20

65 1 0
                                    

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang ayaw ko ng bumangon pa dahil sa sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na lang matulog ng matulog hanggang sa mawala ang sakit ng ulo ko. Nakailang bote ba ako ng nainom? Habang hilot ko ang aking sintido ay napatingin ako sa kwartong kinaroroonan ko.


Nanlaki ang mata ko ng makitang nasa bahay na naman ako ni Nath. Like what the f*ck! Why am I here? Oh my! Paano ako napunta rito? Hindi ko siya kasama maghapon, 'di ba? Kasi ang alam ko si Franny ang kasama ko na whole time. Kaya imposible.... Imposible talaga!


Don't tell me nag-drunk call na naman ako? 


Ano na naman ang pinagsasabi ko sa kaniya? Tang ina! Next time hindi na ako iinom ng marami. Putang ina talaga! Sa buong buhay ko... ngayon lang ako ng nag-drunk call!


Napabaling ang tingin ko ng bumukas ang pinto. Isang masarap na ulam agad ang bumungad sa akin. Chariz! Si Nath iyon at wala siyang saplot kaya ang sarap papakin kaya matatawag na siyang ulam at kanin na lang ang kailangan at ready to eat na siya.


"Hey, good morning!" Bati niya habang may isang matamis siyang ngiti. "Gising ka na pala. Gigisingin pa lang sana kita para makakain na tayo."


"Tayo?" Taka kong tanong. Sumandal siya mismonsa may pinto habang pinagmamasdan ako at hindi mawala-wala ang ngiti nito. "Eh, wala naman tayo."


"Problema ba iyon?" Nakangisi na siya ng itanong niya. "Eh, 'di lagyan natin."


Sa kakaganyan niyang 'yan umaasa ako at ako naman si tanga't umaasa naman ng tuluyan!


Napairap ako. "Wala ako sa mood para sa kalokohan mo, Nath. Uuwi na ako."


Agad niyang hinarangan ang dadaanan ko ng maglakad ako palabas sa kwarto. Sinara niya ang pinto ng kwarto ng padabog. Dahilan para kumunot ang noo ko. Bakit ganito ang asta niya?


"Hindi ka aalis," anas niya.


"At bakit? Marami pa akong gagawin. Kaya need ko ng umuwi." Pagdadahilan ko dahil ayaw ko na talagang manatili rito. Hangga't maaari gusto kong iwasan siya. Iwasan siya ng iwasan 'yon lang ang gusto ko baka sa paraang 'yun ay maligtas ko pa ang puso ko.


"Kakain ka na muna at ihahatid kita pagkatapos nating gumala."


"Gumala?" Naguluhan ako sa sinabi niya.


Dahil wala naman siyang sinabi na gagala kami kaya nakakapagtaka. Bakit niya ako niyaya? At sabi niya natin? So, may mga kasama kami? Pero ang tanong sasama ba ako?


Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Franny. Worth it ba na sumugal ako? Worth it ba na ipagpatuloy ko ito kahit wala akong kasiguraduhan na magiging masaya ako bandang dulo? Worth it ba ang time ko na masasayang ko sa pagsasama kay Nath?


God, iiyak ba ako sa bandang dulo? Or magiging masaya? Alin ba sa dalawang iyon? Pero kahit anumang mangyari ay tatanggapin ko. Umiyak man ako, masaktan man ako, mawasak man ako, ay tatanggapin ko ang magiging resulta ng mga pinaggagawa ko.

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now