Chapter Eleven

43 5 0
                                    

July 9th, it was Glorieta Day, an exclusive holiday in our town. Walang klase, pero may isang grocery list ng activities sa e-classroom. Hindi isang bagsakan binigay, karamihan, matagal na, natambak lang. Ganito ko kamahal ang course ko.

Pero okay lang, dahil bukas ay University Meet na. Walang klase nang hanggang dalawang linggo dahil kasabayan nito ang selebrasiyon ng founding anniversary ng Green Meadows University.

Alas dyis ng umaga ako nagising. Walang hila-hilamos, mumog o toothbrush, laptop agad ang hinawakan ko at ipinatong ito sa aking hita nang hindi bumababa sa kama, habang ang kumot ay nanatiling tumatakip sa kalahati ng katawan ko.

Inuna kong gawin ang Trial Balance Activity Sheet sa website ng e-classroom na may limang analysis questions. Kumuha rin ako ng calculator, malinis na papel at ballpen mula loob ng drawer ng bedside table. Required na ipakita ang solutions dahil may nilagay na tab kung saan namin ia-attach ang file.

I halted cracking the keys of my laptop when I noticed Coby was packing some stuff in his backpack.

Coby and I were sharing the bedroom. Dalawang anak lang talaga ang plano nina Mama at Papa—si Kuya Addie at ako—kaya dalawang kuwarto lang din ang nasa plano. However, they were compelled to respond to the need to procreate. Kaya heto, naghahati kami sa espasiyo.

May perks din naman ang pagkakaroon ng kahati sa kuwarto. Madalas akong hindi nagigising sa alarm ng phone ko, at si Coby ang masugid kong tagagising. Mababaw lagi tulog niya at ultimo sa mahinang langitngit, nagigising siya. Ngayong holiday lang niya ako hindi nagising dahil wala namang pasok.

"Where are you going?" kaswal kong tanong kay Coby.

"Swimming lessons," sagot naman niya nang hindi tumitingin sa akin. Nagpatuloy siya sa paghahanap ng damit sa tukador.

"What for?" I asked, following every movement he made.

"To learn how to swim?" he said in a bratty tone of sarcasm.

What's happening to people lately? They were all testing my patience. Maaga talaga akong tatanda nito dahil wala nang araw na lumipas na hindi ko kinukulubot ang noo ko.

Isa ring kuto sa anit itong si Coby. Pwede na silang magtayo ng organisasiyon kasama sila Cav at Gave para patayin ako sa inis.

"May pool tayo, 'di ba? Bakit hindi ka na lang sa akin magpaturo?" wika ko sa kaniya.

"Do you have time?" Sa pagkakataong ito, lumingon siya sa 'kin nang may mapanghamong tingin.

Nawala ang kakayahan kong makapagsalita. Napatingin ako sa anim na reminders ng deadlines na nasa notification tab ng e-classroom, lahat ng mga iyon ay magsasara na mamayang eleven-fifty-nine ng gabi.

"None of you have" walang gana niyang hinugot ang rash guard na nakatupi sa loob ng tukador.

I was unable to dodge the blow of guilt. Hindi ko na maalala ang huling beses na nagkaroon kami ng quality time ni Coby. Perhaps I could point out my transition from being a teenager to a young adult as the prime suspect.

Alam na alam ko ang nararamdaman niya. At dahil doon, bumalik sa 'kin ang mga alala ko noong ako ang nasa edad niya.

Gutom ako sa atensiyon mula kina Mama at Papa, na iginugugol ang kanilang buong oras kung paano kami bubuhayin. Candidate for Valedictorian naman si Kuya Addie noon, na halos higupin na siya ng libro sa sobrang tutok sa pag-aaral. Hindi siya p-in-ressure ni Papa, sadiyang mataas lang talaga ang pagpapahalaga niya sa edukasiyon. Pero kahit na mag-isa lamang ako noon, nakahanap ako ng kakampi, ang bola.

Hindi sumagi sa isip ko na mararanasan din ito Coby. Now, I should be the brother, the family that I needed when I was young. I was glad he voiced it out.

Dive DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon