Updated: Dec. 4, 2015
unedited
--
7
Narinig ko naman bigla ang pagtawa ng prinsipe. "What's funny?"
"Ikaw. I find you funny."
Tinignan ko lang siya ng masama at inirapan. Ganito ba ang dapat na trato ng isang prinsipe sa isang prinsesa? Nakakainit ng ulo. Sa simula lang gentleman. "Pasensya na kayo kay Prinsesa Fae. Hindi pa siya gaanong sanay makihalubilo sa ibang tao. Kahit nga kami ni Prinsesa Shira eh kahapon lang niya nakilala.", biglang napalingon sa kanya ang hari at reyna ng Kashiek. "Hahaha, just kidding. Kumain na lamang muna tayo", singit naman ni mama at nagsimula nang maglagay ng pagkain ang mga tagapagsilbi.
Teka, kahapon...? Ibig sabihin yung pagkahimatay ko kahapon nagdiretso na sa tulog ko hanggang ngayong araw. "It's okay Queen Rosalie. I think I can handle her."
"That's good.", sagot ni mama saka tipid na ngumiti.
"What do you mean?", tinignan ko si Prinsipe Dominique nang may halong pagtataka. Pero bigla akong napaiwas ng tingin nang makitang nakatingin din siya sakin.
"Shi," pagtawag ko naman dito na nagsisimula na palang kumain. Pilitin ko man ang sarili kong wag lumingon, ugh! Kailangan ko. "Bakit ate?", sagot naman niya pagkatapos niyang lunukin yung kinakain niya. "Are you aware of what's happening?", tanong ko na tanging pagkibit-balikat lang sagot niya.
"Ma, I have to ask something.", tinignan lamang ako ng matiim ni mama.
Ngunit nagulat na lang ako nang may nagsalita pero wala naman akong nakitang nagbuka ng bibig nila bukod sa isusubo nila ang pagkain nila. At alam kong si mama yun pero hindi talaga siya nagsalita literally. Parang sa utak ko lang.
"Memory removal spell. That's it. They don't know what happened at the ball yesterday. They thought we cancelled it. Now, eat."
Oh, so, a spell.
--
"Kagaya nga ng sinabi ko mahal na reyna, ngayong nakilala na namin ang prinsesa, nais naming ipakasal siya kay Dominique. Hindi ba't isang magandang ideya yun dahil maaaring maging isa na lamang ang mga kaharian natin.", mahinahong sabi ng reyna ng Kashiek pagkatapos naming kumain na ikinalaki ng mata ko.
Napatingin na lang ako kay mama nang may mukhang hindi naniniwala sa mga naririnig ko at kay Shira na pilit pinipigilan ang pagtawa. "Pag-uusapan namin yan ni Erebus. Alam mo namang ni minsan hindi niya ginustong makipag-alyansa sa kahit anong kaharian. Pero maganda ang mungkahi mong ipakasal silang dalawa tutal nasa sapat na gulang na sila pareho ngunit mabuting magkakilala muna ang prinsesa't prinsipe."
"Ma!"
--
Tahimik lang ako habang inihahatid kami ni Nikolo at Stefan papunta sa hardin sa labas ng kaharian. Nang makarating kami, bigla akong naexcite nang marami akong makitang bulaklak. Medyo malapit to sa lugar na pinagdalhan sakin ni mama kahapon at iba din to sa magical garden dahil puro rosas ang nandoon at enclosed yun, ito kasi iba't ibang uri ng halaman.
"Mukhang gustong-gusto mo ang mga halaman mahal na prinsesa.", sambit ni Stefan.
Ngumiti ako atsaka ibinalik ko ang mga tingin ko sa mga bulaklak.
Ang gaganda!
"Sige Prinsipe, yung mga tinuro ko aa?", bulong ni Stefan kay Prinsipe Dominique na rinig naman naming lahat. Sinasadya nuya ba talaga iyon?
Tinignan lang siya ng masama ng prinsipe pero natawa lang si Stefan. "Aalis na kami Prinsesa."
"Sige.", saka ako ngumiti, ulit.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may iba't-ibang tao kang nakakasalamuha, nakakakaba minsan pero mas lamang ang saya!
Maliban na lang sa hay, kay Prinsipe Dominique.
"Mabuti pa nga.", sambit ng prinsipe kaya natawa ulit si Stefan.
Kagaya niyan, napasungit niya.
"Nako prinsipe. Gusto mo nang masolo si Prinsesa Fae agad aa."
"Umalis ka na lang. Puro ka satsat.", atsaka naglabas siya ng apoy mula sa mga kamay niya. Hindi na ako nagulat dahil kakaiba naman talaga ang mundo namin...
"Oo na.", sabay biglang paglaho ng dalawa. Nagteleport ba sila? Hay, sana ako din.
Pero di ko matanggap na biglang lumalakas ang apoy na ginagawa ng prinsipe at ibinato niya ito sa gilid ng garden. "Ah, teka! Itigil mo yan!", impit na sigaw ko.
Mapang-asar pa!
Hala! Yung garden nasusunog, anong gagawin ko? "Oy! Patigilin mo yung apoy ano ba!"
Pero hindi niya ito pinansin. Sa halip, nakita ko pa siyang ngumisi. "Argh!", mabilis akong mairita. I am not used to people. Hindi ako sanay sa mga ganitong nang-iinis. At isa pa, garden to! Garden ng kaharian namin. Garden na ngayon ko lang nakita. Garden na mawawala agad. "Hoy! Yung garden niyo sunugin mo.", pagtulak ko sa kanya.
"Okay. Okay. Stop crying." Umiiyak ako? No! He should not see my weak side. Aakalain niyang mahina ako dahil simpleng bagay lang iniiyakan ko. But seeing plants die? It kills me. Ayokong nakikitang nasasaktan ang halaman dahil nasasaktan din ako.
"Wag kang mag-alala. It will regenerate. Our world is full of magic. Even the smallest thing has magic. Kahit yang damo na yan -", umupo naman siya sa isa mga benches dito habang nakatingin sa malayo.
"Oy, hindi yan damo.", pagputol ko sa sinasabi niya dahil alam ko naman yun sabay turo ko sa jasmine shrubs na tinignan naman niya. "But that's nothing.", pag-alis niya ng tingin dito.
"No, it has many uses.", lumingon sya bigla kaya napaiwas ako ng tingin. "Uhm," nag-aalangang sambit ko. Bakit ba ako napapaiwas ng tingin tuwing napapatitig siya sakin? "Uhm, one, as an ingredient for a love potion."
"Talaga? How did you know it?", tanong niya naman.
"Kung sa tingin mong bobo ako dahil di ako nag-aral sa academy for magic, eh sorry hindi. Mas marami ang alam ko tungkol sa potion.", masungit kong saad.
"Oh. I'm not judging you.", simple niyang saad saka ako tinitigan ng matiim. "Don't ever try to use that potion on me. I'm not gonna fall for you. May pangontra ako diyan."
"As if I am going to use it on you. Ikakasal ako sayo, hindi ba?" Salamat naman at di ako nailang. Argh!
"So you want me to marry you?"
"No. I only mean that even if I use love potion or not, I'm still going to marry you. Why life has to be unfair?", naupo naman ako sa isa mga bench dito sa garden malayo sa inuupuan niya.
"So what's your power?"

BINABASA MO ANG
The Unknown Princess
FantasyShe is a princess. She's been held in a tower like the princesses in a book she once read. But her story is different-full of unexpected things because she is not just a princess but an extraordinary one, or not? Once she stepped outside the tower...