Simula

9 0 0
                                    

Carolina Quinn

"Kung ayaw mo akong ligawan pwes ako na lang ang manliligaw!" inabot ko kay Blade ang isang pirasong rosas na binili ko pa sa kanto ng school namin, sinigurado kong maaga akong magigising para fresh ang rose na mabibili ko.

Kaso sa itsura ngayon ni Blade parang gusto kong ihampas na lang sa kaniya yung mga tangkay ng rosas na puno ng tinik.

"Itanim mo na lang yan sa bakuran niyo," sabi niya ni hindi man lang nag-angat ng tingin sa mga papel na binabasa at pinipirmahan niya ang aga-aga pa pero ito agad inaatupag niya.

"Blade naman! Ang aga-aga ko gumising para bilhan ka ng rose kasi boys deserve some flowers too!" pagtatampo ko sa kaniya at padabog na nilapag ang rosas sa harap mismo ng mga papel na pinipirmahan niya kaya naman wala siyang nagawa kung hindi iangat ang gwapo niyang mukha sa akin.

"What are you even doing in the Council's office? Aren't you supposed to be in your office?" he asked tiyaka inuusod ang rosas para ibalik ang atensyon sa mga papeles sa harap niya kaya naman kinuha ko na lang ang swivel chair sa tabi niya at naupo doon habang pinapanood siya.

"Ms. Editor-in-Chief, please leave our office bago pa mabaliw sa iyo yang Presidente ng college natin sa kakatitig mo," sa sobrang pagkakatitig ko kay Blade hindi ko namalayan na pumasok na pala ng office si Dareen ang Vice President ng college council namin at tawang-tawa pa habang pinapanood akong nakatitig kay Blade, leche.

"That's the point, Darren!" sabi ko na lang at tumayo na ako at kinuha ang bag ko sa sahig para umalis dito since mukhang wala namang balak si Blade na bigyan ako ng atensyon.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng office ng bigla akong tawagin ni Blade kaya naman ngiting-ngiti ko siyang hinarap hanggang sa naramdaman ko na lang yung rosas na tumama sa mukha ko, binato na pala niya sa akin.

"Bakit 'di mo sinalo?" nakangiwing sabi niya kaya naman binato ko na lang sakaniya pabalik yung bulaklak at pabagsak na sinara ang pinto, hayop talaga 'yon!

Hanggang sa labas rinig na rinig ko ang malalakas na tawa ni Blade at Darren, mga taksil!

Dumiretso na lang ako sa office namin at swerte dahil wala pa ang mga members ko dahil kung andito na sila paniguradong hindi ako makakapag-pahinga sa kakulitan nila.

Humiga na lang ako sa sofa at niyakap ang malaki naming teddy bear sabi ko matutulog ako pero I ended up thinking my encounter with Blade awhile ago.

Blade and I are best friends since high school however it was during our 12th grade when we realized that we have fallen for each other, hindi namin kung kailan nagsimula. Siguro noong Grade 7 kami habang sabay kaming nagbabasa ng Ibong Adarna o noong Grade 10 kami habang pinag-aaralan namin kung paano nabuo ang mundo o sa loob ng ilang taong kaming dalawa lang ang nagdadamayan sa isa't-isa.

But it doesn't matter when we started falling for each other ang gusto kong malaman ay kung kailan niya ako liligawan dahil sa loob ng 10 taon naming pagkakaibigan at ngayong 4th year college na kami, hindi niya pa rin ako nililigawan kahit pa parehas naming alam ang nararamdaman namin sa isa't-isa!

Parehas din kaming kilala sa university namin, Blade is our college president while I am the college publication Editor-in-Chief, we both hold the highest position of student sa loob ng kolehiyo namin, no wonder kung bakit lagi rin kaming napagkakamalang mag-jowa kasi palaging sa amin nakatingin ang mga estudyante, sabi nga nila we could have been the most powerful couple in our college.

Before he was very vocal with his feelings, hindi siya showy pero people noticed it kahit pa hindi naman namin pinagsasabi siguro dahil na rin sa hindi kami mapaghiwalay lalo pa at magkaklase na kami simula pa talaga noong Grade 7 at ngayong college na kami at parehas na kumukuha ng kursong Mass Communication.

Before, we used to talked about our feelings we never talk about our future tho, he always said that we should just enjoy each other's company. Sinabi na rin niya noong 1st year pa lang kami na hindi pa siya handa, na hindi niya pa kayang mag-commit at kahit masakit para sa akin 'yon, tinanggap ko yung desisyon niya kasi para sa akin you don't need to have a label para lang maiparamdam niyo sa isa't-isa na nagmamahalan kayo.

But now, something feels off... I mean hindi naman talaga siya showy at clingy pero I just know that something is off.

——————
Pumasok ako sa loob ng classroom namin pero agad na nakunot ang noo ko nang makitang nakaupo si Athena sa upuan ko, sa tabi ni Blade.

"Justice, may mga resolutions pa palang hindi pa nada-draft para sa Intramurals— Hi, CQ!" bati niya nang lumapit ako sabay ngiti pa niya kaya naman kahit naiinis ako sa palayaw niyang lagi niyang ginagamit sa akin ay ngumiti na lang ako pero narinig ko ang pagtawa ni Blade palibhasa alam niyang ayaw na ayaw kong binibigyan ako ng pet names, ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos tatawagin akong kung ano-ano?

"Shut up, BJ." sita ko sa kaniya dahilan para magtawanan sila ni Athena kaya mas lalo akong napasimangot.

Athena was about to stand up when Blade casually held her wrist kaya sabay kami ni Athena na napatingin sa kaniya, "Dito ka muna tapusin muna natin yung pinag-uusapan natin about sa mga kailangan pang i-settle na resolution and once andito na si Ms. Atrero you can go back to your chair," sabi ni Blade kaya napaupo na lang si Athena at napatingin sa akin pero nakatingin ako kay Blade na napatingin na rin sa akin, baka nakakalimutan niyang upuan ko 'yang pinapa-upo niya sa iba? At tiyaka bakit dito sila mag-uusap e may office sila at isa pa class hours ngayon?!

"Quinn, pwedeng doon ka muna saglit sa upuan ni Athena? Balik ka na lang kadating ni Ma'am," sabi niya kaya naman napatango na lang ako at pumunta sa upuan ni Athena na nasa dulo at binaba ang bag ko doon tiyaka lumabas sa kabilang pinto para pumuntang banyo.

"Hi, Ms. Chief!" panay ang bungad sa akin nang mga nakakasalubong ko kaya kahit ayaw kong ngumiti ay napilitan na lang akong ngumiti.

Karating ko ng banyo ay agad akong humarap sa salamin at tinignan ang sarili ko. Inayos ko ang suot kong kulay itim na choker necklace at sinuklay ang buhok kong hanggang balikat. Marami ang nagsasabing maganda raw ako and I can debunk it kasi totoo naman, bahagya tuloy akong napatawa lagi ko na lang talaga pinupuri ang sarili ko.

Morena ang kulay ng balat ko na binagayan ng medyo dark brown kong buhok na siyempre pinakulay ko, hindi naman ako pinanganak na iba ang kulay ng buhok no. Hindi rin ako katangkaran pero hindi rin naman maliit, sakto lang din ang pangangatawan at hubog ng katawan ko kaya hindi ko alam kung bakit si Athena ang katabi ngayon ni Blade.

Napailing na lang ako at naghugas ng kamay, "You really need to work on you temper, Carolina." I whispered to myself.

Ilang beses na rin naming pinagtalunan ni Blade dati ang pagiging selosa ko parang lahat na lang yata ng babaeng lalapit kay Blade ay pinagseselosan and I know it's not good but I can't help myself from feeling that way knowing that everyone here knows that Blade is single kahit pa we have a thing.

Kabalik ko sa classroom ay nandoon na si Ma'am at nakaupo pa rin doon si Athena. I heaved a sigh before sitting down sa upuan na nasa likod, hind ako sanay na nasa likod akong bahagi ng classroom at mas lalong hindi ako sanay na hindi si Blade ang katabi ko.

Napatingin ako kina Athena at Blade at napansin ko na nag-uusap pa rin sila habang nakangiti sa isa't-isa.

Ito ang mahirap kapag walang kayo, kapag walang label ang relasyon na kinakatayuan mo kasi kahit pa alam niyo na mahal niyo ang isa't-isa hindi mo naman alam kung saan ka tatayo. Pakiramdam mo wala kang karapatang magselos kasi wala namang kayo, hindi naman kayo committed sa isa't-isa at ang tanging pinanghahawakan mo lang ay yung nararamdaman mo at yung sinabi niyang nararamdaman niya para sayo pero ang totoo, hindi mo alam kung nasaan ka at kung nandiyan ka pa ba talaga sa eksena.

———

Midnight RainWhere stories live. Discover now