Chapter 4

184 8 0
                                    

MANGINGIYAK AKO ngayon habang inaayusan ako ni Ateng beki ng make-up. Inspired daw sa mga taga-korea ang ime-make up nila sa akin. Meron din kayang Filipino make up?

Ang isa pa namang ateng beki ay sinusuklay ang buhok ko at sinusukat kung anong magandang hairstyle na aakma sa damit at make-up ko.

“Hmm, in fairness, 'akla! Ang ganda mo, ma'am, ah. You look so innocent, oh my goodness! I ke'nat!” maarteng puri sa akin ni Ateng Beki number 1 habang may nilalagay na kung anong nagkikintab sa pisngi ko matapos niyang lagyan ang ilong ko, nakakakiliti naman po iyang brush niyo.

Smooth din ang pag-brush niya, akala mo nape-paint lang siya. Si Ateng Beki number 2 naman ay kinukulot ang buhok ko.

Ngumiti siya sa akin, “Waterfall braid ang gagawin ko saiyo, bebe, ah?” paalam niya pa sa akin.

Nakangiti akong tumango, “Kayo pong bahala, hehe.”

Ngumiti siya sa akin, “Ang ganda mo na nga... Ang bait mo pa. Hay naku, sana lahat ng costumer katulad mo, bebe! Grabe, di sila minsan kinikeri ng kilay ko. Nakaka-lorki sila.” reklamo ni Ateng beki number 2 sa akin. Ay... Hala! Ba't naman may bad costumer?

Ngumiti siya sa akin, “Kahit anong shade, bagay sa batang ito, 'akla!” komento ni Ateng beki number 1 sa histura ko.

Namula ang pisngi ko, “Tenkyu po! Ayan din po sabi sa akin ng mga kaibigan ko, hehe.” sagot ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin ng mas matamis, “Kung gano' n ay hindi sila nakakalorki, bebe! Hindi sila nagsisinungaling! Ang ganda mo naman talaga, ay!” komento niya ulit sa akin.

Mas pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niyang iyon sa akin, “Talaga po?” paninigurado ko at natatawang tumango naman sila sa akin.

Tinantanan na niya ang mukha ko, “Oh, hayan! Pak na pak na! Ang ganda mo na, mas pa sa kanina, bebe!”

Dahil sa sinabing iyon ni Ateng beki number 1 ay sumilip din ako para tignan ang hitsura ko. Wahh! Ako ba talaga ito? Bakit parang tinalo ko na ang Disney princess sa ganda?

“Ano nga ulit name mo, bebe?” tanong sa akin ni Ateng beki number 2 habang malapit ng matapos sa buhok ko, “Ako po? Michaela po. Michaela Lavander Sodello. Bakit po?” tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin, “Ganda, ah! Yung pangalan mo... Kasing ganda mo!” muli niya na naman akong pinuri.

Mas namula pa tuloy kaysa kanina ang pisngi ko.

“T-Thank you po. Kayo din naman po, may mga histura din po kayo.” sabi ko sa kanila na nginitian nila.

Tumawa si Ateng beki number 1,“Ay! Alam na namin iyan, bebe! Haha, di joke lang, 'no. Ikaw pa lang nagsabi niyan sa amin maliban sa mga sarili namin. Pero alam mo, pwede kang pang-model, eh. Anong course ba tinapusan mo?”

Ngumiti ako, “Bachelor of Arts in Creative Writing po.” nakangiti kong sagot.

Tumango naman si Ateng Beki number 1 at Ateng Beki number 2,“Oh? Writer ka?”

Nakangiti akong tumango, “Nagtratrabaho po ako sa Golden Ink Company, iyon po iyong company na nagpa-published ng mga libro bilang physical book.”

Tumango sila sa akin, “Eh, magkano naman na ang kinita mo?” tanong ni Ateng beki number 2 sa akin.

Napa-isip ako, “Nasa 33.5K pa lang po, eh—Pahirapan din po kasi at baguhan pa lang ako sa kompanya.”

Nagkatinginan silang dalawa, “Ay, 'akla! What if magsulat na lang tayo ng mga kwento, total naman imbentor tayo, ano?” biro nila sa isa't isa na ikinatawa naming tatlo.

Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife Where stories live. Discover now