11

62 1 0
                                    

"Tatay, who's her?"


"Kapatid din ba namin siya?"


Nagkatinginan kami ng kapatid ko dahil sa tanong ng dalawang bata. Ngayon ko lang nalaman na anak pala ni Nath ang susunduin namin. Nagulat ako. Dahil hindi ko inaasahan na may anak na pala siya.


Hindi kasi halata sa itsura niya. Kaya hindi ako makapaniwala na may anak siya. At kambal pa! Lalaki at babae! Kamukha niya!


Ibig sabihin ay may asawa siya. Pero bakit nilalandi niya ako? Gague! Hindi ko pinangarap na lumandi sa may asawa at kumabit. Ayaw ko ng away. Talagang masasapak ko siya!


"Ahm, no," maikling sagot ni Nath.


"Eh, ano po namin siya?" inosenteng tanong ng batang babae.


Tikom ang bibig ko hanggang ngayon. Gusto kong sigawan si Nath dahil hindi niya sa akin sinabi na may anak pala siya! Ibig sabihin ay kasal siya. May asawa siya! Shems! Kahit kailan hindi ko pinangarap na maging kabit kahit ganito ako kalandi. Kahit nakikipag-momol ako.


Kahit masama ang ugali ko. Kahit ang sama kong tao. Hindi ko talaga pinangarap na maging kabit. Kahit naman ganito ako ay tinuruan ako ng good manners ng Mommy ko.


"Tita, niyo siya," sabi ni Nath.


Tita? Kailan pa ako nagkaroon ng pamangkin? Wala akong pamangkin! Ang sarap sapakin ni Nath ngayon. 


"Anak niyo talaga siya, Kuya?" tanong ng kapatid ko.


Nasa isang sasakyan kami. Si Nath ay nagmamaneho. Pupunta daw kami sa isang restaurant para makakain daw ng hapunan. Hindi ako makatanggi dahil gusto din ng kapatid ko sumama.


"Yes, hindi ba halata? Mana nga sila sa akin, eh. Gwapo at maganda." Napatingin sa akin si Nath ng ako at napasinghap. "Are you okay?"


Tinignan ko siya ng masama. Mamaya ka sa akin! "F*ck you!"


"Ate!" sita sa akin ng kapatid ko kaya natawa si Nath. "Don't say bad words! May kasama kaya kayong bata."


"Iyan napagalitan tuloy," natatawang sabi nito. "Buti pa kapatid mo maranung sa mga ganyan tapos ikaw? Hindi."


Inirapan ko siya. Kapag talaga nakababa ako sa sasakyan niya hahampasin ko siya. Baka hindi lang hampas ang magawa ko sa kaniya dahil sa inis ko.


Hindi na lang ako nagsalita at nakipagkilala ang kapatid ko sa dalawang batang kambal. Habang ako ay halos hindi ko matignan ang mga anak niya. Dahil nahihiya ako. Friendly ang kapatid ko kaya hindi na ako magtataka kung maging kasundo niya ang dalawang kambal.


"Hello, I'm Faye pero pwede niyo akong tawaging Feyfey," nakangiting pakilala ng kapatid ko. "Kayo? Ano nga name niyo?"


"Ako naman si Richmond Collins. Rico for short," sabi ng lalaking bata na nagpakilalang Rico.


Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now