"Grabe ang pogi ko talaga." sabi n'ya habang nananalamin sa phone n'ya. Naglalakad kami sa subdivision nila kasi pupunta ako sa apartment nila ngayon. "Sige nung umulan ng kagwapuhan sa Japan noon nasalo ko lahat." tumango nalang ako. ..
"Feeling ko nga." buti naman bumalik na s'ya sa dati. Nung isang araw s'ya nagkasakit tapos kahapon medyo okay na s'ya. Then ngayon okay na okay na talaga bumalik na s'ya sa dati.
"Huy sino 'yung naka shades ang pogi." may naririnig akong bulugan sa sa gilid namin.
"Lapit ka tanungin mo name dali." subukan mo lumapit teh uurong panga mo.
Ewan ko kung nag bibingi bingihan lang s'ya or hindi n'ya pinapansin. Pero sure akong naririnig n'ya. Sigurado ako kung wala siyang nililigawan ngayon inentertain na n'ya 'yung mga babaeng 'yon. Kasi s'ya na mismo nag sabi na gusto n'ya ng atensyon. Tsk papansin! Subukan n'yang humingi ng atensyon sa ibang babae nako.
"Satoru? Anong pakiramdam ng sikat? Kasi nung nag aaral ako never akong napansin ng ibang tao." medyo curios ako kung anong feeling.
"Masarap sa feeling syempre. You know every valentines madami akong natatanggap na gifts at flowers. Tapos madaming gustong makipag arrange marriage saakin pero ayoko. Kahit na pinipilit ako ng parents ako ayoko talaga." napatingin ako sa kan'ya.
"A-Arrange marriage?"
"Yup, uso 'yon kapag business ang usapan. Tsk, kaya ayako ng business e." grabe naman. Akala ko sa mga teleserye lang nangyayari 'yung mga arrange marriage na 'yan sa totoong buhay rin pala.
"Hindi ko ma imagine kung gaano kasakit kapag papakasalan mo 'yung taong hindi mo mahal." ang hirap no'n, paano kayo bubuo ng masayang pamilya kung wala kayong nararamdaman sa isa't isa? Ano 'yun lokohan?
"Isa rin 'yan sa reason ko na paulit ulit kong binabanggit sa parents ko everytime na may ipinapakilala sila saakin na daughter ng business partner nila." grabe ang hussle rin pala kapag sobrang yaman mo. Parang kontrolado buhay mo, ultimo course na kukuhanin mo sa college sila mamimili tapos pati ba naman sa mapapangasawa?
"Hindi ka talaga nasunod sa parents mo noh?"
"Syempre naman. I have my own way of living. Hindi ko ginagawa 'yung mga ayaw kong gawin kasi. Life is short, you should do whatever makes you happy." napangiti ako sa sinabi n'ya. Tama nga naman, paano ka nga naman mamumuhay ng masaya kung pinapakealaman ng ibang tao desisyon mo sa buhay.
After a minute nakarating na kami sa apartment. As usal, warm hug ang isinalubong saamin ni Meg. Ang cute cute talaga ni Meg tapos ang talino pa.
Pumasok na kami sa bahay at si Satoru, nag luluto ng hapunan habang ako nilalaro ko si Meg.
Napagisip isip ko, mabuting tao talaga si Satoru. Para saakin certified green flag s'ya. Alam kong sinabi ko noon na ayaw ko muna s'yang sagutin agad pero kasi ginagawa na namin 'yung mga bagay na ginagawa ng mga taong nasa isang relasyon na. Besides, gustong gusto ko na talaga si Satoru at gusto ko ng lagyan ng label ang relasyon namin. So parang napag isip isip ko, what if sagutin ko na s'ya? Kagabi ko pa ito iniisip e.
Habang nag luluto si Satoru, napatingin ako sa kan'ya. Tapos kumabog ng malakas ang puso ko. Is this the right time? I think eto na nga.
***
After n'ya mag luto, kumain na kami. Ewan ko kung paano ko bubuksan ang usapan, hindi ko naman pwedeng sabihin agad agad na sinasagot ko na s'ya 'diba?
"S-Satoru.. uhmm, m-may gusto sana ako sabihin." sambit ko tapos napataas ang dalawang kilay n'ya.
"Hmm? What's that?" tanong n'ya. Nag enhale exhale ako bago ako magsalita.
"Alam mo, alam mo sa totoo lang. Sa maikling panahon nagawa kong k-kilala na. Uhm paano ba?.. Basta parang gusto ko ng bigyan ng kasiguraduhan lahat." arrgghhh kainis hindi talaga ako magaling mag bitaw ng words na gusto ko iparating.
"What do you mean?" takang tanong n'ya at napalunok naman ako.
"Deba ginagawa na natin 'yung mga bagay na ginagawa ng mag bf gf?" tanong ko. Tapos tumango s'ya.
"And?"
"Uhmm, I think eto na 'yung tamang panahon." nakita kong nanlaki ng bahagya ang mga mata n'ya.
"Oi, don't tell me.." ngumiti ako sa kan'ya tapos tumango.
"Yes, t-tayo na?" patanong na sagot ko. Tapos napatakip s'ya ng bibigyan n'ya kaya nabitawan n'ya 'yung sandok tapos 'yung sabaw tumalsik kay Meg.
"Tatay!" saway ni Meg tapos natawa lang ako.
"Are you for real?!" takang tanong n'ya tapos napatayo s'ya.
"Ayaw mo?" biro ko. Tapos nagulat ako ng niyakap n'ya ako ng mahigpit. Niyakap ko din s'ya pabalik huhu naiiyak ako.
"I swear, I'll make you the happiest person on earth. Thank you for trusting me, Mae." napangiti ako.
"I love you.." I swear naiiyak talaga ako. I've never felt so much love from a guy before..
"I love you more.." sagot n'ya.
***
"Satoru, huwag ka masyadong dumikit nasa harap tayo ng anak mo." saway ko sa kan'ya. Kanina pa kasi s'ya naka yapos sa braso ko.
"Megs tulog kana nga-"
"Huy!" sinaway ko uli s'ya. Anong tulog na bakit may binabalak ba s'ya aber?!
"Tatay gusto ko na po matulog." nagliwanag ang pagmumukha ni Satoru sa sinabi ng anak n'ya. Bakit ba gustong gusto n'yang matulog na si Megs?
"Wait lang patulog ko lang s'ya saglit." mukha s'yang excited???????
"Sige po." iyun lamang at saka na sila pumasok sa kwarto nila.
Bakit kaya gusto ng patulog ni Satoru si Meg? Hindi kaya... *napatakip sa dibdib* h-hindi kaya?.. Hala huy huwag naman bata pa ako huhu kuya 'wag po!
After 15 minutes narinig kong tumunog na 'yung pinto. Ayan na s'ya!
Lumabas na s'ya tapos dahan dahan n'yang sinara ang pinto. Nagpipigil ako ng ngiti habang papalapit s'ya ng papalapit saakin habang nakangisi. Hanggang sa binuhat n'ya ako, s'ya na ang naka upo sa couch tapos ako nakaupo sa lap n'ya. Naiimagine n'yo ba position namin???
Ipinagdikit ko ang noo namin tapos kiniss ko ang tip ng nose n'ya.
"Gwapo mo!" bulong ko.
"Naman~" sagot n'ya. Hinawakan n'ya ako sa bewang at unti unti nang nag lalapit ang mukha namin. Aaaahhhhh!
Nung isang kuko nalang ang layo namin sa isa't isa ipinikit ko na ang mata ko. Hanggang sa....
*tok tok*
Natigil kaming dalawa ni Satoru tapos nagkatinginan kami. Bakas ang inis sa itsura n'ya.
"Aaaahhhhh naman!" angal n'ya. Umalis ako ng pag kakaupo sa lap n'ya. "Sino ba 'yan?! Naman oh nag bebebetime kami dito e!" angal n'ya. Natawa lang ako.
Tumayo na s'ya tapos nagpunta sa pinto para buksan. Pag bukas n'ya, isang lalaking matangkad, elegante at naka suit ang bumungad saamin. Nakita ko ang gulat na bumakas sa mukha n'ya.
"George.." sambit ni Satoru. Eh? Kilala n'ya? Nagtaka ako lalo ng mag bow ito kay Satoru.
"It's been a while, Young Master Sato-"
"What are you doing here? At saka paano mo nalaman ang lugar ko?" gulong tanong ni Satoru.
Young Master???
Nag angat na ng tingin 'yung lalaki.
"I have something to discuss to you."
YOU ARE READING
Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)
FanfictionJJK #1 - Gojo Satoru as construction worker na lagi kang binabati pag uuwi ka ng bahay n'yo. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023