Updated: July 10, 2015
A/N: Kahapon, July 9, 2015, isang taon na ang nakalilipas nang manalo ang favorite kong team laban sa Rain or Shine at nang makamit nila ang apat na sunod sunod na pagkapanalo sa PBA kung saan sila'y nag-uwi ng GrandSlam. I missed those days but again, congrats Purefoods Star Hotshots for that. I'm still your fan. :D (Sorry dumaldal.)
--
4
"Nandito ka na pala.", pagbasag ni mama sa katahimikan.
"Siya pala iyon.", napalingon ako sa lalaking nagsalita. Hindi ko siya kilala ngunit sa boses pa lang niya'y randam mo na ang awtoridad.
"Yes, she's Faerydae.", sabi ni mama na mistulang sila lang ang nag-uusap. Baka gusto nilang ipaalam sa akin kung sino siya?
"You look tense my dear. Maupo ka na muna." Napalingon ako kay Shira ngunit nakangiti lang siya. Malaki itong executive room, maraming pwedeng upuan kaya naman itinuro ni Shira yung inupuan ko kanina, sa tabi niya.
I sighed nung tumahimik muli. Para akong napipi dahil di ako makapagsalita. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng room na ito. May malalaking paintings na nagdedepict ng pagkapanalo sa gyera ng kahariang nito. Meron ring portrait ni mama katapat ng exclusive niyang upuan na pangreyna talaga at isa pang portrait ni... Teka? Siya ang ama ko?
Napalingon ako kay mama na tahimik na nakaupo sa silya niya. Ramdam ko ang tensyon sa paligid ngunit walang nagsasalita. Nagtataka ako ung bakit si Shira na talak ng talak ay di makapagsalita. Gaano ba kami katagal na ganito? Hindi ba talaga nila ipapaalam kung sino ang lalaking ito? Malaki ang posibilidad na siya ang ama ko dahil sa portrait at dahil na din nakaupo siya sa silya katapat ng portrait niya.
"Kayo po ang ama ko?", ako na ang naglakas loob na magsalita. Bigla akong siniko ni Shira. Nilingon ko siya nang may halong pagtataka ngunit tumikhim lang siya.
"Who told you to speak? Magsalita ka lang kapag sinabi ko. And no,"
"Erebus.", pagputol ni mama sa kanya. "Siya ang ama mo Faerydae." Napatingin ako sa ama ko then I saw his face, disbelief written all over it.
"Rosalie. Alam natin kung ano ang totoo. Wala ni isa sa kanila ang anak ko!" nagulat ako sa pagsigaw ng ama ko. Ngunit ang iba mukhang sanay na dahil hindi man lang sila nagreact maliban kay Shira na halatang nasaktan sa sinabi ni... Ugh! Di ko alam itatawag ko sa kanya, kung papa ba o ama. Napagsabihan na nga akong wag magsasalita eh. Tss.
"Anak mo sila.", may diing sabi ni mama.
"Tss." nakakabiging katahimikan. Bumalot na naman sa lugar na ito.
Napalingon kaming lahat dahil sa pagkatok. Agad namang binuksan ang napakalaking pintuan nito. Yumuko ang tagapaglingkod at nagsalita. "Oras na po para sa pagpapakilala sa prinsesa." yumuko ulit siya at umalis.
"Orla, ituro mo kay Faerydae ang daan. Ikaw na ang bahalang magpakilala dahil kailangan kong kausapin ang hari."
"Masusunod mahal na reyna." yumuko siya kaya pinuntahan niya ako sa kinauupuan ko. "Tara na po." Tumayo ako agad. Nakita kong tumingin ng saglit si ama sakin. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Ano bang nagawa ko? Imbes na matuwa siyang makita ako, mukhang gusto niyang manatili na lang ako sa tore at dun na mismo mamatay.
"Sasama ako.", rinig kong sabi ni Shira ngunit di katulad kanina. Punong-puno ng energy, ngayon, malumbay na.
Naglakad kaming muli sa mahabang pasilyo. Bawat nadadaan kong gwardya ay nayuko sa'min. Nginingitian ko lamang sila. Mukhang kilala na nila ako.
Nakita ko ang pinto sa dulo ng hallway. Malaking pinto na nahahati sa gitna. Huminga muna ako ng malalim. "Handa na ba kayo prinsesa?"
Nabigla ako nang buksan ang pinto.
Liwanag.
Nakakasilaw na liwanag.
"AHHH! Ang sakit sa mata!", patuloy kong sigaw kahit alam kong walang makakarinig sa'kin. Hindi naman oras ng pagpunta ni Orla sa toreng ito eh.
Nakikita ko ngayon ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa red tree, parang araw. Pero hindi lang din ako nasasaktan sa mata, kundi sa puso. Sumisikip na ang dibdib ko! "Ahh! Hindi ko na kaya!", pagsigaw kong muli. Wala na akong ibang makita kundi puti, puting liwanag.
"Prinsesa/Ate", narinig kong pagtawag nilang dalawa sakin. Napadilat ako ng mata nang maalala ko ang bagay na muntik ko nang ikamatay. Bigla akong nakaramdam ng takot at tumalikod. Hindi ko kaya ang ganitong liwanag. Aalis na ako!
Hinawakan ako ni Shira sa braso kaya hindi ko na naituloy ang paglalakad. "Huy ate, san ka pupunta? Maraming naghihintay sayo sa hall. Hindi mo sila pwedeng talikuran basta basta."
"Pero di ko kaya,"
"Anong hindi mo kaya? Simple lang naman gagawin mo. Ngingitian mo sila. Yin lang. Ikaw na bahala kung lalapitan mo sila o mauupo ka lang.", naramdaman ko kung pano siya bumuntong-hininga. "Nakakainggit ka nga eh! Akalain mo yun? Binigyan ka ng ganitong kaengrandeng pagsasalo. Samantalang ako,"
Nilingon ko siya. Kailangan kong harapin ang takot ko. Nang makalingon ako, sumakot ng kaunti ang mga mata ko ngunit unti unti silang mag-aadapt dito.
"Hindi ko naman to ginusto... At hindi mo ba alam na sobrang hirap na nasa tore ka, mag-isa? Nakakasira ng ulo.", nginitian ko siya.
"Sorry ate."
"Nah. It's okay. Thank you sa pagmotivate sakin. Now I can face my fear. Smile lang no?"
"Yes!"
Ngumiti ako, "Thank you Shi."
I took a deep breath. Sabi nila hintayin ko munang magsalita yung isa sa tagapagsalita ng reyna.
"Aking ipinakikilala," narinig kong sambit ng tagapagsalita kaya naghanda na ko. "Ang panganay na anak nina Reyna Rosalie at Haring Erebus..." Aba, at talagang may drum roll pa. "Prinsesa Faerydae!", kasabay nang palakpakan ng mga tao.
"Go na ate.", tumango lang ako.
Nakakasilaw. Pero kaya ko to. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa'kin. Nawala ang palakpak nilang lahat. Napalingon ako nang maramdaman kong may dumaan sa aking gilid. "Ama."
Kasunod niya ay si mama. "Erebus.", pagpipigil niya kay papa.
"Mga taga Pusheta! Gusto ko lamang linawin sa inyong lahat!", sigaw nyang mapanindig balahibo.
"Ang prinsesang nasa harapan niyo ay hindi ko anak,"
Nabigla ako sa sinabi niya. Kung hindi niya ako anak, bakit kailangang sabihin sa buong kaharian? Napuno ng ingay ang paligid at nararamdaman ko nang tumutulo ang luha ko.
"Ate tara na.", hinila ako ni Shira palayo sa lugar na yun, palayo sa kahihiyan.
"Erebus! Wag mong idamay si Faerydae sa away natin! Anak natin siya!", mas lalong umingay ang paligid. Ngayon lang ata sila nakakita ng hari at reyna na nag-aaway sa harapan nila.

BINABASA MO ANG
The Unknown Princess
FantasyShe is a princess. She's been held in a tower like the princesses in a book she once read. But her story is different-full of unexpected things because she is not just a princess but an extraordinary one, or not? Once she stepped outside the tower...