Updated: June 4, 2015
3
Faerydae's POV
Nang matapos ang pag-aayos sa'kin ni Orla, doon ko narealize na maaari akong makalabas sa kahariang ito kung susunod ako sa gusto nila. Tama! Kailangan kong sundin sila!
"Tara na prinsesa."
Sabay kaming tumungo sa tapat ng pader na walang kapintu-pintuan. Pano ako lalabas kung di ko pa alam ang wall penetration? "Paano ako makakalabas diyan? Wala akong kapangyarihan."
Nakita kong itinaas ni Orla ang kanyang mga kamay at nakatapat ito sa pader. Napatingin ako sa pader nang unti-unti itong nadidissolve. Aba ayos. Paano niya natutunan yan?
"Prinsesa?" Teka, bat parang iba na tawag sakin ni Orla? Bakit puro prinsesa? Nakakaloko naman eh!
"Sige, tara na.", kasabay nun ay ang pagbuntong-hininga ko.
Nakita ko ang napakahabang hagdan pababa ng tore. Ano to joke? Lalakarin namin to pababa?
"Seryoso ka na lalakad tayo diyan pababa?"
Napatawa si Orla pero imbes na sagutin niya ako eh nagstep na agad siya pababa ng hagdan. Wow. Seryoso talaga siya. "Prinsesa. Hindi po tayo makakarating sa executive room kung hindi pa kayo hahakbang."
"H-ha?"
"Tara na."
Humakbang na ako para matapos ang paglalakad ko. Hahakbang sana ulit ako nang pigilan ako ni Orla. Nagtaka ako sa ginawa niya? Pano kami makakarating nito? "Ano ba Orla? Akala ko ba- Woah!" Nagulat na lang ako nang kusang gumalaw tong brick ng hagdan na kinatatayuan ko. Sinusundan niya ang pagkakaayos ng brick pababa. Nakakahilo dahil paikot ito. Feeling ko masusuka ako.
"Nasa ikatlong palapag na tayo ng kastilyo."
Inikot ko ang paligid dahil wala naman akong makitang pinto. Puro hagdan lang ang nakikita ko. Bago ikumpas ni Orla ang kanyang kamay, nagdissolve ang pader na nasa harapan namin. "Paanong-"
"Wow!", pagputol ko sa sinasabi niya. Humakbang ako palabas ng maliit na espasyo na yon at nakita ko ang kulay faded yellow na pader. Ibang-iba ito sa walang kabuhay-buhay kong kwarto sa tore.
"Uhm, prinsesa. Dito po ang daan." Natigil ako sa pagkamangha sa mga bagay na nakikita ko dahil sa sinabi niya. Sumunod ako sa kanya habang natingin sa napakataas na ceiling ng palapag na ito. May mga nakapinta dito. Atsaka puro paintings ang nakikita ko sa pader. Ang ganda pala talaga sa labas ng tore.
"Padaanin niyo ako!", naririnig kong sigaw ng isang babae. Kaya't lumiko ako sa gawing kanan kung saan ko naririnig ang tunog.
"Ipinagbabawal ang paglapit sa prinsesa."
"Kapatid niya ako!"
"Alam po namin pero ipinag utos ng reyna na wag po siyang palapitin sa iba hangga't di pa siya naipapakilala."
"Ang daya niyo! Alam niyo pala eh! Hindi ba exception kapag kapatid? Gusto niyo bang magyelo ha?"
"Pasensya na po. Iutusan lang kami."
"Ano ba! Prinsesa!", nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay mas bata sakin ng limang taon.
"Ate!", nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi kaya't ako'y nagtaka. "Bitiwan niyo kasi ako! Nasasaktan na ako!", sabi niya sa mga guards na nakasuot ng armor na di mo maintindihan. Dahil sa kakulitan ng babae, binitiwan na siya ng mga gwardya.
Pero-
"Kapatid kita? Teka, may kapatid pala ako?", sigaw ko na nagpaalingawngaw sa tahimik na hallway na ito. Nilingon ko si Orla.

BINABASA MO ANG
The Unknown Princess
FantasiaShe is a princess. She's been held in a tower like the princesses in a book she once read. But her story is different-full of unexpected things because she is not just a princess but an extraordinary one, or not? Once she stepped outside the tower...