1

11K 155 14
                                    

"Ugh kapagod~" daing ko habang nag lalakad pauwi sa bahay ko. Bakit kasi sa subdivision pa ako tumira? Edi kada bababa ako ng tricycle mag lalakad pa ako papasok! Kainis hays kapagod talaga ang work.

5pm na ng hapon gustong gusto ko na matulog. Nag overtime ako today kay pagod na pagod ako. Nung malapit na ako sa bahay, may naririnig akong nag pupukpok sa hindi kalayuan. Nung lumiko ako, tanaw ko na ginagawa na naman 'yung bahay sa tabi ng bahay ko. Nyeta kaya pala puro pukpok naririnig ko saka 'yung maingay na welding ba 'yon?! Argh kairita sa tenga.

Adik talaga may-ari ng bahay na 'yon. Yearly nalang may pinapagawa sa bahay e. Parang kakasemento lang ng ding ding tapos after a year babakbakin na naman para ipaayos. Iba talaga nagagawa pag maraming pera. Hay ewan ba.

Nung malapit na ako, hindi nga ako nagkamali. May pinapagawa na naman.

"Hi Miss Mae!" bati saakin nung isang construction worker na si Kuya Ben. Binati ko rin s'ya pabalik. Oh 'diba? Sa sobrang dalas nila mag pagawa kilala ko na 'yung ibang mang gagawa.

Pero napukaw ng atensyon ko ang isang matangkad na lalaki na nagpukpukpok sa bubong. Malinaw pa naman mata ko kaya kitang kita ko s'ya. Ngayon ko lang s'ya nakita, bagong worker ba 'yan? Ang gwapo naman.

Tumingin s'ya sa gawi ko saka kumaway. Nagulat naman ako saka nag iwas ng tingin.

"Hi, Miss!" bati n'ya saakin. Ngumiti lang ako saka tumango. Required ba ang pala bati kapag construction worker? Saka construction worker ba talaga s'ya? Hindi ba engineer? Ang mestizo e.

"Hoy Gojo, tapusin mo na 'yan para makauwi na tayo!" sigaw ni Kuya Ben. Gojo? Name n'ya 'yon? Ang weird.

Humikab nalang ako saka na ako tuluyang pumasok sa bahay ko. Kapagod talaga. I did my rituals at nung makapag linis na ako ng katawan ay pumunta na ako sa taas para matulog. Pagkahiga ko, hindi ko in expect na kitang kita ko si Manong Tisoy mula dito. Ang tangkad n'ya talaga at maganda ang katawan n'ya. Mukhang batak din s'ya sa construction kasi maganda nga katawan. Hays ewan ba, makatulog na nga.

NEXT MORNING

Nagising ako dahil sa malalakas ng pukpok ng martilyo. Hays gusto ko sana matulog ng matagal dahil day off ko ngayon pero mukhang malabo. Ang ingay e.

Bumangon na ako saka nag stretch stretch, lumapit ako sa bintana ko saka ko inisod ang bintana dahilan para masilaw ako sa araw.

Pag mulat ko ng mata ko nakita ko si Gojo nag aayos na naman ng bubong. Feel ko napansin n'ya ako kasi lumingon s'ya sa gawi ko.

"Good morning, Miss Mae!" bati n'ya saakin.

"Good morning, Gojo~" bati ko pabalik. Tapos bahagya s'yang nagulat.

"Alam mo pangalan ko?" tanong n'ya.

"Oo. Narinig ko kay Kuya Ben kahapon." sagot ko.

"Ah kaya~ Gojo Satoru po buong pangalan ko." nakangiting sambit n'ya saakin. Ang masayahin naman neto ni Kuya.

"M-Mae Velasquez ang full name ko. Nice to meet you, Kuya Gojo." ang weird naman ng pag uusap namin, ako nasa balcony s'ya nasa bubong? Tinuloy n'ya 'yung ginagawa n'ya habang nakikipag usap saakin. Rekta chismis wala lang mumog mumog.

"Nyi Kuya? Ilang taon kana ba?" tanong n'ya.

"25 po."

"Same age lang, huwag mo na akong tawaging Kuya nakakatanda s'yang pakinggan." sambit n'ya. Tumango nalang ako.

"O-Okay." sagot ko.

"Miss Mae, baka hindi kapa nag uumagahan. Kumain ka muna tapos balik ka nalang d'yan sa balcony mo pag tapos kana." usal n'ya. Wow ah? Determinado s'yang mag chikahan kami.

"Gojo, iakyat mo 'tong semento!" sigaw nung isang lalaki mula sa baba.

"Sige, Miss Mae. D'yan ka muna." sambit n'ya, tumango naman ako.

***

Makalipas ang ilang oras, tapos na ako mag linis ng bahay. Ang balak ko lang talaga ay mag kulong sa kwarto ko at matulog mag damag pero heto ako, nakikipag chikahan kay Gojo sa second floor.

"Single ka?" tanong n'ya bigla. Out of nowhere?!?!?!?!?!!!!

"O-Oo." sagot ko.

"Yes! Pwede kaba ligawan someday?" huh? anong someday?

"Ba't naman someday?" takang tanong ko. Meron bang ganon? Sasabihin sa'yo liligawan ka someday?

"Ay gusto mo ligawan kita ngayon na?" natameme ako sa sinabi n'ya. Nani the fuck??? Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin!

"Hindi naman sa ganon!" sambit ko tapos ngumisi lang s'ya. Mas gwapo talaga s'ya sa malapitan, tapos blue pa 'yung mata n'ya ang ganda.

Ocean blue eyes.. looking in mine~ Lol Taylor Swift yarn?!

"Hmm? Bakit mo ako tinititigan? Gwapo ko noh?" ayun! Ayun lang turn off sa kan'ya medyo mahangin s'ya tapos panay banggit n'ya kung gaano s'ya ka gwapo. Well gwapo naman s'ya pero may sa hambog s'ya e ewan ko ba!

"Oo na oo na." pag sang-ayon ko nalang.

"Sumasang-ayon kang gwapo ako? Sabi ko na e akala ko ako lang nagagwapuhan sa sarili ko hehe." ay weh ba? Hindi nagagwapuhan ibang tao sa kan'ya?

"Kahit na nag tatrabaho ka sa ilalim ng araw ang puti mo parin." pansin ko lang e kapag nabibilad s'ya sa araw namumula lang s'ya hindi s'ya nangingitim. Pag ako kasi 'yon for sure sunog na 'ko!

"May lahi kasi ako Miss Mae."

"Weh?"

"Oo nga, Half japanese ako kaya nga Gojo Satoru name ko e." hmm nake sense. Hindi nga s'ya mukhang pinoy. Pero puti ba ang buhok ng mga hapon? Saka ocean blue eyes rin ba sila???? Or sadyang rare lang s'ya?

"Ahhh."

"Ikaw Miss Mae, may lahi ka?" tanong n'ya. Umiling ako.

"Wala." aber mukha ba akong may lahi?????

"Sure kaba? Kasi you look like half Filipina half mine e hahahaha eme lang!" teh??????? Kalmahan mo Gojo kakakilala lang natin?????????

"Siraulo!" natatawang sambit ko. Pinigilan kong hindi ngumiti dahil for sure sasabihin n'yang kinikilig ako or what. Tse!

"Gojo! Haluin mo semento!" may tumawag na sa kan'ya kaya naman nag paalam muna s'ya umalis. Hays, ang sarap naman makipag kuwentuhan grabe parang gusto ko nalang makipag chismisan kesa pumasok sa trabaho hahahaha eme lang bhie.

***

Started: August 30, 2023
Finished: September 3, 2023

-

Brief explanation about the character for those who don't watch the anime.

Gojo Satoru (from Jujutsu Kaisen) is one of the main protagonists of the Jujutsu Kaisen series. He is a special grade jujutsu sorcerer and widely recognized as the strongest in the world. Satoru is the pride of the Gojo Family, the first person to inherit both the Limitless and the Six Eyes in four hundred years. He works as a teacher at the Tokyo Jujutsu High and uses his influence to protect and train strong young allies.

For more info, visit: https://jujutsu-kaisen.fandom.com/wiki/Satoru_Gojo

Thank you!

Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now