ANG gamot ng kasalukuyang mundong ito, ay payak, na halos kapareho ng tradisyonal na gamot ng Tsino sa nakaraang mundo ni Jun Wu Xie. Kahit na hindi siya makagawa ng gamot sa kanluran, ang gamot ng Tsino ay madali para sa kanya.
Nang makita ang mga halamang gamot na isa-isang pinoproseso, ang maliit na itim na pusa ay nakahiga roon at itinaas ang buntot, hindi maalis ang pakiramdam ng pamilyar sa eksenang naglalaro sa harap nito.
Sa nakalipas na dekada, hindi ba iyon ang eksaktong ginagawa ni Jun Wu Xie? Nakakulong sa silid, nagpapagal sa hindi mabilang na tambak ng mga halamang gamot?
Sa Silid aralin, malamig na tumingin si Bai Yun Xian habang sina Mo Xuan Fei at Mo Qian Yuan ay nakikibahagi sa matinding digmaan ng mga salita.
Ang liwanag ay kumukupas, habang papalapit ang paglubog ng araw, ang Emperyal na Lungsod ay maningning sa mga huling bakas ng init mula sa papawi na araw, na bumabalot sa palasyo sa isang tabing ng nakalalasing na kagandahan.
"Hanggang kailan ako maghihintay?" Tumingin sa labas si Mo Xuan Fei sa langit, unti-unting nawawala ang kanyang pasensya.
Mahigit kalahating araw na ang nakalipas, wala pa rin si Jun Wu Xie. Naghinala pa siya na para protektahan siya, hiniling pa ni Mo Qian Yuan sa kanyang mga tao na palihim siyang itago.
Tumayo si Mo Xuan Fei, balak niyang tingnan ito.
“Naiinip ka? Kapatid ko?” Nakataas ang kilay ni Mo Qian Yuan sa pangungutya habang nakatingala kay Mo Xuan Fei, na may pagngisi sa kanyang mukha.
Si Mo Xuan Fei ay umaasa na ngayon sa karanasan ni Bai Yun Xian at ang kanyang mga kilos ay nagiging mapusok at wala na sa ayos. Halos hindi na niya pinansin ang katayuan ng Prinsipeng tagapagmana.
"Ito ang Tirahan ng Prinsipeng tagapagmana, kung saan hawak mo ang ganap na pangingibabaw, kung saan magagawa mo ang anumang bagay nang hindi nalalaman ng isang kaluluwa. Sana lang ay huwag kang magdulot ng anumang alitan sa Angkan ng Qing Yun dahil sa isang maliit na bagay. Ipapaalala ko sa iyo na tandaan na ang Angkan ng Qing Yun ay hindi dapat balewalain." Sagot ni Mo Xuan Fei.
"Nagtatago sa likod ng palda ng babae at pinagmamalaki mo pa?" Isang malamig na boses ang umalingawngaw mula sa malayo. Bagama't ang kanyang boses ay may bakas pa rin ng pagiging kawalan ng gulang, ngunit ang bawat salita ay nabigkas nang maayos at para bang ang bawat salita ay binuhusan ng tubig na yelo.
Sa labas ng pinto, si Jun Wu Xie ay nakatayo doon na may mainit na kulay-dalandan na sikat ng araw na sumisikat sa kanyang likod, ang kanyang buong katawan ay may mahinang pagkinang. Sa kanyang purong puting balabal na nakababad sa ilalim ng karilagan ng ginintuang sikat ng araw, ang lahat ay tila hindi totoo. Sa maliit na itim na pusa na nakahiga sa kanyang balikat, ang kaibahan na ito sa itim at puti ay kapansin-pansin, at sa kanyang maliliit na kamay ay may hawak na isang puting bote ng porselana, ang eksenang ito ay parang lumabas siya sa isang panaginip.
"Wu Xie." Napatayo si Mo Qian Yuan sa pagkamangha, na parang hindi sa kanya ang kanyang katawan. Sa ilalim ng magandang ginintuang takipsilim, siya ay isang tanawin upang pagmasdan.
Ang magandang eksenang ito ay nakaapekto rin kay Mo Xuan Fei na itinatak ito nang malalim sa kanyang isipan habang tulala siyang nakatingin. Nakita ni Bai Yun Xian ang kanyang reaksyon at kinagat ang kanyang ibabang labi.
Pumasok si Jun Wu Xie sa silid at inilagay ang bote ng porselana sa mesa habang binuhat niya ang maliit na itim na pusa at umupo.
"Narito ang iyong kabayaran." Si Jun Wu Xie ay hindi tumingin kay Mo Xuan Fei ngunit diretso kay Bai Yun Xian.
Kumunot ang kilay ni Bai Yun Xian.
Si Mo Xuan Fei ay nasa ulirat pa rin, nang makita niya ang sama ng loob sa mga mata ni Bai Yun Xian saka siya natauhan. Pinatigas niya ang kanyang puso at agad na nagtanong: "Ano ito?"
"Jade Dew tableta" sagot ni Jun Wu Xie.
“……………………..” Bahagyang umawang ang bibig ni Mo Xuan Fei, akala niya ay pinaalis siya ni Mo Qian Yuan nang palihim at hindi niya akalain na siya ay nandoon pa rin. Nagkaroon pa siya ng kapangahasan na angkinin na ang bote sa mesa ay isang bote ng Jade Dew tableta!
"Jun Wu Xie, isa itong pag-angkin ang ginagawa mo! Ang bagay na ito dito ay ang Jade Dew tableta?" Kahit matalo mo si Mo Xuan Fei hanggang mamatay, hindi siya maniniwala na kaya niyang pinuhin ang Jade Dew tableta.
"Malalaman ito ni Bai Yun Xian." Hindi nag-abalang magpaliwanag si Jun Wu Xie. Kung sinimulan ng dalawang lalaking ito ang kanilang kalokohan at mag-aasaran, sino ang nakakaalam kung gaano ito katagal? Hindi siya interesadong mag-aksaya ng oras.
Magsasalita pa sana si Mo Xuan Fei ngunit tumayo si Bai Yun Xian at kinuha ang bote mula sa mesa.
“Binibining Jun, sinira ng pusa mo ang mga tabletas ko, wala akong pakialam, pero ngayon naglalagay ka ng isang bagay sa isang bote at e-ulat mo na ang Jade Dew tableta ito? Iyon ay isang insulto sa reputasyon ng ating Angkan ng Qing Yun at hindi ako papayag!" Pinandilatan ni Bai Yun Xian si Jun Wu Xie.
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)
Historical Fiction"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...