2

3.3K 49 15
                                    

Pauwi na ako ng bahay, 6 to 2 lang kasi ang pasok ko. Isang oras na byahe so bale 3 or 3:30pm na ako nakakauwi ng bahay. By the way, office worker nga pala ako..

Habang nag lalakad naririnig ko na mga welding at martilyo. Senyales na malapit na ako sa bahay. Ilang sandali pa.

"Good afternoon, Miss Mae!" boses ni Gojo. Napatingin ako sa gawi n'ya at saka kumaway at nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kong topless s'ya, tapos pawis na pawis! This time nasa may gate lang s'ya kaya kitang kita ko, jusko ang ganda ng katawan!

Nag patay malisya lang ako kunwari hindi ako naaamaze sa body n'ya. Ang hirap naman hindi tumingin e. Pumasok na ako sa bahay at nag bihis. Nag linis narin ako ng katawan para hindi mainit.

Lumabas ako ng gate para mag walis ng tapat. Pag labas ko ng gate nakita ko si Kuya Ben na nagkakape. Biglang may pumasok sa isip ko kung kaya't tinanong ko si Kuya Ben habang nag wawalis ako.

"Kuya Ben, bagong miyembro n'yo po ba si Gojo?" tanong ko. Tumango s'ya saka tumingin kay Gojo na nag hahalo ng semento.

"Oo bago lang s'ya. Ilang linggo palang s'yang nag gaganyan kaya medyo baguhan s'ya." napatango tango ako. "Sa totoo lang, anak s'ya ng dati kong amo kaya kakilala ko s'ya." wow interesting, mag ask pa nga ako.

"Dati n'yo pong amo?" tanong ko. Tumango s'ya.

"Hmm. Sa Mansion nila sa Makati." literal na nanlaki mata ko. Mansion?!?!?!

"Po? Mayaman po sila? Bakit po s'ya nag co-construction?" tanong ko.

"Bata palang si Gojo, lagi na s'yang binibilhan ng mga magulang n'ya ng mga gusto n'ya. Lahat ng nais n'yang ipabili, binibili ng mga magulang n'ya. Solo child lang kasi s'ya kaya siguro ganoon. May mga pagkakataon pa nga na nag dadabog s'ya kapag hindi nabibili gusto n'ya." natatawang kwento ni Kuya Ben. In other words spoiled s'ya nung bata? hehe.

"Noong tumuntong s'ya ng kolehiyo, pinag aral s'ya ng mga magulang n'ya sa isang prestihiyosong paaralan. Nais nga ng mga magulang n'ya na kumuha s'ya ng business course e dahil sa kan'ya lahat ipapamana ang lahat ng negosyo ng pamilya nila. Pero dahil nag matigas si Sir.. si Gojo, kinuha parin n'ya ang engineering na course at wala namang nagawa ang parents n'ya. " wow pilyo ayaw makinig sa parents.

"Nang maka graduate s'ya ng kolehiyo, nakatakda na talagang mangibambansa ni Gojo noon hanggang sa nalaman n'ya ang sikretong ginagawa ni Gojo." Sikretong ginagawa? Ano??

"Ano po 'yun?" intrimitida talaga. Ayaw pakabog tanong ng tanong e noh?!

"Nag ampon s'ya ng isang bata." nagulat ako sa sinabi ni Kuya Ben. "Ang sabi n'ya saakin naawa s'ya sa bata kaya kinupkop n'ya dahil wala na itong mga magulang. Tutol ang mga magulang n'ya sa ginawa ni Gojo kaya pinapili s'ya, kung mangingibang bansa ba s'ya or kukupkupin n'ya ang bata. At dahil likas na matigas ang ulo ni Gojo mas pinili niyang maglayas kasama ang bata, sinara ng mga magulang n'ya lahat ng bank accounts n'ya kaya back to zero talaga s'ya. Kailangan n'ya mag trabaho para maka survive silang dalawa nung bata." kuwento ni Kuya Ben. Napatingin naman ako kay Gojo na nakikipag tawanan sa iba pa nilang kasamahan.

Wow, I didn't know na ganoon pala s'yang tao. Mas pinili niyang alagaan 'yung bata kesa mag abroad. Grabe naiiyak ako, kung ako nasa sitwasyon n'ya baka umiyak lang ako ng umiyak. Natulala nalang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kaya Miss Mae, maging mabuting kaibigan ka sana kay Sir Gojo." sambit ni Kuya Ben. Nakangiti lang akong tumango. Grabe naluluha ako parang ayoko na mag walis.

***

Pababa na ang araw kaya lumabas ako ng balcony, bet na bet ko kasi ang sunset kaya lumalabas talaga ako kapag pagabi na.

"Hey, Miss Mae!" bungad ni Gojo, dumaan s'ya sa puno malapit sa balcony ko at saka s'ya naupo sa concrete railings ng balcony. Hilig n'ya d'yan e hindi s'ya natatakot mahulog.

"Mae nalang." ang ano kasi ng Miss Mae masyadong pormal.

"Wow, sinasagot mo naba ako?" masayang tanong n'ya.

"Loh? Kailan kaba nang ligaw?!" tanong ko.

"Kahapon ah?" aber????

"Che! Hindi naman ako pumayag e. Saka pwede ba mag hunos dili ka? Kakakilala lang natin oh?" usal ko. Nag pout naman s'ya.

"Sige, getting to know each other muna tayo. Tapos kapag okay na pwede na kita ligawan?" tanong n'ya at tumango naman ako. Desisyon e noh? S'ya nag dedesisyon kung pwede s'ya manligaw saakin oh ano. Ni hindi nga s'ya nag confess tapos gusto manligaw? Trippings???

"Nanliligaw kaba? Parang ikaw 'yung tipong nililigawan e." natawa s'ya sa sinabi ko.

"You're not wrong tho. Most of my exes sila nanligaw saakin. Hindi ko sila masisise kasi ako na 'to oh sino bang may ayaw saakin?" hambog talaga. Well, hayai na mukhang totoo naman sinasabi n'ya.

Teka exes? So may mga naging ex na nga s'ya? Diba mayaman s'ya before? For sure 'yung mga ex n'ya mga model, artista, anak mayaman o kaya 'yung mga sumasali sa pageants. Ano kayang nakita n'ya saakin at naisipan n'ya akong ligawan? Dukha ako, walang magulang at mag isa sa buhay. Huhu biglang baba ng standards n'ya medyo na offend ako ah eme lang.

"Seryoso kaba sa mga ligaw mo na 'yan? Baka trip mo lang ako ah sapakin kita." banta ko.

"Seryoso ako ano kaba. Unang kita ko palang sa'yo tumibok na puso ko. Parang love at first sight." feel ko bahagya akong namula sa sinabi n'ya. Pak who u ka careline blush may bago na akong blush on hahaha.

Pero mukha s'yang red flag, pero don't judge the book by it's cover nga 'diba? Malay mo iba s'ya sa kanila 'diba?

"May adopted son ako. Kinwento kita sa kan'ya at gusto ka raw n'ya makilala." aww medyo na touch ako sa sinabi n'ya. Hala huwag naman sana ako ma-attach agad huhu.

"Talaga? Gusto ko rin s'ya makilala kung ganoon." ang cute lang kasi hindi n'ya itinatago na may anak na s'ya. Dagdag points saakin 'yan.

"Pag may pagkakataon bisita ka sa apartment, papakilala kita sa kan'ya." kita ko 'yung saya sa face n'ya. Ang genuine n'yang tao deserve ko ba magkaroon ng ganitong manliligaw?

Deserve ko ba magkaroon ng isang Gojo Satoru?
..

Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now