Chapter 2

703 14 0
                                    

Matapos kong linisin ang aking sarili sa tulong ng mabait na nurse na tinawag ni Miya, tinignan ko saglit ang aking mukha sa salamin. I was stunned at how beautiful I look like. Saglit lang yon, pero hindi talaga ako makapaniwala because I am in a really different persons body. Judging from her smooth and glowing skin, soft, silky pale blonde hair na nahahawakan ko, I guess I am a pampered wife. Ni wala ngang kalyo ang aking mga kamay. 

Malambot siya, makinis at fair coloured skin. May kaputian din naman ako sa dati kong katawan pero hindi ganito, na parang nakikita ko ang aking mga ugat. And base sa suot ko na maluwag sa akin at sa nakita ko nong nasa banyo ako, I am slim and fit. Hindi na ako magtataka kung hourglass ang aking figure. I do have a slim fit body too, but not this kind of perfection.

Whoever this Mr. Volkov is, kung ganito kaganda ang kanyang asawa, siguradong sobrang gwapo din niya. I mean sa last name niya pa lang diba? Russian! A Russian husband! Pero yon lang ay hula ko, malay ko, baka half-half siya. My gosh! Ngayon pa lang insecure na ako! Kainis naman!

Nagpasalamat ako sa nurse ng inalalayan niya ako na makahiga sa hospital bed. May nakita rin akong crib na nasa tabi ko at nandoon ang aking baby na mahimbing na natutulog. Ngumiti ako kay Miya na nilapitan ako at sinabing magpahinga na. Tumango lang naman ako dahil pagod din ako sa panganganak. But every pain is worth it as long as my baby is here. Hindi ko na napigilan at pinikit ko na ang aking mga mata, tapos ay tuluyan na akong nakatulog.

Nagising ako ng makarinig ng iyak ng sanggol, natigilan ako tapos ay agad na bumangon. Tumingin ako sa paligid, sa aking birthing suite, sa crib kung saan naroon ang aking baby na umiiyak. Nakita ko si Miya na binuhat siya at agad ko siyang kinuha ng binigay niya ito sa akin. Tinulungan niya ako sa pagbe-breastfeed for the first time at napatawa ako when his tiny lips latch on my nipple. My baby is sucking so eagerly and hindi ko mapigilang maluha habang nakatitig ako sa kanya. Medyo nasilaw ako sa ilaw ng tuluyan ng lumiwanag ang buong kwarto. Its in the middle of the night pero okay lang, nakapagpahinga naman din ako.

"Tignan mo siya Miya, ang takaw niya," tuwa kong sabi. Parang lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko nawala dahil sa kanya.

"Oo nga, he's doing well for his first time at maging ikaw rin. Hindi ko akalaing magiging open ka sa pagbe-breastfeed Rina. Ang sister-in-law mo kasi sinasabi na baka ayaw mo.""

Ha? Sister-in-law ko?" Nagtataka kong sabi. Ngumiti siya at chineck niya ang aking kamay kung saan naroon ang IV ko.

"Yeah, si Maam Brielle Di ba nabanggit ko na siya ang nag-recommend sa akin." Natawa ulit ako at tumango.

"Oo, si Brielle talaga, oh." kalmado kong sabi pero sa totoo lang kinakabahan na ko ng husto. Wala talaga akong alam, pero buti na lang nakakalusot ako. "Bakit naman niya sasabihin na ayaw kong mag-breastfeed? Its important right? I want all the best for my baby at mas marami siyang nutrients na makukuha sa breastmilk. Well, base sa nabasa ko."

"Tama ka, at happy ako sa nakikita ko. Alam mo ng dinala ka dito sa ospital dahil malapit ka ng mag-labor. Sabi ng mga kasamahan ko na napakasungit mo daw at demanding. Nagsisisigaw ka dahil sa pain na nararamdaman mo." Bahagya akong natawa pero sa loob ko, alam ko na may attitude si Mrs. Volkov.

"Sus! Sa una lang yon, emotional stress na din siguro dahil first baby ko." Napakagat labi ako at baka mali ang sinabi ko. Paano kung may anak pa kami? Tumingin ako kay Miya at nakangiti siyang nakatingin sa amin.

"Well, buti na lang at hindi na ngayon. At sa nakikita ko, you will be a good mother." Natunaw ang puso ko sa sinabi niya.

"I hope so mahina kong sabi. Nang makatulog na ulit si baby, kinuha siya ni Miya at nilagay sa kanyang crib. Naiihi ako kaya tinulungan niya ko patungo sa CR at pinaghintay ko na lang siya sa labas ng banyo. Kaya ko naman kahit masakit ang half part ng aking katawan.

Tinignan ko ulit ang aking sarili sa salamin na naroon, and I really look beautiful. Angel like face, luscious red lips and I have a beauty mark below my lower lip. A cute little mole na lalong nagpadagdag sa aking appeal. Pero may pamilyar sa mukhang to, na parang nakita ko na siya, na kilala ko siya. Tinignan ko ang aking kamay sa may bandang wrist at natigilan ng makita ang isang pa-horizontal na line roon.

"Oh my God..." pabulong kong sabi. Kilala ko nga ang babaeng to! Because 7 years ago, she run away from home at hindi ko na siya nakita pa. "Sabrina... Oh my God..." napatingin ako sa taas. "Nagbibiro ba kayo?" Tanong ko. Bahagya akong nagulat sa katok ng pinto kaya lumabas na ako.

"Rina? Ayos ka lang?" Alalang sabi ng aking nurse. Ngumiti lang ako at tumango. Inalalayan niya ako papunta sa kama at tinulungan akong humiga. Kailangan mo pang magpahinga.

"I am Sabrina Miller." sambit ko. "Sabrina Miller Volkov..." Niyakap ko ang aking sarili. Shocked from what I discovered.

"Oo, ikaw nga yon, sagot ni Miya. Rina, ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sayo? Is it the baby?"

"Ha?" At tumingin ako sa kanya. "No! No, its not about my baby. Malungkot lang ako kasi..." Napakagat-labi ako. Nag-iisip ako kung ano ang aking magiging dahilan. And then one thing clicked in my mind. "Kasi hindi pa ako binibisita ng asawa ko. Kahit tingnan niya lang kami, kung safe ba kami. O kaya tingnan niya lang ang anak niya, mahirap ba yon?" Naiiyak kong sabi at pinahiran ko ang aking luha na tumulo. "Am I that bad of a wife? Sobrang sama ko ba kaya wala siya ngayon dito?"

"Rina..." Malungkot niyang sabi at hinagod ang aking likod para pakalmahin niya ako. "Kung anuman ang problema niyo ni Mr. Volkov, siguradong malalagpasan niyo ito, lalo na at may anak na kayo. Dadalawin ka rin niya, Gaya nga ng sabi ko, give him time." Tumango ulit ako. "Huwag kang masyadong ma-stress. Pag malungkot ka kasi, ramdam yon ng baby mo, kaya malulungkot din siya." Tumingin ako sa crib at napansin kong nagiging fuzzy na siya kaya kinalma ko ang aking sarili.

"Ayoko namang mangyari yon. I want him to always be happy. Matagal ko ng pinangarap na maging ina. Nagpapasalamat ako at binigyan ako ng second chance. Happy na ko na kasama ko ang aking baby," nakangiti kong sabi. Nagpasalamat ako sa kanya at tuluyan na akong humiga sa kama. Pinatay niya ang ilang ilaw at umupo siya sa couch na naroon. Tinitigan ko lang naman ang ceiling at hindi makapaniwala sa aking natuklasan. Ganito ba magbiro si Lord?

Nasa mismong katawan ako ng aking nakababatang kapatid na lumayas noong 18 years old pa lang siya. Wala ako sa bahay noon dahil busy ako sa college studies ko. We tried so hard to find her, pero bigla na lang siyang nawala at hindi na namin nahanap pa. Ganon talaga siguro pag ang tao ay ayaw mapahanap o magpakita. 

Okay naman ang relasyon ko sa kanya pero hindi ko masasabing ka-close ko siya katulad ng ibang magkakapatid. She was the outgoing one, hard-headed, ginagawa ang lahat ng kanyang gusto. Hindi ko akalaing magkaka-asawa siya. Shes 25 by now and I am two years older than her. Inunahan niya pa akong magka-baby. Ngayon, I am really curious kung anong kalokohan ang pinaggagawa ng kapatid ko para magalit sa kanya ng lubos ang kanyang asawa.

Habang nagla-labor ako ramdam ko na ang kanyang coldness. Wala siyang pakialam kay Amelia kahit hirap ito sa panganganak. Ni wala nga ito sa tabi niya! Now, I am willing to meet him para makabawi ako sa masamang nagawa niya.

Habang nahuhulog ako mula sa magandang garden na yon, may narinig akong isang boses na sinabing, Kailangan niya ng pagmamahal para mabuhay siya ulit, ito na ang pagkakataon mo. Paano ko naman gagawin yon? Ang una kong dapat gawin is to gather information and I think my sister-in-law could help. Now, I am hoping na bibisatahin niya ako. Not unless, galit din siya sa akin. Damn Sabrina! Anong gulo ang pinasukan mo?!

Second Chance In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon