Chapter Sixteen

32 5 0
                                    

The sky has become pale blue as the sun was about to set. Dumarami na ang mga tao sa kalawakan ng lawn area ng campus na nagmistulang carnival theme park. Para kaming nasa loob ng maze, na imbis na damo o pader ang naghahati sa daan, samo't saring carnival game booths at rides ang nakatayo.

Mahahaba ang pila sa mga rides, lalo na sa carouselle, kaya iginala pa namin nang mabuti ang aming mga mata para maghanap ng masusubukan.

"Pilahan talaga kahit saan," naituran ni Faye, dismayadong nakapamaywang.

"Mag-ferris wheel na lang tayo, maganda 'yon sa sunset," suhestiyon ni Cav.

"Kaya lang, sa haba ng pila, baka hindi rin natin abutan. Pero subukan pa rin natin," tugon naman ni Faye.

"Ano, Lé? Sasama ba kayo o gusto niyong sumubok ng ibang rides?" baling sa amin ni Cav.

Binigyan ko si Gaven ng nagtatanong na tingin. Pinapakiramdaman ko siya kung gusto niyang sumakay.

"Do you want to ride?" payak na tanong ni Gaven sa akin.

"If you go, I go," wika ko sa kaniya

"We're going," iyon ang isinagot niya kay Cav.

"G-great." Animo'y hindi inasahan ni Cav ang narinig niya sa amin. "Tara na," untag niya at saka ako binigyan ng 'marami-kang-kailangang-ipaliwanag' na tingin.

Dinugtungan namin ang dulo ng pila sa ticket booth. Nasa likod ako ni Gaven. Hanggang balikat lang niya ang tuktok ng ulo ko. Hindi naman pala siya payat na payat, makapal ang laman niya sa braso kapag malapitan.

Nakatalikod man siya sa akin, hindi nawawala ang maamo niyang presensiya. Tila isa siyang malaking teddy bear na masarap panggigilan ng yakap.

We waited about seven minutes before Gaven took his turn to buy his ticket. Matapos ni Gaven makabili ay nagbuklat na ako pitaka, subalit agad akong natigilan nang hatiin niya sa dalawa ang papel na hawak niya.

"Here." Inabot niya sa akin ang kalahati. Dalawa pala ang binili niya.

"T-thanks." Tinanggap ko ang kaputol at ngumiti nang nag-aalangan.

Naglakad kami papunta sa boarding platform. May staff na pumutol at kumuha ng counterfoil ng ticket namin, ang naiwan sa amin ay ang stub.

Matapos makasakay nina Cav at Faye, naghintay kami ni Gaven ng mga ilan pang sandali bago buksan ng isa pang staff ang sumunod na capsule. Dalawang lalaking magkahawak-kamay at dikit na dikit sa isa't isa ang lumabas doon.

"Pasok na po," untag sa 'kin ng babaeng staff dahil napatagal ang pagtitig ko sa dalawang bumabang pasahero.

Tikom ang aming bibig nang pumasok ako sa loob at umupo. Naglaan ako ng espasiyo sa pagitan naming dalawa, gayunman ay nasisikipan pa rin ako.

Narito na naman ang pakiramdam na para akong pinipiga. Maya-maya'y naramdaman na namin ang paggalaw ng makina.

"First time ko 'to," pambabasag ni Gaven sa katahimikan.

"Talaga?" My eyes were slightly widened.

I have ridden two or three before. Well, I should thank my secondary school. If not for their outbound tours, I wouldn't get to experience it.

Dive DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon