23

38 1 1
                                    

"Kaya ko naman, pwede mo na kong iwan dito."


Humarap ako kay Martin na kasama ko maglakad sa floor kung nasaan ang hotel room namin nila Nath. Talagang sumama siya sa pag-akyat ng elevator sa akin. Nag-volunteer kasi siyang ihahatid niya raw ako sa room ko. Kahit hindi naman na kailangan pero nagpumilit pa rin siya.


"I know gusto ko lang makitang nakabalik ka ng maayos sa mismong hotel room mo," usal niya na ikinangiwi ko.


Ano ako? Bata? Kayang-kaya ko na ngang makagawa ng bata bakit pa niya ako kailangang ihatid?


Pareho sila ni Nath na matigas ang ulo. Hindi ka niya sinusunod kahit ilang beses mo ng sinabihang kaya mo. Kaya ko naman kasing mag-isang umuwi pero bakit ba may nakikilala akong mas matigas pa ang ulo sa mga bata?


Bakit ba lapitin ako ng mga makukulit na lalaki? Argh!


"Dito na ako. Ito na 'yung hotel room ko," sabi ko at tinuro ko pa mismo ang pinaka-room namin para umalis na ang lalaking 'to.


Panay kwento siya ng kung amo-ano na hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko kaya raw siya nandito ay nag-volunteer daw siya ritong maging doktor sa mga community service kuno ba 'yun? Ewan ko, wala akong ma-gets sa sinasabi niya.


Kung si Nath siya... baka pinakinggan ko pa ang sinasabi niya pero hindi naman siya si Nath para pakinggan ko ang mga makukulit niyang sinasabi. Hindi ako interesado sa pinagsasabi ni Martin pero alam kong mabait siya. Pwede siyang maging tropa ngunit hindi ko siya jojowain. Parang hindi ko feeling ang vibes niya.


Hanggang tropa lang talaga.


"Umalis ka na," usal ko pa ulit nang mapansing ayaw niyang umalis.


"Ito talaga ang hotel room mo?" Tanong niya habang nakatingin sa mismong tapat ng room namin.


"Mukha ba akong sinungaling?"


Nginisian niya ako. "Alis na."


"Hindi mo ko papasukin?"


Napairap ako. Ano ba 'to? Babaero? Bakit kung titignan siya ay parang hindi siya ganun?


Napailing ako. Sinasabi ko na nga ba... pwede kang maloko gamit ang itsura nila. Mukha siyang mabait sa paningin ko subalit binabawi ko na pala. Hindi siya mabait. Babaero ang bwisit na 'to.


"Lahat ba ng nakikilala mo..." Hinintay niya ang susunod ko pang sasabihin. "Gusto mong maigalaw?"


Natawa siya. "Mukha ba akong ganun para sayo?"


"Nung una... hindi," umiling pa ako. "Pero dahil ayaw mo pa akong iwan at tinatanong mo pa kung hindi kita papasukin... nagbago ang tingin ko sayo. Hindi ka na doktor na mabait sa mata ko. Babaero ka."


"Grabe siya, hindi ako ganyan," mas lalong tumawa ito na ikinangiwi ko.


Don't play with me, Captain || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now