Carolina Quinn
"Your assigned articles and literary pieces should be in our google drive by the end of this week, I already give you enough time to do this. We need those articles and pieces para masimulan na rin ng mga graphics and cartoonist ang trabaho nila, our target release date for our magazine is due by the end of next month. Do you have any questions and clarifications?" seryosong sabi ko sa board member and staff ng publication pero umiling lang sila at nag-usap na kaya naman tumango na lang ako at umupo sa upuan ko.
Maiingay sila pero kahit ganoon ay hindi naman ako naiinis kasi alam kong nagkakasayahan lang sila kinakausap din nila ako pero nang makitang wala ako sa mood ay inabutan na lang nila ako ng pagkain at inumin tapos ay nagpatuloy sa kwentuhan nila. Alas-siete na ng gabi pero heto at nasa opisina pa rin kami at pinag-uusapan ang mga kailangan namin para sa release ng magazine namin.
Humiga na lang ako sa tabi nila sa sofa kahit pa siksikan na kami, maya-maya pa ay may kumatok at nagbukas ng pinto tiyaka pumasok si Blade bitbit ang bag niya.
"Ayie, ayan na ang College president namin!"
"Wow very mitochondria couple naman pala!"
"Sana all na lang talaga!"Pagbibiro nila pero nginingitian lang sila ni Blade kaya naman tumayo na ako at kinuha ang bag ko bago ako lumabas ng office.
"Bakit wala ka na naman sa mood?" ito ang bungad sa akin ni Blade kalabas namin ng office kaya naman pinakita ko sa kaniya ang pinaka-pekeng ngiti na meron ako.
"Ay kailangan ba palagi akong nasa mood? Oh, ito na mahal na prinsipe, ngingiti na ako." inilapit ko pa sa kaniya ang pagmumukha ko para mang-inis pero tatawa-tawang pinitik niya lang ang noo ko at kinuha ang iilang librong hawak ko.
"We just talked about the upcoming college plans para sa Foundation Week, nanghihingi na ng plans ang SSC kaya nagra-rush kami ni Athena," sabi niya na parang nakasulat sa buong mukha ko na kaya ako wala sa mood ay dahil nagseselos ako sa kanila ni Athena.
Naglakad kaming dalawa at nanatiling tahimik lang kalabas namin ng university ay nagpunta kami sa 7/11 para bumili ng ice cream, halos araw-araw na ata namin itong ritwal lalo na kung medyo nali-late kami ng uwi sa dami naming responsibilidad.
"Di ka talaga magsasalita?" tanong niya pero umiling lang ako habang dinidilaan ang ice cream, naglakad kami hanggang sa mapadpad kami sa open field malapit sa university namin at naupo lang muna sa mga benches doon.
Minsan napapaisip ako ng mga bagay na maaaring mangyari kung hindi kami nahulog sa isa't-isa ni Blade, may jowa kaya ako ngayon? Siya kaya magkakajowa siya?
"Bakit?" tanong ko sa kaniya habang tulala pa rin sa malawak na field sa harapan namin, may mga sumasayaw na grupo at may mga bata rin na naglalaro parang naging isang park na rin ito kung tutuusin.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tumingin siya sa akin kaya naman tinignan ko rin siya, "Bakit hindi mo kayang sumugal?" taas-noong tanong ko sa kaniya kaya naman napailing na lang siya at napatingin sa harapan na parang sinasabi sa akin na ilang beses na namin itong napag-usapan.
"Quinn, there are things that are more important than being in a relationship. Nag-aaral tayo, parehas tayong busy sa mga ganap natin sa college, parehas tayong running for latin honors. Isa pa, hindi mo naman kailangan ng label para... para dito." sagot niya kaya naman natahimik na lang ako.
"Sometimes you make me think that I am not worth the risk..." hindi na niya ako nilingon at nanatiling nakatingin sa harapan niya. Bahagya siyang naiilawan ng malapit na lamp post sa amin kaya kitang-kita ko paano nag-igting ang panga niya.
YOU ARE READING
Midnight Rain
Любовные романыi was sunshine he was midnight rain and by the moment he became the glee of star i succumbed under the pouring drizzle