip nang tumitingin sa menu.
"Ayan na pala sila eh!", sigaw ni Stef habang kumaway para makita kaming tatlo. Napailing naman ako sa direksyon kung saan kumakaway si Stef. Himala at sumama sya ngayon kumain.
"Before anything else, heavy yung traffic, okay? Lunch time na kasi.", pag-eexplain ni Anthony habang umuupo sa may tabi ko. Inunahan nya na si Kim sa irereklamo nito. Umupo naman si Anthony katabi ko at sya naman katabi ni Anthony.
"K. So what are we go--", Kim
"I have something to say. I want all of you to listen, carefully.", pagpuputol nya kay Kim. Uh oh. May nararamdaman akong kakaiba sa sasabihin nya.
"I think it's better that I shouldn't see you guys often. It's not that ayoko kayo makita. I just have to find myself.", pagsasalita niya. Lahat kami natahimik sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Bakit Ako?
Short StoryPara sa mga naguguluhan, nagtatanong, nag-iisip at naghahanap ng kasagutan sa mga katanungan sa buhay..HINDI ITO PARA SA INYO. HAHAHAHA. Kagagawan ng aking malikot at maduming isipan(slight lang naman). Enjoy this short story for me. Nagmamakaawa ak...