MAGANDA ANG KAPALIGIRAN dito. Sa entrance pa lang ay gandang ganda na ako.
May tulay muna kaming dinaanan bago makarating sa pinaka-entrance. Sa tulay pa lang na iyon ay nakakamangha na. May disenyo kasi na iba't ibang klase ng mga bato ang lalakaran at ang hahawakan ay gawa sa konkretong puti habang may palamuting mga veins.
Ang pinaka-entrance naman ay ang gate na mayroon theme na stones and magic. Para akong nasa isang fantasy series habang papasok kami.
“Mga ilang araw tayo dito, hubby?” tanong ko pa habang hawak ang kahon na bigay ni Xelestia.
He smiled, “Thirty one days.”
Nanlaki ang mga mata ko na napalingon sa kaniya. Kahit sina Xerxes ay gano'n ang naging reaction.
“Sigurado ka ba diyan, master cloudy?” tanong ni Xamir.
Tumango naman si hubby at malapad ang ngiti na hinawakan ang kamay ko.
“What's that, wife?”
Tinignan ko ang kahon na tinutukoy niya, “Ito? Galing ito kay Xelestia. Kakambal siya ni Selestiana. Ang sabi niya ay ito daw ang suotin ko sa pupuntahan natin mamayang gabi.”
Tumango naman siya at inalalayan ako sa pagpasok sa room namin. Puro perlas ang ganda ng paligid.
Nang makapasok na kami sa kwarto ay mas namangha ako. Tila dalawang magkaibang kahoy ang sandalan ng kama at may kulambo rin ito na napapatungan ng disenyong bulaklak na hindi nahuhulog. May mga sunflower rin ito sa gilid na sa tingin ko ay mas nagpapahigpit sa kapit ng kulambo.
May painting rin sa gilid na nasa dark brown na kahoy na napapalamutian ng iba't ibang mga perlas.
Ang painting ay sunset na pastel pallete ng dagat, simple lamang ngunit cute itong tignan.
“Ang ganda dito, hubby!” sigaw ko at itinuro ang mga pearls at flowers na ginagawa veins na design.
“I'm happy that you like it here, the painting look so pretty, no?” he asked as he smiled.
I nodded in honesty, “Ang ganda nga, sino kaya nag-paint?”
“The signature says Sheiza, wife,” he answered.
Tinignan ko ang painting at tama nga siya.
Nilingon ko sina Xerxes ngunit gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang makitang nagdidilim ang paningin niya sa talim habang nakatitig kay Xayne na inaayos ang mga gamit ko.
“Huwag ka ngang bias, pati kay kuya ayusin mo na rin!” utos niya dito.
“Can't you wait? I'm taking my time here, you know,” he answered as he look at me instead of Xerxes.
Sila iyong nag-uusap pero sa akin siya nakatingin. Nilingon ko na lang si hubby kasi hindi ko alam paano ako magre-react. Away mag-asawa siguro sila ngayon.
Xerxes tsked, “Ang mahirap kasi saiyo puro ka lang wait. Tabi nga diyan, nakakabanas ka,” inis na reklamo niya.
Kinuha ni Xerxes ang mga gamit ni hubby at maayos na malinis itong tinupi siyaka nilagay sa damitan.
“We have the maid for that, Xerxes,” saway ni hubby sa kapatid.
Nilingon ni Xerxes ang kapatid, “I don't trust them,” mabilis pa kay flash na sagot nito.
Napailing na lang si hubby sa kapatid niya at yumakap na lang sa akin ng mahigpit.
Para talagang big baby minsan si hubby, ang cute lang.
“I really love your scent, i think, i'm obsessed over it.”
Hinaharap ko si hubby at ngumiti siyaka hinalikan siya sa pisngi, “Then get obsessed over it, as long as it's me and not other woman, hubby.”
YOU ARE READING
Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife
RomantikMihaela Lavander Sodello is the childish innocent fresh college graduate from her course Bachelor of Arts in Creative Writing but when she was dared by one of her friends to enter the famous ruthless old man's company and scream a very embarrassing...