Chapter 6

58 3 0
                                    

Updated: Oct. 26, 2015

unedited

--

6

"Ate! Gising ka na..." Naririnig kong hikbi ni Shira kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Naaninag ko ang masayang mukha ni Shira sa harapan ko habang pinupunasan ang mga luha niya. "Oh my! Ate! Gising ka na."

"I'm glad you're awake anak.", hinanap ng mga mata ko si mama at nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga sofa nitong kwarto.

Pilit akong ngumiti at umupo. Pinigilan pa ako ni Shira pero sinigurado ko sa kanyang ayos lang ako. "Uhm ma, I'm sorry for being rude when I talked to you...", nahihiya kong sambit nang maalala ko kung pano ako nagalit at nairita kay mama.

"It's okay anak."

Ngumiti na lang ako ulit. "Kaninong kwarto ito?"

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at napako ito sa umaalong kulay pastel na kurtina dahil sa hangin. "Ito na ang magiging kwarto mo simula ngayon."

"Ohh..." Nilibot ko ulit ang tingin ko at nakita ko ang iilang gamit ko na nandito na. Mas malaki ito kumpara sa kwarto ko sa tore. Isa na tong normal na kwarto. Tumayo ako at lumapit sa napakalaking kurtina.

"Ate! Wag kang makulit. Humiga ka muna." Pagsaway sakin ni Shira pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglapit doon. Hinawi ko ito at nakitang terrace pala ito ng kwarto. Naramdaman ko ang dampi ng hangin sa balat ko.

"Maganda ba ang tanawin Fae?", napalingon ako kay mama at Shira na sumunod pala sa akin dito.

Hindi ako nakasagot... dahil nadismaya ako. Oo, maganda ang tanawin dahil kitang-kita mo ang buong bayan. Marahil nasa dulo ng kaharian ang kwarto kong ito. Ibang-iba sa pwesto ko sa tore na nasa gitna at nakaharap sa gubat. Makikita ko sana ang gubat kung may bintana lamang sa kabilang gilid. Tanging itong terrace lang ang nagsisilbing lugar para makita ko kung ano ang nasa labas.

"Ate? Ayaw mo ba dito? Ang ganda nga nung sayo kasi yung terrace mo sa bayan nakaharap. Yung sakin, dun sa gubat. Nakakabored."

Nilingon ko siya at nginitian. Mukhang parang okay na siya aa? Nakausap na kaya siya ni mama? "Okay naman. Nasanay lang siguro akong sa gubat nakatingin. Saan ang kwarto mo?"

"Katabi lang ng sa'yo!", masigla niyang sabi pero bahagya siyang nalungkot. "Kaso mahaba pa ang lakarin eh. Magkalayo kasi ang pintuan ng mga kwarto natin. Eh sa laki ba naman ng mga kwarto natin, kamusta naman diba?"

Napalingon ako sa pintuan ng may narinig akong katok. "I think there is someone outside."

"Ate, ako na magbubukas!", nang buksan ni Shira ang pintuan, nakita ko ang tatlong tagapagsilbi ng palasyo. Ang dalawa'y may dalang tray ng pagkain. Katulad kasi sila ng suot ni Orla. Lumapit na din kami ni mama sa pintuan.

Bahagya silang yumuko bago pumasok. "Ipagpaunmahin niyo po mahal na reyna ngunit gusto pong makilala ng reyna at hari ng Kashiek si Prinsesa Faerydae."

"Sino sila?", takhang tanong ko.

"Makikilala mo sila mamaya Faerydae.", nakangiting sambit ni mama. "Sige na. Makakaalis na kayo. Doon na lamang kamo mag-usap sa executive room. At yung pagkain ni Fae pakidala na lamang din dun. Dun na siya kakain."

"Waaaaaaah!", sigaw ni Shira pagkaalis ng mga tagapagsilbi. Anong problema nito?

"Bakit ka naman nasigaw?, takhang tanong ko.

"Eh kasi ate. Bagay kayo ng prinsipe ng Kashiek. Kaya lang napakasungit nun. Gwapo sana."

"Crush mo ba?", nang-aasar kong tanong.

"Yuck! Kadiri! Ayoko sa masungit no.", atsaka ako binulungan ng, "At saka mas gusto ko yung laging kasama ng prinsipe. Ang pogi din kasi nun at masaya kasama."

"Anong pinabubulungan niyong dalawa diyan ha?", nagbabadyang tanong ni mama pero natatawa naman kaya natawa na lang ako. Nakigaya na rin tong si Shira kahit namumula. "Oh siya, magbihis ka muna Fae nang maayusan kita at makaalis na tayo."

"Ano ka ba ma! Di na niya kailangang ayusan, masyado na siyang gaganda niyan."

Napalingon akong muli sa terrace... Hindi lang ang gubat ang gusto kong makita. Kundi...

Ang Red Tree.

--

Pumunta kami sa Executive Room pagkatapos akong ayusan ni mama. Naramdaman ko agad ang mga tingin ng mga tao samin. Hinanap ko si papa pero wala siya rito. Siguro ayaw niya talaga akong makita.

Nakita kong tumayo mula sa dining table ng executive room ang tatlong tao. Marahil sila ang kakausap sakin. Lumapit muna ang isang babae na marahil ang reyna nakipagbeso kay mama, sunod naman kay Shira at sakin. Yung isang lalaki na sa tingin ko'y hari ay niyukuan sila mama at Shira pati na rin ako. Pero napako ang tingin ko sa isa pang lalaki, marahil siya ang prinsipe. Totoo nga sinabi ni Shira.

"Mahal na Reyna, ito nga palang muli ang aking anak na si Dominique. Ang Prinsipe ng Kashiek."

Lumapit yung Dominique kay mama ay bahagyang yumuko pati na rin kay Shira. Bakit kinakabahan ko nung palapit na siya sakin?

Napakagwapo niyang tignan. Mapungay ang mata, makapal ang kilay, matangkad, maganda ang tindig, matangos ang ilong at... Ugh! Mapupula ang mga labi.

"Hindi mo ko kailangan tinitigan ng ganyan mahal na prinsesa.", nakita ko ang pagngisi niya at bahagya akong kinabahan pero di ko na lang pinahalata.

Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang kamay ko at akmang hahalikan ito. " Uhm," bahagya kong tinanggal ang kamay ko. "Sorry but I'm hungry." Why do I feel this way? Bakit ganito? Ano ba to?

"Pfft.", narinig kong tawa ng isa pang lalaki. Hinanap ko yun at agad nagregister sakin ang kanyang mukha.

Napadako ang tingin ko kay Shira at nakita kong namumula na siya.

"May problema ba Stefan?", sabi ni Prinsipe Dominique habang tinitignan niya ito ng masama.

"Nandito ka pala Stefan.", nakangiti kong sambit at nakita ko ang pagtataka ng ilang tao sa executive room, lalo na si Shira.

"Maupo na tayo.", sambit ni mama.

Nauna nang umupo ang Reyna at Hari ng Kashiek, si mama at Shira pero kaming dalawa ni Prinsipe Dominique nakatayo pa rin. Nag-aalalangan akong nagtanong ng, "Bakit di ka pa naupo?"

Hindi siya sumagot at inilahad niya ang kanyang kamay sakin. Kinuha ko naman ito at iniupo niya ko sa isang silya malapit kay mama. Ano ba to? Nakakakaba naman.

"Shira, bakit nandyan ka?" Tanong ko sa kanya nang mapansin kong lumipat siya at nag iwan ng bakanteng silya sa tabi namin. Sa kabila kasi ay ang reyna at hari ng Kashiek. Si mama naman ay sa sentro ng lamesa. Pero bago pa ako masagot ni Shira at may naupo na sa tabi ko.

"Dito ako pinauupo ng Reyna Rosalie. You're too preoccupied on your thoughts right now. That's why you don't hear anything."

"Ah okay."

The Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon