Chapter Fourteen: Concern

170 4 0
                                    


Lisa Pov:

Lunch time na namin kaya agad kaming dumiretso nina Seulgi, taehyung Bambam at Jisoo sa cafeteria. As usual, habang papasok kami ay nagkakaguluhan na naman ang mga babae. Binalewala ko lang ang apat sa kanilang harutan at nauna ng umupo sa aming pwesto dito sa cafeteria.

Habang naglalandian silang apat doon ay kinuha ko na ang lunch box na hinanda ni Jennie para sa akin. Pagbukas ko, nakita ko ang isang sandwich na ako lang din naman gumawa. May note pa doon na nakasulat.

'Pasensya na ha? Yan lang nakita ko sa mesa. Magpakabusog ka, Asawa ko.'

"Tss"

Kinuha ko iyong note at itinago sa bulsa. Nagtatawanang lumapit sina Seulgi sa akin at umupo sa kaniya-kaniyang pwesto.

"Uy! Yan lang kakainin mo?" Tanong ni Seulgi. Kinagat ko lang iyong sandwich na ito rin ang breakfast ko kanina. Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pag-nguya.

"Pahingi naman oh!" Sabi ni Jisoo at kukuha na sana siya ng bigla ko itong sinara. Muntik na nga maipit kamay niya.

"Ang damot!" Nakangusong sabi ni Jisoo.

"Hindi ka naman nagbabaon ha?" Biglang singit ni Taehyung

"Si Jennie siguro naghanda ng lunch niya. Sandwich. Hahaha" tawang sabi ni Seulgi. Napikon ako sa sinabi niya kaya nagsalita na ako.

"At least may naghahanda sa akin." Seryosong sambit ko at nag-crossed arm sa harap nina Seulgi at Taehyung.

"Eh di ikaw na swerte." Singit ni Bambam.

"Am i?" Tanong ko

"Si Somi pinaghahandaan ka ba niya ng pagkain noon? Ikaw nga lang naghahanda ng pagkain sa kaniya. Swerte ka kay Jennie. Hahaha" Tawang sabi ni Seulgi

"Because he loves Somi." Dagdag na sabi ni Jisoo.

"And Jennie? Loves him? Hahaha" segunda ni Taehyung

"The question is, do you love Jennie?" Tanong ni Seulgi

"Stop asking!" Inis kong sambit at tinawanan lang ako ng mga ito.

"Palaisipan parin kasi naman kung paano at kailan mo siya naging asawa na imbis si Somi." Sabi ni bambam sabay tingin sa taas na para bang nag-iisip.

"The day that I'm gone, I marry her. The end." Maikli kong paliwanag.

Totoo naman sinabi ko. Tss.

"So you left because you married someone else? You've realized that you are no one's puppet and tired of sailing alone?" Tanong ni Bambam.

"Let's just say, you're right!" Sabi ko.

"Wala kang kwenta kausap!" Seryosong sambit ni Seulgi sabay irap sa ere.

"Wala din kayong kwentang magtanong eh." Sabi ko sabay inom ng can juice.

"Uuwi na si Somi mamaya. Hindi mo susunduin?" Tanong ni Bambam.

"I don't know. Marami pa akong gagawin. We still have a project to propose tomorrow morning. Mag pokus kayo doon at huwag puro babae." Seryoso kong sabi.

"She's going home alone. Iyong asawa niya di  sumama dahil may importanting bagay pa daw gagawin. Walang mag susundo sa kaniya sa airport." Sabi ni Taehyung.

"Titignan ko lang." Sabi ko at tumayo na.

"Mauna na ako sa classroom. Tatapusin ko lang ang report. Hindi ko isusulat pangalan niyo" sabi ko at bigla naman silang nagmaktol. Agaran silang tumayo at sinundan ako. Tinatawag pa nila ang pangalan ko ngunit hindi ko lang sila nilingon.

I Accidentally Merried A Dead Woman (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon