Prologue

1.4K 16 3
                                    

Hindi ako makahinga, sobrang sikip na ng dibdib ko! Pilit akong humihingi ng tulong sa kanya pero bakit pinapabayaan niya lang ako na magkaganito?! Hayop ka! Hayop ka! Gusto mo na talaga akong mamatay! Gusto mo kong patayin pati na rin ang sarili mong anak!

Napuno ng luha ang ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Hawak ko ang hindi ko pa kalakihan na tiyan kung saan lumalaki ang baby namin. Paano mo nagawa sa akin toh? Pakiusap para lang sa anak natin, tulungan mo ko! Tuluyan ng nagdilim ang aking paningin, bumabagal na ang tibok ng aking puso hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng buhay

I am gasping for air nang magising ako. Nakakahinga na ako ngayon ng maluwang at ng kumalma ako, ngayon ko lang napansin ang napakagandang garden kung nasaan ako. Maliwanag, ma-asul ang kalangitan, berdeng-berde ang mga halaman, namumukadkad lahat ng mga bulaklak. Its so peaceful at ang gaan ng pakiramdam ko rito. Natigilan ako ng makita ang isang maliit na puting tulay kung saan ang dulo nito ay may nakakasilaw na liwanag. At ngayon na realize ko na patay na nga ako Hinawakan ko ang aking tiyan at tumingin dito. Tuluyan na akong napaiyak dahil wala na rin ang aking baby. Ni hindi siya nabigyan ng chance na mabuhay, kahit ako na lang sana, kahit ako na lang ang nawala basta nabuhay siya. Tumingin ako sa itaas habang patuloy ang pagtulo ng aking luha.

"Please Lord Nakikiusap ako, hindi pa ako handa. Give me, and my baby a second chance Please...please Hindi namin deserve ito Please Lord!" pakiusap ko.

"Ahhhhhhhh!!!!! Patayin niyo na lang ako!" nagulat ako sa sigaw na yon na punong-puno ng sakit at paghihirap. "Patayin niyo na lang ako, kaysa danasin ko ang ganitong sakit! Ahhhhhhh!!!!" tumingin ako sa paligid at unti-unting tumayo sa aking pwesto. Nawala na ang sigaw na naririnig ko, hanggang sa lumitaw na lang ang isang babae malapit sa tulay. Nakasuot siya ng puting dress, mahaba ang buhok, nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang itsura. Dahan-dahan siyang lumakad sa tulay hanggang sa higopin ng lang siya ng liwanag na nasa dulo. Naglakad ako palapit doon Ito na ba talaga? Do I really need to go? Siguradong malulungkot ang mga magulang ko, ang kuya ko. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam

Kailangan niya ng pagmamahal para mabuhay siya ulit, ito na ang pagkakataon mo Sabi ng isang boses at nabigla na lang ako ng mahulog ako sa isang napakalalim na bangin.

Second Chance In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon