It was early in the morning ng magising ako sa iyak ng aking baby. Si Miya ay nagising din sa malakas niyang iyak. Madali siyang bumangon at kinuha niya si baby mula sa crib. Binigay niya ito sa akin na agad kong pinadede. Hindi ko mapigilang mapahagikgik sa tuwing sisipsipin niya ang aking nipple.
Ramdam ko ang gutom ng magising ako, kumakalam ang aking tiyan na narinig ng aking nurse kaya nagkatawanan kami. Napasinghap ako ng dumilat ang mga mata ng aking baby at nasilayan ko ulit ang napakaganda niyang mga mata. I never seen such vivid eyes before, it's so enchanting. Hinaplos ko ang kanyang pisngi using my finger at ngumiti siya.
"Miya, he smiled at me..." mahina at natutuwa kong sabi. Tumaas ang kamay nito and then he grasp my finger. "Goodmorning baby..." malambing kong sabi at dinampian ng halik ang kanyang kamay.
"Breastfeeding helps to strengthen the bond between you and your baby. Kaya nafi-feel din niya ang nararamdaman mo. Pag happy si mommy, happy din si baby," sabi niya.
"That's so cool..." mangha kong sabi at natawa siya. "Ang gwapo ng baby ko, nagmana ka siguro sa Papa mo." Tumigil siya sa pagdede at tumitig lang siya sa akin, tapos nagdede siya ulit. "He's so adorable."
"Naku, mukhang maraming paiiyakin na babae ang baby mo pag lumaki siya." Tukso ng aking nurse at tumawa ako.
"Sa tingin ko nga rin. Isang ngiti pa nga lang ng baby ko, natutunaw na ang puso ko." Tuwa kong sabi at dinampian ko siya ng halik sa noo. Tumunog ulit ang aking tiyan at nahihiya akong tumingin sa kanya.
"No worries mommy, parating na ang pagkain mo. Special delivery." pagkasabi ni Miya 'non, bumukas ang pinto at pumasok ang isang napakagandang babae. Medyo matangkad, olive coloured skin, raven black hair, dark brown eyes and full red lips. Para siyang isang model na lumabas sa isang fashion magazine at may dala siyang paper bags.
"Good morning everyone!" Nakangiti niyang bati sa amin at natigilan siya ng makita niya ako, tapos ay sa baby na kasalukuyang dumedede pa rin. "Wow... Hindi ka nga nagbibiro, Miya." Pilit siyang ngumiti sa'kin at napakurap lang ako. I mean is this beautiful human being real? Nakasuot siya ng obviously na branded na damit, a vertical line printed pantsuit, with its matching suit jacket at tube top sa loob nito. "How are you dear?" Tanong niya.
"I-I-I'm fine... Brielle..." kabado kong sabi. Suntok sa buwan na lang toh, kilala niya si Miya, so I'm guessing siya ang sister in law ko.
"Hmmm?" Tinitigan niya akong mabuti. "I'm surprised at hindi mo ko sinisigawan ngayon at pinalalayas," sabi niya na may pagdududa. Matamis akong ngumiti sa kanya at napasinghap siya. Mukhang tama ang hula ko, siya nga ang sister-in-law ko.
"Bakit ko naman gagawin yon? Happy nga ako at dumalaw ka. Gusto mo bang kargahin ang pamangkin mo?" Nagkatinginan sila ni Miya na pinagtaka ko. "Well, pagkatapos niyang dumede."
"Umiiyak siya kagabi Ma'am Brielle, kasi hindi pa daw siya dinalaw ng asawa niya," sumbong ni Miya na pinandilatan ko.
"Huwag mo muna siyang isipin Sabrina. Matatauhan din ang lalakeng yon. You know Volkov men are stubborn at kasal ako sa isa. I am glad your okay at mukhang inaalagaan mo ng mabuti ang anak mo." Tinakpan ko ang aking breast ng tapos na itong magdede at ngumiti.
"Am I? Para kasing binigo ko siya dahil wala ang kanyang ama sa tabi namin." Hinawakan ni Brielle ang kamay ko at pinisil niya ito. Napansin ko na naluluha ang kanyang mga mata.
"He'll be here soon Sabrina, sinisigurado ko yan sayo at sa baby niyo." Matamis akong ngumiti sa kanya. I am grateful dahil mabait siya sa akin. Magaan din ang loob ko sa kanya and I think we are going to be good friends.
"Salamat Brielle, and please call me Rina. I prefer it more." Tumango lang naman siya. "Nag-iisa ka lang ba? Hindi mo kasama si...uhm...asawa mo?"
"Gaya nga ng sabi ko, masyado silang busy sa kanilang work. Hinatid lang ako ni Viktor, you know my husband, your brother-in-law." Ngumiti lang ako at tumango. "Nagdala pala ako ng maraming pagkain para sayo at mga prutas. Kailangan mo yan lalo na at mukhang matakaw ang pamangkin ko. Let me hold him para makakain ka." Nagpasalamat ulit ako at ipinasa sa kanya si baby. "Oh my gosh, kamukhang-kamukha ang daddy." Tuwa niyang sabi at natawa lang ako. Inilapit sakin ni Miya ang maliit na table na pwedeng pagkainan at nilabas niya ang laman ng mga paperbags. Marami nga ang pagkain na kanyang dinala. Naglaway ako ng maamoy ko ang food na dinala niya. Nag-pray ako sandali at nagsimula na akong kumain. Napaungol ako sa sarap ng mga pagkain na nakahain sa harap ko. "You're really enjoying it," di makapaniwala na sabi ni Brielle.
"Sino ba naman ang hindi mag-eenjoy sa masarap na pagkain. Thank you talaga, kanina pa ko nagugutom. Kumain ka na ba?"
"Yes, ubusin niyo na ni Miya yan." Nakangiti nitong sabi habang pinapaburp niya si baby. I need to name him soon, ayokong tawagin lang siyang baby. Pero ayoko rin namang pangunahan ang asawa ko at baka gusto niyang maging junior.
"Uhm, so anong ginagawa ng asawa ko? Is he busy with work?" Tanong ko.
"Yeah, kasama niya ang asawa ko. Alam mo naman ang magkapatid na yon, masyadong workaholic. Nabo-bore na nga ako sa bahay, I need something to do."
"Oh...yong pamangkin ko nga pala? Kumusta siya?" natigilan si Brielle tapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Alam ko na may anak siya dahil nabanggit sa akin ni Miya na private nurse siya noon ni Brielle.
"Sofia is doing okay. Hindi naman siya pwedeng sumama sa akin sa ospital, tsaka hindi naman kayo magkasundo."
"Ha? Well, I need to change that. Sana magkabati kami pag nagkita kami, para naman may kalaro si baby."
"I'm sure magugustuhan ka na niya. Did you not name him yet?" Tanong niya at napailing ako. "Well, you should para di na baby ang itawag mo sa kanya. My handsome nephew needs a name."
"I know, pero dapat nandito ang asawa ko. We need to decide it together."
"My dear Rina, ako na ang nagsasabi sayo. Name him, you're his mother. Ikaw kaya ang naghirap na umire. At balita ko muntik ka ng mapahamak. Bwisit na Lyosha yon, di man lang nag-alala!"
"Lyosha?" taka kong sabi.
"Oo! You're husband, Vanya, Viktor Volkovv. Ano ka ba!" Alangan akong tumango at tumawa ng konti.
"Oo! Oo alam ko! Viktor..." sambit ko. His name sounds so dreamy at mukhang Vanya ang nickname niya.
"May naisip ka na bang pangalan para sa kanya?" Tumango ako. "Come on, let's hear it!" Excited niyang sabi. Napakagat labi naman ako. Ngayon na alam ko na ang buong pangalan ng asawa ko, sa tingin ko pwede na ang naisip ko.
"Mikhail, Mikhail Viktor Volkov." Mahina kong sagot at natigilan ulit siya.
"Oh my gosh! That's perfect!" Malakas niyang sabi na bahagya kong kinagulat at sinaway siya ni Miya. Baka kasi magising ang baby na nasa crib na ngayon at natutulog. Tumabi siya sa'kin tapos ay niyakap ako. "Ang galing mo, talagang pangalan pa ng kanilang grandfather ang pinili mo. Siguradong matutuwa ang asawa mo at pati na rin ang mga parents niya." Bahagya lang akong ngumiti. Mabuti naman at hindi ako nagkamali, nataon pa na pangalan pala yon ng grandfather ng asawa ko. I wonder kung buhay pa siya. And speaking of parents, nasaan ang mga in-laws ko?
"Mabuti naman, what's his nickname?" tumingin siya sa'kin na parang naguguluhan sa sinabi ko pero ngumiti na lang siya.
"Misha my dear, Misha... And your nickname suits you better, Rina." Nagpasalamat ulit ako.
"Brielle, may request sana ako," sabi ko maya-maya habang kinukwento niya sa akin ang mga experiences niya being a first time mother. Ang gaan niyang kausap, ang gaan din ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung magkasundo kami no'ng hindi pa ako sa katawan ng kapatid ko, pero parang matalik na kaming magkaibigan ngayon. "Pwede bang dalhan mo ko ng damit na nabubuksan 'yong harapan? Hirap kasi ako sa hospital gown, eh. Kung may old at hindi na ginagamit na polo shirt si...si Lyosha, kahit 'yon na lang."
"Of course! Dadalaw ako ulit sayo bukas at magdadala ako ng kailangan mo." Kinuha niya ang kanyang bag. "Kailangan ko ng bumalik sa anak ko, give Kolya a kiss for me."
"Sure, Brielle, balik ka ulit, ah." Niyakap niya ko at tinanong kung ano pa ang gusto kong kainin. Nagkatawanan kami ng sinabi ko na burger at fries at pinagbawalan agad ako ng aking nurse. Nagpaalam na rin siya kay Miya at bago pa ito makalabas, biglang bumukas ang pinto. Nahigit ko ang aking hininga ng pumasok ang isang pinakamagandang lalake na nakita ko sa buong buhay ko. And he has the same bright blue eyes like my son.
BINABASA MO ANG
Second Chance In Love
RomanceAkala ni Karina ay mamamatay na siya na hindi man lang nagkakaroon ng anak. Pero hindi niya inaasahan na mabubuhay siya ulit, sa ibang katawan nga lang ng ibang babae. Nagkaroon siya ng instant na anak, t may asawa na rin siya. Ang problema nga lang...