"I told you, this is hell of a match," Cav screamed to me ecstatically, para matalo niya ang tilian ng mga manonood.
It wasn't the outplays that both teams were executing or the suspenseful long rallies that made me disquieted as I bit my nails harshly.
Muli akong tumingin kay Gaven. The ball was about to land in the empty space of zone 5 at the speed of light, but he was the light itself, so he successfully caught the ball with a smooth and seductive dolphin dive.
He seemed like he descended from heaven. Maging sa pagdausdos niya sa court floor, perpekto na nagpapalakas pa ng karisma niya.
"Sisirin mo rin ako, Zafra!" tili ng kung sino.
I squeezed my eyes close, containing the hallucinations I was seeing, but darkness betrayed me as it flashed the afterimage of Gaven's luminous, sexy dive.
Grrh! Napasabunot ako sa buhok. Ano 'to! Bumibilis ang pitik ng puso ko, at hindi ko alam kung paano ito pababagalin.
Bakit binibigyan niya ako ng ganitong pakiramdam? He's making me gravely anxious. Ngayon nama'y nag-aalala ako kung bakit ako nag-aalala. Fuck! That's double anxiety!
"Look, hon! Lé's going crazy!" natatawang sigaw ni Faye kay Cav.
"Napakainit ng laban, sinong hindi mababaliw?" sigaw pabalik ni Cav sa kaniya.
Bakit hinihila niya ang mga mata ko? Bakit bumabagal ang oras kapag tumitingin ako sa kaniya? Bakit nakararamdam ako ng kuryente, e lalaki ako? At bakit sa kaniya ko ito nararamdaman? Hindi kaya...
"No!" I screamed to break this anxiety chain that was corkscrewing my head.
"Don't worry, aangat na sa attack line si Gaven mamaya!" Sigaw ni Cav sa akin.
I wasn't overreacting about the point stolen from CoEd. Hindi ko lang matanggap at hindi ko masabi ang G word na 'yon dahil hindi naman...hindi ako...
Ngayon ko lang napagtantong nangangatog na pala ang kanang tuhod ko, dala na rin ng dagundong ng mga tambol.
"Defense! Defense!" paulit-ulit na sigaw ng mga estudyante sa bleachers namin habang inaabangan ang service ng CBA.
Muli akong napatingin kay Gaven. Para siyang tumambay sa sauna dahil sa tumatagaktak niyang pawis. At animo'y nagkaroon ako ng olfactory hallucination, na kahit gaano siya kalagkit, mas bumango pa nga siyang tingnan.
Putangina! Anong sinabi ko? Urgh! Gusto kong lamutakin ang mukha ko. Kinulam ba ako ng payatot na 'yon kaya nagkakaganito ako?
Isang malinis na quick play ang ginawa ng CoEd na hindi napaghandaan ng CBA. Gaya ng sabi ni Cav, umabante na si Gaven sa attack line. Three-set match lamang ang ito, at CoEd ang naka-secure ng first set. Ngayong match point na, isang puntos na lang, aabante na sila sa match six na gaganapin sa Lunes.
Isang float serve ang binigay ng CoEd sa CBA. Obvious naman na kay Cleo ibibigay ang bola. Siya lang naman ang pumupuntos sa kabila.
Pinalo niya ito mula sa backrow, subalit na-soft block ito ng middle blocker ng CoEd.
Tanyag passed the ball to Daez. At sa pagkakatong ito, inagaw na naman ni Gaven ang atensiyon ko.
Bumubwelo na siya sa labas ng court sa pagitan ng zone five at zone two. Singbigat ng bagyo ang katawan niya. At nang ipasa na sa kaniya ni Daez ang bola, muling na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
He took three steps before he soared to the midair. Lahat ay nagpigil ng hininga upang abangan ang kahihinatnan ng kaniyang palo.
"I'm just a boy who happens to love a boy. What's wrong with that?"
BINABASA MO ANG
Dive Deeper
Romance"You're the arsonist who set my heart ablaze. I will do everything to keep the fire burning." ••• If Cerulean had to dive the deepest ocean to win against his rival, Gaven Miguel Zafra for the regular libero spot, he would do it. He thought it was t...