Lisa Pov:Nang naka sigurado na sila na maayos na ang lahat ay pinaandar na nila ito. Unti-unti kaming gumalaw paangat. Napahawak ako ng mahigpit sa hawakan. Samantalang si Jennie ay abot tenga ang ngiti. Nakataas pa ang kamay sa ere. Nang pababa na kami ay bigla akong napapikit ng mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari basta naririnig ko lang ang tilian at sigawan nila, lalo natong nasa tabi ko.
Ramdam ko na ipinatong ni Jennie ang kamay niya sa akin.
"Aaaaahhhh! Ang saya niiiitttooooo! Waaaaaaahhh~"
"Laaaaaaallliii?? Aaayooooss kaaaa laaaaang?"
"Suuuumiiiigaaaaw kaaaa, aaaang saaaayaaaa~"
'Oh my God, please help me. Think I'm gonna die this night.'
"AAAAAAHHHHHHHH!" Sigaw ko. Ilang minutos lang ang natapos na kami. Pagbaba namin ay nanginginig ang tuhod ko. Pakiramdam ko bumaliktad lahat ng mga organs ko. Alog na alog sila, pababa, pataas at patagilid.
"Ayos ka lang?" Alalang tanong ni Jennie.
"Gusto kong sumuka. Aaarrcckkk" hinang-hina kong sabi sabay takip sa bibig ko at tumakbo sa malapit na cr at doon nagsusuka. Nanghilamos ako ng mukha at kumain ng mint candy. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas.
Nakita ko si Jennie na halatang nag-aalala sa akin. Naghihintay sa labas ng cr.
"Lali!" Sabi niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin siya at ako ang unang kumawala sa pagyayakapan namin at hinalikan ang noo niya.
"Ayos ka lang?" Alala niyang tanong at biglang nalungkot ang mukha.
"I'm fine, wife. I'm okay now."
"Sana sinabi mo sa akin na takot ka don. Sana sinabi mo na malulula ka. Sana sinabi mo sa akin na hindi mo kayang sumakay doon." Sabi niya.
"Sana alam mo na, I will do anything for you. You're the only one person who successfully made me ride the rollercoaster. At least I've overcome it, slowly."ngiti kong sabi.
"Salamat talaga. Pero sana dapat nagsasabi ka sana kung ano ang ayaw mo at gusto. Hindi naman pwede na ako lagi iniintindi mo." Sabi niya.
"Yes, wife. I will"
"Good." Ngiting sabi niya.
"So, what's next, wife?" Tanong ko.
"Sa horror house tayo!" Sabi niya.
"Okay lang naman doon diba?" Tanong niya at tumango lang ako.
Naglalakad na kami papunta sa horror house. Ipinakita ang aming ticket saka kami pinasok sa loob. Nasa sampu kami, silang walo kapit-bisig. Kami ni Jennie magkahawak lang ang kamay.
Palinga-linga kami sa paligid at pumapasok sa bawat silid. Dapat kasi namin mahanap ang daan palabas.
Biglang tumunog ang creepy doll na dumudugo ang mata na nakaupo sa rocking chair. Nagtilian naman sila, ako syempre nagulat lang. Si Jennie naman parang wala lang sa kaniya.
'Nanggugulat pa eh. Batuhin kita diyan ng cellphone eh makikita mo!-___-"
Ngayon nasa isang silid kami na madilim. Magkahawak kamay parin kami ni Jennie.
"Lali? Saan na ang kasama natin?" Pabulong na tanong ni Jennie.
"Ewan ko. Nakalabas na siguro." Sagot ko nalang.
"Tara na nga at lumabas na tayo. Saan na ba ang hayop na labasan na iyon!" Naiinis kong sabi.
Papasok na sana kami sa kabilang silid ng bigla may sumulpot na lalaki na nakasuot ng barong at duguan ang leeg nito, maitim ang ibabang parte ng mata niya at may kutsilyo na nakabaon sa tiyan niya.
BINABASA MO ANG
I Accidentally Merried A Dead Woman (Jenlisa)
FantasyWhat if you accidentally married a dead woman? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan niya ang isang patay na. Nang dahil sa pagkakamali ay naging mahirap para sa kanya ang lahat. Paano n...