12

1.7K 30 6
                                    

Few months later. Naaadopt ko na kung paano mamuhay sa ganitong kalagayan. Hindi na ako na ku-culture shock kasi kapag may hindi ako alam ay itinuturo saakin ni Satoru kung paano. Isa rin s'ya sa nag padali ng pag aadjust ko.

Nag decide narin ako mag work sa company na pinapasukan n'ya. Syempre natanggap ako as part ng financial team ng company. Hindi pa gamoon ka taas ang posisyon ko kaya masisipag pa ako ng todo para ma promote ako.

Mas happy s'yang nag wowork ako kasi malapit s'ya saakin. Tho hindi kami madalas magkita kasi paalis alis s'ya ng company dahil sa mga meetings n'ya. Nga pala nung unang pasok ko medyo awkward sa mga ka team ko, sobrang galang kasi nila saakin porke girlfriend ako ng boss nila. Sabi ko tratuhin nila ako as a co worker at hindi as girlfriend ni Satoru T^T. Pero nung nag isang bwan na ako sa company medyo nagiging close ko na sila, pero andoon padin 'yung respect nila saakin. Hindi ko malabas 'yung jologs side ko baka kasi maging uncomfy sila.

Last last month nag celebrate kami ng 26th birthday ni Satoru. Napa party sa buong company, nag rent s'ya ng private resort at doon kami nag celebrate. Iba pa 'yung formal celebration kung saan invited 'yung mga business partners n'ya. Ang gara ng celebration n'ya sa totoo lang. Doon lang ako nakakita ng sobrang bonggang celebration.

At ngayon naman, nag out of the country kami ni Satoru, syempre kasama namin si Meg. Ewan ko kasi bigla s'yang nag aya e feel daw n'ya mag Hawaii.

Kaya ngayon nandito kami sa Kaanapali Beach sa Hawaii para mag relax.

Naka tambay kami ngayon ni Satoru sa may white sand area. Magkatabi kaming nakaupo sa lounge chair tapos may parang malaking payong. Bale mag katabi 'yung chair namin pero hindi tabing tabi. Naka swim wear kaming dalawa pero ako naka suot ng cover ups kasi medyo nahihiya ako tapos si Satoru naman hubad baro talaga. Expose ang buong katawan n'ya kasi naka beach shorts lang s'ya.

Nagpapahinga kami dito, naka shades ako kasi inaantok ako. Ang lakas ng hangin dito kaya ang sarap matulog. Si Meg nasa penthouse natutulog, binabantayan naman s'ya nung Nanny n'ya kaya goods lang. Tapos eto na si Satoru, tawa s'ya ng tawa sa tabi ko. Nanonood 'yan ng funny videos pustahan. S'ya tawa ng tawa tapos ako inis na inis, paano ba naman 'yung mga babaeng dumadaan sa harapan namin panay ang tingin sa kan'ya. Mga anteh naka shades lang ako, hindi ako bulag!

Tapos naiirita narin ako sa tawa ni Satoru kasi ang lakas lakas. Sino ba naman matutuwa naiinis kana tapos may katabi kang tawa ng tawa?? Kaya sa inis ko hinagisan ko s'ya ng tuwalya.

"Problema mo?" tanong n'ya. Ibinaba ko ang shades para lang irapan s'ya. "Luh." bulong n'ya pa.

"Kairita." sabi ko.

"Sungit! Mataihin ka sana ng ibon!" mahulog sana s'ya sa kanal kakainis!

Tapos hindi na uli kami nag pansinan. After a while panay parin ang tingin sa kan'ya ng mga babae kaya nainis uli ako, tumayo ako at kinuha ko sa katawan n'ya ang towel na ibinato ko kanina. Pumunta ako sa may likuran n'ya tapos tinakluban ko ang pagmumukha n'ya ng mahigpit.

"Hdhsyagsgushsg." hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya kaya lalo kong hinigpitan ang pag taklob sa muka n'ya. Nung nag pupumiglas na s'ya binitawan ko na tapos inis akong tumalikod sa kan'ya.

"Mae? Paano kung mamatay ako sa ginawa mo? Edi wala kanang gwapong boyfriend??" reklamo n'ya. Hirap din bakuran kapag gwapo bf mo e.

"Ba't ba high blood ka? Tinalo mo pa init ng araw." hindi ko s'ya pinansin at naupo nalang uli ako sa chair at nag shades.

This time tumayo s'ya sa chair n'ya tapos naupo s'ya sa may sand sa tabi ng chair ko para silipin ako.

"Mae~" tawag n'ya saakin habang bahagya akong inuuga.

Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now