Chapter Ten

39 5 0
                                    

Bukas ang pinto nang makarating kami sa kuwarto ni Cav. Nadatnan namin siyang nagse-setup ng heavy duty tripod sa harap ng study desk niya at malapit sa paanan ng kama. Puno ang lamesa ng file organizer at magkakapatong na mga textbooks.

Katabi ng desk na iyon ang gaming area. May customized LED lights na mga letra na bumubuo sa salitang 'EMULATOR' na nakadikit sa pader. Iyon marahil ang in-game name niya sa nilalarong RPG. Naka-off ang ilaw na iyon dahil bukas ang bintana.

May mga pekeng halaman sa bawat sulok ng kuwarto at may glass collection cabinet din siya kung saan nakasilid ang mga action figures ng Marvel.

"You didn't tell me Gaven is coming too." I knarled my forehead.

Napalingon si Cav nang biglaan akong magsalita pagpasok namin ni Gaven. Binasa ni Cav ang kaniyang labi.

"Ang sabi naman niya sa 'kin, busy ka, kaya pumayag akong tulungan siya," si Gaven naman na umupo sa paanan ng kama. Ako nama'y nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto.

"Kung sinabi ko sa inyo, papayag ba kayong tulungan ako? I'm sorry, but I might have ended up doing this project alone if I did," kibit-balikat niyang pagrarason.

Cav grabbed the DSLR camera from the desk. In-on niya ito at nagsimulang pumindot.

Honestly, I would've really refused if he had told me that Gaven was coming too. Dalawang araw na kaming magkasama, na puro mukha niya ang nakikita ko. Hanggang dito pa rin pala? Fate and destiny had this habit of conspiring against me.

"Kailangan ko ng cameraman at makakasama sa video," wika ni Cav. "Kukuha lang ako ng tubig." Nilapag ni Cav ang camera sa tripod niya bago lisanin ang kuwarto.

"Ako na lang ang cameraman," naiusal ni Gaven bago humalukipkip.

Naunang tumutol ang kaliwang kilay ko. Ano? Wala akong balak magpakita sa video ni Cav. Mas gugustuhin ko pang bigyan ako ng ga-bundok na worksheet, kaysa sumama kay Cav sa video.

"Mas may alam ako sa camera. Ako na," payak kong pagtutol.

"I'm camera shy. Hindi tayo matatapos kung paulit-ulit akong magkakamali," pagdadahilan niya pa. Hindi talaga siya magpapatalo.

Sabay kaming napatingin sa DSLR na nasa ibabaw ng tripod at muling napatingin sa isa't isa. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya, at gano'n din panigurado ang iniisip niya sa akin.

Sinubukan kong unahan siya sa pagkuha ng camera. Pero dahil kaharap niya lang ang tripod, nabigo akong makuha iyon. Ang mahalaga'y sinubukan ko.

Bumuga ako ng mapait na hininga bago umirap.

"Si Cav pa rin ang magdedesiyon," iyon na lamang ang naiusal ko. Paunti-unti nang nagniningas ang inis sa ulo ko.

"But it's on my hands now. Hindi naman na niya siguro babawiin sa 'kin," wika niya bago bumalik sa pagkakaupo sa kama. Maliit lamang ang ngiti sa kaniyang labi, pero sapat na iyon para tuluyang akong mag-apoy sa inis.

"Okay." I raised both of my hands as a sign of surrender.

We'll never run out of stuff to argue about. Para wala nang masayang na oras, ibinigay ko na lang sa kaniya ang gusto niya. I breathed as deep as I could to extinguish the fire before it could grow wider. Luckily, the fire has been tamed immediately, which made me feel quite proud of myself. It appeared like I've outgrown puerility.

Sinumulan niyang i-explore ang mga buttons ng camera. Sa kalagitnaan ng pagkakalikot ay bahagya siyang nagulat sa biglaang paggalaw ng lense ng nito.

"Do you know how to set it up?" malumanay kong tanong.

Dive DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon