Chapter Eighteen

38 5 0
                                    

The rush of dopamine caused me to pass the fuck out. Sa bilis ng pangyayari, parang pumikit lang ako nang isang segundo, pagmulat ko'y nasa puting silid na ako ng clinic.

Naglaho na ang invisible weights sa dibdib at ulo ko. Maluwag na rin ang daluyan ng aking hininga. Sa lambot ng hinihigaan ko, akala ko nakahiga ako sa ulap.

Mainit sa loob. Alam mo 'yong warmth ng kuwartong matagal na hindi nabuksan ang aircon? Gano'n. Basa pa rin ang suot kong denim na pantalon pero... hindi ko na suot ang denim jacket at puting tee, bagkus dilaw na PE uniform na. Nasa ibabaw ng bedside table ang katerno nitong pants, nakatupi.

Namataan ko si Gaven na nakaupo sa gilid ng silid--medyo malayo sa kama ko, magkasalikop ang kaniyang palad na nakadikit sa kaniyang noo habang nakapikit. Gano'n pa rin ang suot niya.

"It's more than just kilig, Lé. It's more than just butteflies. It's like a tornado of emotions is ravaging both of your mind and heart."

Ngayon ko lang nabigyang linaw ang sinabing iyon ni Mama. Wala na akong kawala. Hindi ko inakalang overwhelming din pala kapag naghalo-halo ang emosiyon. Ayon, sumabog tuloy ako. These signs were besieging me. I had no way out but surrender. It's time to give in.

Gumawa ng langitngit ang pagbangon ko sa kama, kaya naagaw ko ang atensiyon ni Gaven. Napatingala siya sa akin nang may bakas ng surpresa. Marahan siyang lumakad papalapit.

"How are you feeling?" mahinahon pero may kaunting hint ng concern ang pagtatanong niya. Umupo siya sa may gawing paanan ko.

Sumandal ako sa unan. "Fucked up," naiirita kong wika.

I was mentally lost for two days. I was disconnected from reality, thinking of his whereabouts. Now that I found my way back with him, I screwed up the moments we should've shared.

"H-huh?" He gave me a puzzled look.

"I messed the experience." Tumingala ako sa kisame.

"We still had a blast though," pampalubag-loob niya.

"Did we?" wala sa mood kong usal, nananatiling nakatingala.

Bumuntong huminga siya, tumayo, at dinampot ang maliit na brown paper bag na katabi ng binti ng monobloc. Pamilyar ang hitsura ng bag na 'yon. Bumalik siya sa pagkakaupo sa paanan ko at nilabas mula sa bag ang cup... ng mint-chocolate ice cream, then inabot niya sa 'kin.

Muli na namang bumalik ang kiliti sa heartstring ko. I liked this. I liked being taken care of.

Kukunin ko na sana pero bigla kong naisip, "Baka naman sipunin ako lalo."

"Sabi ng nurse, hindi ka naman sa lamig nahimatay. Baka sobrang overwhelmed ka kanina." Nagkibit-balikat siya.

Napapikit ako saglit. Bumalik sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Bakit ganito ako kalampa? I could literally die cringing. If only I could transfigure into a worm, I'd slither into the ground in shame.

"Common daw na may nahihimatay sa concert. Na-starstruck ka ba sa vocalist ng banda?" kuryoso niyang tanong.

"Hindi."

Ano naman ang pakialam ko sa vocalist ng The Sunny Side up Club? Kanta nila ang kursunada ko, hindi sila.

"E, ano pala?" Nagkaro'n ng guhit sa kaniyang noo.

"Sa'yo." Biglang nag-hang ang sistema ko nang masabi ko ang apat na letrang 'yon.

"Sa'kin?" Bahagyang napamulagat ang mata niya na tila bumubuo nang sagot.

"O-oo nasakal yata ako sa akbay mo," palusot ko.

Pahamak talaga 'tong dila ko. Ang sarap putulin kung tumutubo lang ulit, e.

Dive DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon