24

29 3 1
                                    


"Kung ako sayo... maghanap ka na lang ng iba. 'Yung walang sabit. Mas malaya mong magagawa ang gusto mo kapag walang sabit ang isang taong nagugustuhan mo. Pwede kang manumbat dahil may karapatan ka sa kaniya kaysa sa wala. Mas maganda sa relasyon kung may label kaysa sa deal."


Pinagtaasan ko siya ng kilay. Makapagsabi siya ng ganyang akala mo ang dali-dali lang gawin. Buti na kung isang sabi mo lang sa puso mo na iba na lang ang iibigin ko ay gagawin niya agad kaso hindi. Puso 'yun, eh. Matagal ang proseso at medyo mabilis din.


Matagal ang proseso sa pagmo-move on para makalimutan ko siya at medyo mabilis din ang pagkahulog ko sa kaniya.


"Alam mo," inirapan ko siya. "Bago mo 'yan sabihin sa akin. Bago ka mag-advice gawin mo muna 'yan sa sarili mo bago mo sabihin 'yan sa akin. Hindi ba't sabi mo ilang years ka na rin may gusto sa babaeng nakita mo? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"


Nagkibit balikat siya. "Ewan, pero sana pag nagkita kami. Hindi na siya taken."


Natawa ako. "Eh, paano kapag kasal na sila ng boyfriend no'n? Tapos may anak na?"


Ngumuso siya at umiiling-iling. Mukhang hindi niya gusto ang sinasabi ko tungkol sa babaeng gusto niya. Nagsasabi lang naman ako ng pwedeng mangyari. Wala na kami sa inupuan ko kanina at naglalakad na kami pabalik ulit ng hotel.


Babalikan ko na 'yung mga bata sa hotel room namin. Baka nagugutom na 'yun at anong oras na rin kasi. Baka hindi pa nakakabalik sila Neel sa hotel room namin. Aayain ko na rin silang mag-swimming sa dagat mamaya-maya kapag hindi na medyo mainit.


"Huwag mo ngang gayahin 'yun sa sitwasyon ko," ungot niya na ikinatawa ko lalo.


Tama siya, bakit ko ba nilalagay sa sitwasyon ko ang babaeng gusto niya? Baka naman hindi pa talaga 'yun kasal kaya hindi niya iniisip na wala na siyang pag-asa. Mas may malaking chance nga naman kapag nasa boyfriend at girlfriend stage pa lang dahil pwede pa 'yun maghiwalay pero hindi ba't pwede ring maghiwalay ang mag-asawa?


Sa panahon ngayon uso na ang maging single mom ganun. Kasal man kayo pero iba na ang kasama. Pwede 'yung mangyari pero sa sitwasyon nila Nath... wala kasi akong kaalam-alam kung akong nangyari sa kanila ng asawa niya.


Natatakot talaga akong magtanong sa kaniya. Baka kasi ibato na naman niya sa akin this time ay wala akong karapatan na magtanong dahil walang kami.


"Pero what if may asawa na talaga ang babaeng gusto mo?" Tanong ko.


"What if bumalik ang asawa niya?" Tanong niya rin pabalik sa akin.


Tang ina, ang hirap naman magtanong ng what if dito sa lalaking 'to. Iba ang pagbato niya ng what if... nakakasakit sa puso. 'Yung maliit na nga lang chance ko na baka may kami tapos ito pa ang ibabato niya sa akin?


"Ang hirap pala sayo magbato ng what if question 'no?" Pinilit kong tumawa at maging tunog biro ang sinabi ko kahit unti-unting nabibiyak sa dalawa ang puso ko. "'Yung nasa 20% na nga lang pag-asa ko tapos uubusin mo pa ang percent na 'yun? Grabe ka."

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now