Updated: Oct. 19, 2015
A/N: Ang ganda sana ng update kung naalala ko lang yung napanaginipan ko. Kaso hindi eh.
--
5
Pilit kong iniintindi ang pangyayari. Simula ng lumabas ako sa toreng yun. Isa lamang ang hinahangad ko. Ang malaman kung ano ang pakiramdam ng malaya - na kaya mong gawin ang mga gusto mong gawin, kaya mong gumawa ng bagay na hindi makikialam ang iba at higit sa lahat, malalaman mong hindi ka nag-iisa.
Pero mali pala ako. That was stupid of me. That was so stupid.
"Ate, tahan na."
"Bakit?", tanong ko ngunit yumuko lamang siya, ni hindi siya makatingin ng diretso sakin.
"Why, of all people, siya ang magpapahiya satin? He's evil."
Nanatili siyang tahimik, maging ako rin ngunit isang bagay ang ikinagulat namin. "He's not evil.", boses ni mama. "Hindi niya lang matanggap na anak namin kayo."
"Bakit?", tanong ko naman.
"Kasalanan ko. Simula nang makita akong pumasok sa Magical Forest, nag-iba na siya. At pinaghihinalaan nila ako bilang nakarelasyon ng God of Nature."
"Ha?", takhang tanong ni Shira. Hindi niya nga alam.
"Hindi mo kailangan tong malaman Shira. Pasensya na anak pero mabuti nang maging sekreto ito namin ng kapatid mo."
"ANO?!", galit na asik ni Shira na siyang nagpatayo sa kanya. "Edi parang sinabi mo na ring hindi mo talaga ako anak."
"Shira.", pagtawag ko sa kanya pero nginisian niya lamang ako sabay sabing, "Ang swerte mo.", kasabay rin nun ang pag-alis niya.
"Shira, bumalik ka dito.", akmang tatayo na ko nang pigilan ako ni mama. "Anak, hayaan mo na siya. Hindi siya pwedeng mapahamak kaya ko yun sinabi sa kanya. Ako na ang kakausap sa kanya."
"Pero ma,"
"Sumunod ka sakin.", pagputol niya sa sinasabi ko.
--
Nagulat na lang ako nang makita kong nasa labas na ako ng palasyo. Kita ko mula dito kung gaano kataas ang palasyo, ngunit parang may kung anong nakapalibot sa premises ng kaharian, di lamang sa palasyo pati na rin sa bayan na kita mula sa pwesto ko. Iba, iba talaga ang pakiramdam.
"Ayan ang barrier.", narinig kong sambit ni mama nang mapansin niyang nakatingin ako sa itaas ngunit wala naman akong makita, nararamdaman ko lang.
"Nakakatawa, ang mga bagay na magproprotekta sayo ay hindi mo talaga makikita. Katulad niyan. Pero mararamdaman mo, lalo na kung malapit ka sa dulo nito.", napatingin ako kay mama habang patuloy lang siya sa pagsasalita. "Nandito tayo malapit sa dulo ng barrier kaya mas malakas mong mararamdaman ang presensya nito. Sa oras na lampasan mo ang barrier na yan, hindi ka na makakabalik pang muli sa kaharian."
Diretso kong tinignan ang pathway papunta sa loob ng gubat na yun. "Bakit mo sinasabi sakin to?" Patuloy kong iginala ang paningin ko nang may napansin akong kakaiba. Parang-
"Upang hindi ka na magbalak pumunta diyan. Nabasa ko ang mga isinulat mo at nakapaloob dun na gustong-gusto mong tumakas sa kaharian na ito."
"What did you just say?!", galit kong asik. It's my private property! How dare her.
Bahagya itong napangiti. "Oh, haven't I tell you that I can see through things?"
"You're my mom! Hindi mo dapat yun ginawa!"
"That's it! I am your mom! Gusto kong malaman kung ano ang nilalaman ng puso mo, kung ano ka. I don't know where to start lalo na't di kita naalagaan personally that's why I need to scan your things."
"Fine." Tangi kong nasabi dahil ayokong makipagtalo. Tuloy pa din ang plano ko.
"It's for your safety. I can't afford losing a child. Not you and not even Shira.", malungkot niyang tugon. Ramdam ko ang sinseridad sa tono ng boses niya.
"You said a while ago that you entered that forest. Hindi ba bawal iyon?"
"At that time, hindi pa ipinagbabawal ang pumasok sa forest except for the Red Tree."
"But it's not the reason why you entered the forest, right?"
Bumuntong-hininga si mama at inilibot ang tingin sa kabuuan ng lugar. "Just like you, I wanted to go beyond what is expected for me to do. Gusto kong malaman kung anong kaya kong gawin. At dahil nalaman kong mahahasa ang kapangyarihan ko kapag pumasok ako sa forest, tumakas ako."
Tinignan ako ng matiim ni mama nang hindi ako nagsalita. "But you have a different purpose, hindi ba Faerydae?", sabi pa nito.
"That's the trouble with your ability. You judge people based on what you have seen.", nakangisi kong banggit.
Lumakad siya palapit sa'kin. Kung saan mas ramdam ang barrier. "But I'm still your mom..."
"You don't need to brag about that. You are misleading me... After that, what happened?"
"I...", nakita ko ang kalungkutan at kaligayahan sa mga mata niya. "I became pregnant..."
"Ma, I am a little confused. Ano namang kinalaman ng pagiging buntis mo sa akin, particularly sa pagtago niyo sakin sa tore at sa hari... Kay papa," nahihiya kong sambit. "Hindi ko maintindihan."
"Kasal kami ni Erebus bago pa man mangyari ang lahat at galing ako sa Kingdom Berardo. Ang totoo'y hindi ko mahal si Erebus nung una dahil nga sa kasamaan ng ugali niya... Pero kailangan ko, upang masalba ang kaharian namin." At doon ko unti unting nakita ang pilit niyang ngiti. Inilayo ko ang tingin ko nang titigan niya ako. "Hindi ko akalain na kalaunan, mamahalin ko rin pala siya."
I'm getting irritated with their love story so I interrupted. "Ma, can you please go straight to the point."
"Ikaw talagang bata ka, by the way, it was not my first time entering the forest, I always went there, yun nga lang... patago, laging takas." Then she started laughing like she's so amused of herself. "I am in the forest to train, nothing else. So when the time came that the nature god is searching for his child. Someone said that I may have close encounter with him, sakto pa na naipanganak na kita. I don't know but everything was coincidence."
"But ma, are there also women who gave birth?"
"Oo, marami. Pero ako lang ang nakitang pumapasok sa forest. I was so unlucky. Kaya hindi na nagtitiwala sakin si Erebus."
"Uhmm, so what's with my barrier kung-" Napatahimik ako nang may narinig akong kaluskos. "Ano yun ma?"
"Mga hayop siguro." Napaligon ako sa pathway papunta sa forest. There was something I saw na parang natakbo. It's a figure of a man. Lumapit ako, malayo pa naman ako sa barrier eh. And then I saw... orbs. Sinubukan kong hawakan ang isa nang mapasigaw si mama. "Wag!" Pero huli na. Nakahawak na pala ako sa barrier. Napalingon ako kay mama at nagtaka kung bakit...
...may nakapalibot sa kanyang itim na aura.
BINABASA MO ANG
The Unknown Princess
FantasyShe is a princess. She's been held in a tower like the princesses in a book she once read. But her story is different-full of unexpected things because she is not just a princess but an extraordinary one, or not? Once she stepped outside the tower...