(Chanyeol's POV)
Pag kauwi ko sa bahay nakita kong may hawak hawak na tsokolate si Yuan, napakunot ang noo ko. San galing ang taeng yan?
"Yuan san galing yang chocolate mo? Nandyan ba sina Tatay? Nabuhay ba ulit sila at pinasalubungan ka?" sunod sunod na tanong ko, sinamaan nya ako ng tingin at tinaasan ng kilay.
"Dumating yung ex mo kuya." mataray na sagot nito at nilantakan yung tsokolate, napakunot ang noo ko. Si Dara? Bakit sya nandito? Sus, makikipag balikan siguro yun sakin. Alam mo naman ang mga gwapo! Badboy pero habulin ng chix.
"Kuya, nakakadiri kang tingnan. Ang manyak mo po!" nakangiwing sabi ni Yuan at pumasok sa loob, aba't! Kapag sinabi nyang bumalik sya dito para balikan ako isa lang ang masasabi ko, my heart is in one another. Sa tagalog, ang puso ko ay pinag mamay-ari na ng iba. Tangina! Ewan ko lang naman kung di sya mapanganga sa english ko, nung grade six kasi ako madalas akong tuksuhin na ang bobo ko daw sa english pero ako ang best in english. Watdapak! Ano sila?! Psh. Kung makapang lait wagas!
"Hi Chan!" habulin talaga ako ng chix akalain mo nga naman, may isang dilag pang pumunta dito sa bahay namin para mag pa picture? #PogiProblems
"Miss, sorry ha pero tapos na ang concert ko e. Balik ka na lang bukas may day 2" nakangiting sabi ko sa kanya at papasok na sana pero bigla nya akong tinawanan. Anong nakakatawa? Tiningnan ko lang sya kung paano mamatay katatawa.
"Bhe..." agad tumigil ang mundo ko at tumingin sa kanya, eh? Imposible! Bakit ang ganda nya ngayon?! Watdapak mga repa! Yung kamukha ni Anabelle noon mukha ng barbie doll ngayon!
"Dara?" paninigurado ko, ngumiti sya ng wagas at niyakap ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa nya. Iba na to! Wag mo sabihing nabalik ang nararamdaman ko para sa kanya? Tsk! Di pwede. Nakakahiya sa angkan ng mga gwapo kapag ako ang unang umamin.
"Namiss kita!" sabi nya habang yakap yakap ako, niyakap ko sya pabalik.
"Namiss din kita Dara." napangiwi ako sa sinabi ko, parang kanina lang kung laitin ko sya wagas tas ngayon para akong mamamatay sa yakap nya. Shit! Ang bakla ko. Humiwalay ako at niyaya sya sa loob
"Yuan, kumuha ka nga ng juice sa ref." utos ko kay Yuan na nanunuod ng tv, tumingin sya sakin at nang irap. Kanina pa tong nang iirap ah!
"E di ikaw pala kuya, wag mo nga akong gawing tanga. Wala tayong ref!" inis na sabi nito na kinatahimik ko, oo nga naman Park! Natawa si Dara sa inasal ni Yuan.
"Punta lang akong kwarto" mataray na sabi ni Yuan, umirap sya kay Dara at pumasok sa kwarto namin.
"Sorry sa inasal ng kapatid ko ha?" pahinging paumanhin ko kay Dara, Kingna. Ang lalim!
Ngumiti sya ng malungkot sakin "Ayos lang, hanggang ngayon ayaw nya pa rin sakin" tumingin sya sa pinto ng kwartong pinasukan ni Yuan
"Sorry talaga, pag sasabihan ko na lang sya mamaya." nahihiyang sabi ko sa kanya, tsk! Makapal din ang mukha ng kapatid ko, ayaw nya kay Dara pero kinain nya yung tsokolateng binigay sa kanya. May pinag manahan ang kurimaw na batang yon.
"Wag na Channie" ngumiti ito at tumayo "Alis na ako ha? Bye." ngumiti ulit ito at saka umalis ng bahay.
"YUAN! MAG USAP TAYO!" sigaw ko, narinig ko na ni lock nya ang pinto sa kwarto, kingnang bata to ah!
BINABASA MO ANG
Jeje King Vs. Banana Cue Queen (BaekYeol FF.)
FanfictionNag simula sa away natapos sa pag mamahal. Happy Ending na nga ba? WARNING : boyxboy, yaoi Thank you sa dating book cover (@chocolatelover_17) :)❤ © HH041220