10

1.7K 32 1
                                    

Hindi nag laon, pumayag si Satoru sa request ng mama n'ya sa kan'ya. At pumayag rin ang mama n'ya sa request ni Satoru na maging head ng family.

At dahil doon, kinabukasan nung araw na magdesisyon si Satoru ay binuksan narin ng pamilya n'ya ang bank accounts ni Satoru na ikinatuwa n'ya ng sobra. Namiss daw n'ya ang madaming pera! Kaya naman kahapon inaya n'ya akong mamili ng magagandang damit para saaming tatlo dahil ngayong araw ay pupunta kami sa mansion nila para personal na makapag usap si Satoru at ang Mama n'ya.

Huhu share ko lang, pero nung nag shopping kami natakot ako sa mga pinapakawalan n'yang pera. Umabot ba naman ng 300k 'yung nagastos para lang bumili kami ng mga damit! Sabi ko nga mag hunos dili s'ya kasi hindi naman need mag gasta ng ganon kalaki tapos si gago nag malaki pa saakin, ang sabi n'ya walang wala daw ang ginagastos n'ya noong kabataan n'ya kaysa ngayon.

Ngayon naman sinundo kami ng limousine ng Butler nila. Jusko hindi ko kinakaya ang buhay ni Satoru!Tatlo kaming magkakatabi sa loob ng sasakyan, si Meg, si Satoru tapos ako. Magkatabi kami ni Satoru at magkahawak ang kamay naming dalawa.

By the way suot namin ngayon ang binili naming damit kahapon. Naka mullet off shoulder dress ako tapos naka bag. Binilhan n'ya pa ako ng bag sabi ko huwag na!

Tapos s'ya naka suit tapos naka shades shet sobrang gwapo n'ya as in huhu. Si Meg naman naka white polo tapos trousers hihi super cute!

"Nervous?" tanong n'ya. Tumango naman ako.

"Super." sagot ko. Aba naman teh natatakot ako sa Mama n'ya huhu what if hindi n'ya ako magustuhan para kay Satoru? Wala naman akong maipag mamalaki kundi college graduate ako't may stable na trabaho. T^T

"Wag, ako lang 'to." ulol ayan nanaman s'ya sa kahanginan n'ya.

***

After 2 hours ng byahe, nandito na kami. Inalalayan ako ni Satoru pababa ng sasakyan at pag talikod ko bumungad saakin ang sobrang laking bahay. Mas malaki pa ito sa munisipyo namin sa lugar namin! Grabe super laki n'ya as in tapos ang dami ring security na nag babantay sa labas.

"Woah~" iyan na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Sa movie ko lang nakikita 'yung mga ganito ka laki na mansion grabe.

"Tsk! Naaagaw ng mansion atensyon mo, dapat saakin ka nalang na tingin." sabi n'ya.

"Baliw kaba! Kahit sino dahil mo dito ganito rin ang magiging reaksyon." sabi ko sa kan'ya.

"Is that so? It's not even that big." sabi n'ya. Hambog talaga!

Anyways, naglakad na kami paloob. Si Meg nakatulog sa byahe kaya inutusan n'ya si George na dalhin sa kwarto at bantayan si Meg habang wala kaming dalawa.

"Huy, baka naman pasamahin mo pa ako habang mag kausap kayo ng Mama mo." paalala ko sa kan'ya. Baka hindi ko kayanin ang intense pag sinama n'ya ako.

"Of course. Sino ang pipigil saakin kapag nakapag salita ako ng hindi magaganda? Eh sa'yo lang naman ako nakikinig." aysus aysus!

"Kasi naman.."

"Don't worry ako bahala." tapos nag smile s'ya. Hays bahala na nga.

***

Nandito na kami ngayon sa parang Japanese style na room. Sa lapag kami naka upo tapos may sapin lang kami, I assume na ganito sila sa Japan. Nakikita ko rin 'to e kapag nanonood ako anime dati sa tv. Pati ung lagayan ng tea pang Japanese den. Halos lahat naman ng nasa room Japanese style.

Kaharap na namin ang Mama ni Satoru at ang masasabi ko lang ay sobrang ganda n'ya. Parang pag nag tabi kami parang ako pa 'yung mas mukhang may anak grabe ka freshan ng Mama n'ya. Nung pumasok kami kanina pinakilala na ako ni Satoru sa Mama n'ya huhu kinabahan nga ako e buti nalang hindi ko naman na sense na parang ayaw n'ya saakin.

Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now