Chapter Nine

34 5 0
                                    

The final phase of the training program had come into conclusion. No surprises or anything new happened in the morning. Kung paano ang flow nito kahapon, gano'n pa rin ngayon, minus the lectures.

Pero kung ikukumpara, mas nakakahapo ang training ngayon kaysa kahapon. I dug an infinite number of balls. Nabugbog rin nang husto ang katawan ko sa mga body-drops.

Matapos ang closing announcement ay gumayak na kami sa dorm para sa pag-uwi.

Nang makalabas kami sa gate ng training center, naabutan namin ni Gaven ang mga kasama naming kumukuha ng kaniya-kaniyang retrato. Marahil ninanamnam ang huling pamamalagi sa San Luis.

Click.

Bumaling ako kay Gaven nang makarinig ako ng shutter click mula sa kaniyang cellphone.

"Kunan kita?" I approached, kasabay ng paglahad ko ng palad.

Sapat na sa kaniya ang pag-iling bilang sagot.

"Give me that." Inagaw ko sa kaniya ang cellphone bago niya pa ito ihulog sa bulsa ng jacket niya.

"Selfies are not my thing. Generally speaking, I don't like being photographed," malumanay niyang pagdadahilan.

"Trust me. I'm good at this. Come on."

Wala siyang nagawa kung hindi bumuntot sa akin. Nagtungo kami sa pinaka gilid ng view-deck kung saan walang masiyadong tao para kitang kita ang luntiang bundok, at asul na kalangitan sa kaniyang likod.

"Stand there." Tinuro ko sa kaniya ang pupuwestuhan niya. Tinatamad siyang tumayo roon at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng jacket.

Maganda ang pagkakatangay ng hangin sa kaniyang may kaunting kahabaang itim na buhok, na nagkukulay pula kapag natatamaan ng sinag ng araw. Plus, he had strong facial features. His thin physicality helped sharpen it, particularly the prominence of his jaw and cheek bone. Siningkitang niya ang kaniyang mata dahil sa bugso ng hangin na humahampas sa kaniyang mukha.

Tinutok ko sa kaniya ang cellphone at hinanap ang pinakaakmang anggulo. In-adjust ko ang focus setting nito upang ma-highlight ang kaniyang mukha, ngunit may katamtamang linaw pa rin ang bundok sa kaniyang likod upang hindi ito mabalewala.

Matapos kong mahanap ang anggulo ay bumilang ako. "One... Two..." Nag-burst shot ako. Matapos ang limang segundo, hinanap ko sa 28 result ang pinakamagandang kuha. Nang makita ko pinaka-decent shot ay iyon ang aking s-in-ave.

"Here," inabot ko sa kaniya ang cellphone.

Pinagmasdan niya ito at nag-abang ako sa kaniyang reaction.

"Sick shot," he said casually with his slightly widened eyes.

"Told you," kaswal kong pagyayabang na hinaluan ko ng kakarampot na ngisi.

"It's a real good shot. Para kang gumamit ng DSLR," komento pa niya.

Photojournalist ako noong high school sa publication namin. Kaya pagkatapos ko siyang kunan, parang nakaramdam ako ng urge na muling ilabas ang camera ko sa storage box. I missed hunting photo-worthy moments and sceneries anywhere I passed by.

Hindi naman kami naghintay nang matagal, dumating na rin ang university service van. In-expect ko na susunduin kami ni Coach Gonzales ngunit driver lang ang nadatnan namin sa loob ng van pagsakay namin.

Pinagmasdan ko ang gusali ng NOVA Training Center na paliit nang paliit habang palayo nang palayo ang sasakiyan kung saan ako nakalulan.

If I were to rate my overall training experience, I would give it a six. Something was missing, but I couldn't precisely tell what it was. The training failed to bring out the best in me, although it should be in my hands to learn how to utilize it. Perhaps I hadn't learned enough. My full potential was still in deep sleep.

Dive DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon