Nakanguso ako ngayon habang nakatingin sa pintuan, may karatulang nakalagay roon na CEO/President/Chairman/Owner's Room, ang dami namang slash! Lalong humaba ang nguso ko at tumingin sa mga kaibigan ko.
Si Zebbiana ay nakatayo lang sa likod ng pader habang nakatago ang katawan at ulo lang ang kita habang si Jen naman ay nasa ibaba ni Zebbi. Si Selestiana naman ay yakap yakap ang fluffy brown teddy bear niya habang nakaupo sa waiting area, kunwari may hinihintay. Eh, panonoorin niya lang naman ako.
Naka-palobong dress na neutral colors si Seles habang may printed teddy bears design. Ang kyutt!
Dark neutral din ang sandals niya. Si Jen at Zebbi naman ay naka-flare na pants.
Maganda naman dito sa loob ng kompanya ng mga Valeria, eh. Huwag lang talaga kami tatanungin kung paano kami nakapasok. Kasi baka hindi na kami kilalaning babae niyan, wehehe, angas pala naming akyat-ganda women, eh.
Tinaas nila ang kamao at tinikom ito pagkatapos. Hindi naman ako bakla pero para sa hello kitty ko at barbie na tinago nina Cielo at Amore, eh, kailangan ko itong gawin.
Bumuga ako ng buntong hininga bago dahan-dahang tinaas ang kamao para kumatok sa pinto. Hay, naku naman oh! Sana nandito si Mr. Valeria para tapos na ang gagawin ko, ililigtas ko pa sina barbie at hello kitty!
Kumatok ako sa pinto, napapikitako ng walang sumagot kaya naman kumatok ako ulit. Maliwanah naman dito, syempre madaming ilaw, eh. Bumuntong hininga ako ulit, “Tao po!” sigaw ko na.
Natawa naman iyong ilang dumadaan, bakit kaya?
“Ayan na ba iyong fiancée ni Mr. Valeria? Ang cute naman pala.” bulong daw nong isa sa mga dumadaan.
Bumulong pa kayo, rinig ko naman, heh! Sino kaya iyong fiancée na tinutukoy nila? Akala ko ba matandang lalaki na si Mr. Valeria, bakit may fiancée siya?
Kumatok ako ulit at naiinis na ako sa tagal na bumukas ng pinto, “TAO P—” napatigil ako sa pagkatakok nang may tumikhim sa likuran ko.
Nagugulat akong napatayo ng tuwid, si Mr. Valeria na ba ang nasa likod ko?!
Dahan-dahan kong nilingon ang nasa likuran ko at gano'n na lang ang gulat nang isang maskuladong binata pa atah ang nakasalubong ko.
Tumingin siya sa mga mata ko, “What are you doing here, woman?” he asked me.
Nangunot ang noo ko, “W-Woman? Ay, naku! Hindi po ako si woman, ako po si Mihaela Lavander Sodello, wehehe. H-Hinahanap mo po ba si Woman? Ay naku, baka po nandiyan lang sa tabi-tabi.” magalang kong sagot pero sinamaan niya ako ng tingin.
Ang kaninang cool at fresh niyang awra ay napalitan ng napakaitim na aura, hala! Naamoy niya ba akong amoy barbecue?! Sori naman!
“H-Hehe, s-sori... Ano... Masarap kasi iyong barbecue, eh. A-Ano... M-Maligo ka na lang ulit para cool at fresh na awra mo, pak, gano'n... H-Hehe?” suhestiyon ko sa kanya na ikinaliit ng isa niyang mata at ikinataas ng isa niyang kilay. Huy! Ang taray mo naman po, kuya!
While frowning, “What the fuck are you saying, babae?” he asked me. Nangunot ang noo ko, “Ay, hala po! H-Hindi pa po ako naka-fucking fucking, kuya!” sagot ko sa kanya na lalong ikinangunot ng noo niya.
“Hoy, babae!” he clicked my forehead, “Hindi ako nakikipagbiruan, ah. Kung loka-loka ka, letse, umalis ka sa kompanya ko. Paano ka ba napapasok ng guard, ha?!” his voice remained cold and calm yet intimidating.
YOU ARE READING
Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife
RomanceMihaela Lavander Sodello is the childish innocent fresh college graduate from her course Bachelor of Arts in Creative Writing but when she was dared by one of her friends to enter the famous ruthless old man's company and scream a very embarrassing...