Chapter 2

104 3 0
                                    

Updated: May 14, 2015

2

Stefan's POV

HABANG inaaliw ko ang sarili ko sa paggawa ng kung anu-ano gamit ang aking kapangyarihan, may napansin akong isang babae na nakatingin sa hardin ng kaharian ng Pusheta. Mahaba ang kanyang buhok, may pagkakulot at kulay tsokolate. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil na rin sa nakatalikod siya at nahaharangan ito ng anino ng poste.

Nakita ko ang marahang pagbukas ng napakalaking pintuan papasok ng magical garden. Paano siya nakapasok roon nang hindi nagkukumpas ng kamay? Ang balita ko'y kailangan mo ang pagkumpas ng kamay para makapasok sa isang magical garden. Baka sa kahariang ito naiiba. Malay natin.

Nang makapasok na siya, bigla na lamang nagsara ang pinto. Paano ako makakapasok doon? Lumapit ako sa pinto at hinintay kung bubukas ito ngunit nanatili itong nakasarado. Ikinumpas ko ang aking kamay at...

Bigla itong bumukas... Teka. Tama ba ang nakita ko kanina? Baka naman ikinumpas niya ang kanyang kamay nang hindi ko namamalayan?

Hindi ko napigilang lumapit sa kanya pero nag iinigat rin ako dahil baka bigla na lang niya akong patayin, mahirap na lalo't di ko siya kilala. At baka rin malakas ang kapangyarihan niya.

Napansin kong mukhang hindi pambihira itong babaeng ito dahil sa kanyang suot, mukha siyang prinsesa. Ngunit bakit parang ngayon ko lang siya nakita? Sa palagian naming pagdalaw rito, halos kilala ko na lahat ng tao, ngunit siya, parang bago lang talaga siya.

"Magandang binibini, ipagpaumanhin mo ang aking pag-istorbo sa inyo."

At sa paglingon niya, bigla akong natulala. Napakaganda niya. "Sino ka?", tanong niya sa akin.

"Ako si Stefan Sersuk."

Ngumiti siya kaya't parang tumalon ang puso ko sa tuwa. "Magandang araw Stefan. Masyado ka namang pormal.", at bahagya siyang tumawa. "Tara maupo tayo.", pagyaya niya sa'kin at naupo naman ako sa pabilog na konkretong ito kung saan may tubig sa loob. Para bang fountain...

"Ganoon ba? Dahil ba sa aking pananalita? ", komento ko naman sa kanyang sinabi.

"Hindi ka ba gumagamit ng salitang English o kahit man lang mababaw na Tagalog?"

"Ingles. Hindi masyado dahil ito ang aking nakasanayan. Nga pala binibini, maaari ko bang malaman kung bakit nandirito ka sa magical garden? Hindi ba't ipapakilala na ng reyna ang panganay na anak nito?"

"Ngayon lang kasi ako nakalabas. Ngayon lang ako nakakita sa malapitan ng mga rose. Ang ganda pala talaga nila." Napaisip naman ako kung bakit ngayon lang siya nakalabas? At bakit ngayon lang siya nakakakita ng rosas sa malapitan?

"Binibini, ano ang nasa tenga mo?", iwinaglit ko sa isipan ko ang mga katanungan ko kaya ayan ang nasabi ko. Papakitaan ko na lamang siya ng mga kaya kong gawin.

Napangiti ako nang napahawak siya sa kanyang tenga. "Hmm... Wala naman ah?", pagkapa niya rito. Inilapit ko ang kamay ko sa kaliwang tenga niya at may nilikhang isang bagay na tiyak na magpapasaya sa kanya. Ipinakita ko ito.

"Wow. Ang ganda! Paano mo nakuha 'to? Teka, isa kang...", komento niya.

"Tama." at ibinigay ko sa kanya ang rosas na nilikha ko. "Isa akong object manipulator and creator. Ngunit mga simpleng bagay lang ang kaya kong gawin. Kumbaga para nga akong magnanakaw, dahil sa bawat paggawa ko ng mga bagay, may nawawalang ganoong bagay sa iba. Tignan mo yun.", tumingin siya sa itinuro ko. Nakita niya doon na putol ang sanga. Inilagay ko ang bulaklak doon at tumugma ito. "Ganoon ba yon?", takhang tanong niya.

"Oo."

"Baka naman ginagamit mo ito sa masama?", paglapit niya sa putol na sanga at hinawakan ito.

"Nako hindi. Sabi ko nga, simpleng bagay lang nagagawa ko. Mga nasa malapit lang din. Hmm, ikaw, anong kapangyarihan mo?"

"A-ano," sagot niya nang marinig ko ang pagtunog ng kampana kasabay ng pagtayo niya. "Saan ka pupunta?", tanong ko.

"Pasensiya na! May kailangan pa kong gawin! Hindi ako pwedeng mawala doon dahil di ko magagawa ang plano ko! Sige salamat Stefan! See you!"

"Binibini!", pagtawag ko sa kanya ngunit siya'y nakalayo na. Ni hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya. Ngunit naiwan naman niya ang kanyang panyo. Napalingon akong muli sa putol na sanga at doon ko nakita ang unti unting pagtubo ng isang puting rosas. Namumukod tangi sa lahat ng pulang rosas na naroon.

**

"Siguradong magugulat ka sa aking sasabihin prinsipe."

"Ano na naman ba yan Stefan! Isa mo na namang kalokohan?"

Napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa kainitan ng ulo ng prinsipe ng Kashiek. Isa nga siyang fire element user. "Ano! Naghihintay ako!"

"Prinsipe, may nakita akong napakagandang binibini sa hardin ng kahariang ito."

"Pwede ba tigilan mo ko sa old style mong pagsasalita! It's irritating! Nagbasa ka lang ng mga history books kung anu ano nang nalabas sa bibig mo!"

Natawa ako ng bahagya sa kanya. Nakakatuwa kasi ang pagsasalita ng malalim. Nakakaantig ng damdamin. "Hey!", pagtawag ng prinsipe sa'kin.

"Bakit po mahal na prinsipe?", agad kong sagot dahil baka sunugin ako nito mahirap na.

"Who is that beautiful lady you're talking about?"

"Uy, interesado ang prinsipe.", pang-aasar ko sa kanya. Palibhasa'y hanggang ngayon ay di pa niya nararanasang umibig.

"Stop it kung ayaw mong maging abo ka!", akmang ilalabas niya ang apoy niya nang ako'y magsalita.

"Di mo iyon gagawin dahil..."

Tinalikuran lang niya ako. "Mas mabuti nga yun para ako na lang ang nakakaalam. But I still need you kaya tandaan mo to:", nilingon niya ako at binigyan ng nakakatakot na tingin. "Alam mo ang kaya kong gawin kapag may ibang nakaalam nun.", kasabay nang kanyang pag-alis sa aking harapan. Bakit ba ako inaalisan ng mga tao ngayon?

Nagulat na lang ako nang biglang namatay ang ilaw na pinapagana ng mga electricity user sa loob ng napakalaking hall sa kastilyong ito habang nakuha ako ng inumin. At nakatapat na lamang ito sa isang pintuang malaki kung saan lalabas ang prinsesa. Ano kayang itsura niya? Kasing ganda kaya siya ng aking nakita kanina lamang? O mas higit pa? Pero mukhang wala nang gaganda pa sa nakita ko kanina.

--

The Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon