Hawak ang aking kamay, inalalayan ako ni Viktor papunta sa wheelchair na dinala niya kanina lang. After one week of staying in the hospital, we were discharged by our doctor which I am thankful for. Hindi na rin kasi ako komportable sa ospital. Kahit nasa isang malaking private room pa kami. It's just too plain and sad at hindi magandang environment sa baby habang lumalaki na siya.
Napabuntong hininga nag makaupo na ako sa wheelchair. Binigay sa akin ni Miya ang baby at napangiti ako nang makita ang gwapo kong anak na mahimbing na natutulog. Inayos ko ang blanket na nakapulupot sa kanya at ang cotton cap niya sa ulo.
"Are you comfortable?" Tanong sa akin ng aking asawa. Ngumiti rin ako sa kanya at tumango.
"Nagtataka nga ako kung bakit kailangan ko pang mag-wheelchair. Nakakalakad na din naman ako." Sabi ko sa kanya.
"It's a hospital protocol, sundin na lang natin. Baka masaktan pa kayo ni baby." Napailing naman ako at tinignan siya.
"Hindi mangyayari 'yon dahil nandyan ka naman, Vanya. I just don't like you to see me as a weak and pathetic woman." Natigilan siya sa huli kong sinabi at nagulat naman ako nang hinawakan niya ang aking kamay.
"You are not weak and pathetic, Rina. Tingnan mo nga, nandito ka pa rin. Hindi ka sumuko para sa anak natin, para sa ating pamilya." Seryoso niyang sabi at tumango naman ako. "Now, are you sure you're okay?"
"Y-yes..." Nahihiya kong sabi at sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"How about our baby?" Mahina niyang sabi at sinilip niya ito. Marahan kong hinaplos ang chubby cheeks ng baby namin at gumalaw siya ng konti.
"He's sleeping peacefully, super cute nga niya," tuwa kong sabi. "He really looks like you, ang daya at wala man lang siyang namana sa akin." Bahagya siyang tumawa at hinaplos niya ang ulo ni baby.
"Well, he has long eyelashes just like you and also thick lips." Sabay tingin niya sa akin. Nagtapat ang aming mga mata at natigilan kaming dalawa. Biglang uminit ang aking pakiramdam at napansin ko na parang nag-dilate ang pupils ng kanyang mga mata. Napatingin siya sa aking labi na aking dinilaan. Pareho kaming parang nagising nang may malakas na tumikhim. Napatingin kami kay Miya na sinabing kailangan na naming umalis. Uminit ng husto ang aking mukha at tumango lang ako. "Well, we should get going. Mas magiging komportable kayo pag nasa bahay na tayo."
"Mas mabuti pa nga." Mahina kong sabi. Tinulak niya ang wheelchair at sa pagkakataon na 'yon medyo naiilang ako. Tsaka dalawang beses na naiistorbo ang moment namin.
Maging maganda ang pag-uusap namin na dalawa at mula no'ng araw na yon, araw-araw na siyang dumadalaw sa amin. Minsan nananatili siya buong araw hanggang gabi para bantayan kami. May dala man siyang laptop para sa kanyang work o may tumatawag sa kanya, laging kami ang kanyang inuuna. Alam na din niyang kargahin si baby, siya nga ang nagpapa-burp rito pag tapos na akong mag-breastfeed. I think pati pagche-change ng diapers ay gamay na rin niya. He enjoys being a father and he doesn't mind sa kanyang ginagawa para sa baby namin. One time naduraan ni Mikhail ang kanyang mamahaling suit, and he just laugh heartily. Buti na lang may dala siyag pampalit ng damit gaya ng sinabi ko sa kanya.
We had our sweet moments, especially involving our son. Hindi na ako nagtanong sa kanya about sa past namin dahil papalitan ko lahat ito ng masasayang memories. Kahit wala na ang aking kapatid na si Sabrina, may iniwan siyang malaking lamat sa kanyang pamilya. Hindi ko hahayaan na masira niya ito ng tuluyan, I will make sure that my second chance, my second family will be fruitful. Tatanggapin ko ito dahil ito ang binigay Niya sa akin.
Inalalayan ulit ako ni Viktor na sumakay sa kanyang sasakyan which is sleek black Hummer. Malaki ito kaya nahihirapan akong makasakay. Hindi na sumabay sa amin si Miya dahil may sarili na itong sasakyan. She will be with us para tulungan ako na bantayan si baby. Sa backseat kami ni Mikhail, Misha ang kanyang nickname, at si Vanya ang driver namin. May sarili itong car seat kaya panatag naman ako. Nang masigurado niya na okay na kami, pinaandar na niya ang sasakyan and slowly the car move.
BINABASA MO ANG
Second Chance In Love
RomanceAkala ni Karina ay mamamatay na siya na hindi man lang nagkakaroon ng anak. Pero hindi niya inaasahan na mabubuhay siya ulit, sa ibang katawan nga lang ng ibang babae. Nagkaroon siya ng instant na anak, t may asawa na rin siya. Ang problema nga lang...