"MAY NABILI na ba tayong pasta para sa spaghetti?" tanong ko habang naglalakad kami ngayon sa mall.
Agad namang sumilip si Xayne sa cart na tulak ni Xerxes at Xylier, "Wala pa, mastress barbie."
Ngumuso ako at tumingin sa section ng mga pasta.
"Ano mas gusto niyo? Spaghetti or Carbonara?"
Nagkatitigan ang lima. Ngumiti si Xayne, "Marunong ka magluto, mastress barbie?" tanong niya.
Ngumiti naman ako at tumango, "Oum, kaya nga tinatanong ko kayo, eh. Alangan naman tanungin ko kayo, eh, isa din naman pala akong hindi marunong. Diba?" tanong ko sa kanila at sagot rin sa tanong niya.
Napatakip sa bibig si Xamir habang lihim na natatawa.
Ngumuso ako at nilingon si Zeruno, "Hubby?" tawag ko sa kaniya.
Ang mga mata niyang kanina pang nakatingin sa akin ay mas nangusap pa.
"Ano iyon, wife?"
Ngumiti ako, "Anong gusto mong gift this Christmas? Bukas na, eh."
Nangunot ang noo niya, "Is it required when celebrating Christmas?" tanong niya sa akin.
Nalukot ang mukha ko at hindi siya makapaniwalang tinignan, "Hubby naman, eh! Kapag christmas kaya, nagbibigayan ng gift! Hindi mo ba iyon alam?"
Kumurap siya sa akin at tumikhim, "I thought, only those who sing will be given a gift."
Natawa ako at tumingkayad para mailapit ang mukha ko, "E'di, kakanta ka niyan, hubby? Para mabigyan kita ng gift!"
He smirked, "Are you challenging me?"
Ngumisi ako, "Obvious ba, hubby?"
Tumawa siya na ikinatigilng ilan sa paglalakad nila.
"Hala, yung pogi, oh!"
"Shems, teh! Nasama sa pagtawa ni kuya iyong panty ko!"
"Landi mo! Kaya ka binubugbog ng boyfriend mo, eh!"
"Toxic ng mindset natin, ah."
"Mas toxic ka, teh. Bente na lalaki? Pinagsabay-sabay mo ba naman."
"Basta, ang pogi ni kuya!"
"Hindi mo makukuha iyan."
"Sus! At bakit naman?"
"Hindi ka niya type, di ka pasok sa standard niya. Siyaka mukhang may asawa na, oh. Kuko pa lang ni ate, eh, wala ka na."
"Sakit mo, ah. Parang hindi kaibigan."
Nagbulungan sina Xylier papalapit sa amin, "Grabe naman iyon, Master Cloudy. Tawa mo palang, talk of the town ka na."
"Paano pa kaya kapag humalakhak ka na, Master Cloudy?"
"Baka magkaroon ka na ng fan clubs nuyan, ah."
Ang mga mata nila ay nangungusap kay Runo. Nang-aasar ang mga mata nila na ikinahagikhik ko.
"Ang cute ng wife niya!"
"Bagay sila, aahhh!"
"Hayaan mo na nga iyang lalaki at babae. Tumawa lang sila, eh."
"Panget ka kasi, kaya ka ganyan!"
"Wow, ah. Nagsalita ang panda-PANDAkot ng tae."
Ngumiti si Xylier, "Pwede na pala kayo maging artista, Master Cloudy at Mastress Barbie, eh."
YOU ARE READING
Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife
RomansaMihaela Lavander Sodello is the childish innocent fresh college graduate from her course Bachelor of Arts in Creative Writing but when she was dared by one of her friends to enter the famous ruthless old man's company and scream a very embarrassing...