IV

2 0 0
                                    

Carolina Quinn's

Blade
Saan ka na?

Quinn
Nasa likuran niyo ni Samantha, ka-table
ko sina Pres Nika ng CCS.

Blade
Sige, ayaw kasi makakita ng bakanteng
upuan ni VP kaya di ka na namin napagtabi.

Sinarado ko na lamang ang cellphone ko pagkatapos kong basahin ang mensahe niya, nakihalubilo na lamang ako sa mga ka-table ko habang hindi pa nagsisimula yung round table meeting.

"Mukhang totoo yung chismis about kina Samantha at Blade ah," sabi ni Nika sabay siko sa akin kaya naman halos magtinginan lahat ng nasa table sa pwesto ko.

"Ano naman masasabi mo Ms. EIC na bestfriend ng so yummy na si Blade?" tanong naman ni Harper.

"Ang masasabi ko lang ay mind your own business kasi wala naman namamagitan sa dalawang iyan dahil kung meron, ako na bestfriend ni Blade ang unang makakaalam. Aba, hindi pwedeng mahuhuli sa balita ang EIC no!" pairap ko na lang na sagot sa kanila at sana naman mahalata nila na hindi ako komportable sa kung ano mang kalokohan ang gusto nilang pag-usapan. Ito na nga ba ang sinasabi ko e!

"Hmm, baka naman kaya walang namamagitan sa kanila kasi kayo na?" tanong naman ni Raymart kaya naman muli ko na lang silang inirapan.

"Hmm, baka naman masyado mo ng pinakikialaman ang mga personal na bagay? Maupo ka na nga lang diyan at makinig sa meeting na 'to." hinawakan ko na lamang ang cellphone ko at nagsimulang mag-scroll sa fb para mapansin nila na wala naman akong interest sa kung anong gusto nilang pag-usapan.

"But have you heard about it ba? Na kaya tayo pinatawag dito ay para walang lalabas tungkol sa latest chika kay VP Virgilio? Ang usap-usapan binulsa niya yung mahigit 3 milyon na budget ng mga student athlete para sa National Sports kineme at kaya raw tayo pinatawag dito ay para pigilan yung balita para lumabas," ito ang bulong ni Harper na nagpalaki sa mga mata ko.

"What the hell? If that is true then deserve ng mga estudyante na malaman ang katotohanan at tiyaka isa pa uutusan nila tayong council at press na manahimik? Anong klaseng mga student journalists at leaders tayo kung hindi tayo magsasalita?" marami pa sana akong sasabihin nang biglang takpan ni Nika ang bibig ko na pilit ko namang tinatanggal.

"Kasi nga on-going pa lang daw ang investigation kaya naman as much as possible e gusto ng school at ng board members na shut up muna tayo kasi baka lalo lang daw lumaki ang issue tiyaka ano ba Carolina Quinn hinaan mo nga yang boses mo mapapahamak tayo diyan! Ang malala baka matanggalan pa kamo ng scholarship yung mga malalaman na nagpapakalat ng ganyang balita." pagalit na bulong sa akin ni Nika na sinang-ayunan naman ng mga kasama ko sa lamesa kaya wala na akong nagawa kung hindi ang irapan sila at ituon ang atensyon ko sa cellphone ko.

Tama naman ang sabi nila dahil nang mag-umpisa na ang meeting ay iyon ang naging pangunahin topic at ang mas nakakatakot pa, sinabihan nila kami na kapag may narinig kaming mga estudyante na nagsasalita tungkol dito ay agad daw namin i-report sa office ni VP Virgilio na office of academic affairs.

Wala tuloy ako sa mood nang matapos ang meeting, bilang isang EIC ng publication sobrang salungat ako sa oppression na ginagawa ng mga admin at board members at gusto pa nila kaming gawing instrumento sa kung ano mang katiwalian na sangkot sila.

Ito namang si Blade akala mo jowa ni Samantha sa pagtatapik niya sa likod nito na parang pinapalakas ang loob dahil sa kinasasangkutang gulo ng tatay niyang korap— No, wala pa namang nagpapatunay na ninakaw nila yung 3 milyon pero sa ginagawa nilang pagpapatahimik para na rin nila sinasabing may tinatago nga sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight RainWhere stories live. Discover now