7

61 1 0
                                    

"Hey, are you okay?"


Tinignan ko ng masama ang lalaking ito ng tanungin ako. Mukha ba akong okay? Sinong magiging okey kung tumakbo ka ng kalayo-layo?


"Tabi!" I yelled in annoyance and pushed him to go to my sister. "Baby, here, oh. Drink it first."


"T-Thanks, Ate." 


"Are you alright? Don't you feel any pain?" I asked her. But she just shook her head.


Kinuha ko ang panyo kong nasa bulsa ng short ko at pinunasan ang noo, leeg, at likuran ng kapatid ko. Baka ubuhin siya. Bawal pa man din siya matuyuan ng pawis dahil napaka-sensitive ng katawan ng kapatid ko.


"May dala ka bang extrang damit? Para makapagpalit ka?"


"N-Nothing po, Ate," sagot nito.


Tumango ako at pinagpatuloy ang pagpupunas ko ng pawis sa kapatid ko. Hapon pa naman na kaya may time pa ako para makapagpahinga dahil sa pagod akong kakatakbo at muntik pa kaming maabutan ng mga lalaking iyon kung hindi lang kami tinulungan ng mga guard.


Kasama pa rin namin ang kaibigan ni Nathan. Huminto kami sa isang convenience store para bumili ng maiinom. Napaupo ako sa katabi ng kapatid ko. Napasandal sa akin ang kapatid ko kaya hinayaan ko siya. Mukhang na pagod talaga.


"Ate, can we go home later? I still want to be with you. When you take me home I will be bored again." There was sadness in her voice when she said that.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapayagan ni Daddy na gumala kasama ang friends niya? Kahit na may bantay ang kapatid ko? O baka naman ay kagagawan ito ng step-mother namin.


Ano na naman ba binulong ng mutchacha na 'yun kay Daddy kaya hanggang ngayon ay ayaw pa rin pagalain itong kapatid ko kahit pa minsan-minsan lang?


"Magkahiwalay kayo ng tinitirhan?"


Sabay kaming napatingin ng kapatid ko kay Nathan sa tanong niya. Habang ang mga kaibigan ni Nathan ay nakatingin sa aming dalawa. Palipat-lipat sa aming dalawa ni Nathan.


What is their problem with us?


"Yes po."


"Ha? Pero bakit?"


Akmang sasagot ang kapatid ko ng takpan ko ang bibig nito. "Paki mo ba? Masyado ka namang mausisa. Close ba tayo?"


"Burn, bro!"


"Awts!"


"Aray! Sakit!"


Kanya-kanyang react ang mga kaibigan niya sa sinabi ko. Pero totoo naman ang sinasabi ko. Hindi kami close at kakakilala lang namin ng iisang araw. Siya lang naman itong nagfe-feeling close.

Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now