Nagpasalamat ako sa nurse na kasama ko ngayon matapos niya akong tulungan na umupo sa wheelchair. Katatapos lang ng aking MRI, isang additional test dahil sa nangyari sa aking panganganak. Although gawa-gawa ko pa rin ang pagkakaroon ng amnesia, kinakabahan pa rin ako para sa amin ni baby.
Pinaliwanag kasi ng doctor ang nangyari sa delivery room. Nang mag-flat line daw ako, walang pumasok na oxygen sa aking utak na maybe cause ng aking amnesia. Nagdagdag din sila ng additional test para kay Mikhail para masiguro na hindi rin siya naapektuhan. Sana nga normal ang results ng mga test namin. Dahil sa totoo lang, ayoko ng pagdaanan ulit ang mamatay, helpless and no one was there to help me.
Pagkapasok namin ng kwarto ng aking hospital room, napangiti ako nang makita si Brielle na hinehele ang baby. Iniwan ko siya with Miya habang nasa aking test, at masaya ako at dumalaw ulit si Brielle. Nakita ko na inaayos ni Miya ang basket of fruits at katabi nito ang isang vase ng white carnation flowers. Lumapit sa akin si Brielle and my baby stir in her arms at bigla na lang umiyak. Kinuha ko naman siya at hinaplos haplos ang kanyang ulo hanggang sa tumahan na siya.
"Naku, mukhang magiging Mama's boy ang anak niyo." Sabi sa akin ng aking sister in law na kaibigan ko na ngayon. Pumwesto ako sa kama at tinulungan ako ni Miya na tanggalin ang hospital gown ko sa isang side para mapadede ko siya. "How are you Rina?"
"I am fine..." nanginginig ang boses kong sabi at napasinghot. Umiinit na ang aking mga mata at pinipigilan ko lang talagang umiyak. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko? Nasa katawan man ako ng aking kapatid pero hindi ko siya kilala, hindi ko din alam ang pinaggagawa niya sa buhay niya. Pero ngayon galit na galit sa akin ang asawa niya at natatakot ako sa maaari niyang gawin.
Nakatitig sa akin ang aking baby habang nagdedede na siya at nagulat ako ng itaas niya ang kanyang kamay at pilit na inabot ang mukha ko. Napatawa naman ako sa saya at hinalikan ko ang kanyang noo.
"Alam ko na hindi maganda ang paghaharap niyong muli ni Vanya. I apologize sa ginawa niya sa'yo. Hindi niya dapat ginawa 'yon lalo na sa pinagdaanan mo." Idinantay niya ang kanyang kamay sa balikat ko at pinisil ito. "Rina, bakit hindi mo sinabi na wala ka pa lang maalala?"
"I-I'm sorry, natakot ako at baka kung ano pang isipin niyo, na nababaliw na ako. I decided to tell it to my husband dahil akala ko maiintindihan niya ako. Siya ang matagal ko ng nakasama, but I didn't know that he hates me so much." Hinagod niya ang aking likod at napabuntong hininga siya.
"I will tell you the truth, okay?" Tumingin ako sa kanya at tumango. "The relationship between you and Vanya is really broken right now. Before ka manganak, you have this massive argument dahil nalaman niya na pinupuntahan mo pa rin ang ka-affair mo." Napakagat labi naman ako. "Akala niya okay na kayo nang mabuntis ka dahil bubuo na kayo ng sarili niyong pamilya. Then he had doubts na hindi niya anak ang pinagbubuntis mo. Gulong-gulo siya ngayon, Rina. And then this amnesia thing, ayaw niyang maniwala dahil ilang beses ka ng nagsinungaling sa kanya." Naiintindihan ko naman ang kanyang sinabi. Besides, ilang beses ko na siguro nasira ang trust niya sa kanyang asawa dahil sa mga pagsisinungaling ni Sabrina in the past. Who knows kung ano pa ang ginawa niyang pananakit kay Viktor.
"I kind of figured that out," sabi ko. "Nagsasabi ako ng totoo Brielle, wala talaga akong maalala, and I wanted to be honest with him. Ngayon takot na ako at baka ilayo niya talaga sa akin ang anak namin." Malungkot kong sabi at tuluyan na nga akong naiyak. "Hindi ko kaya... Hindi ko kaya na mawalay si Mikhail sa'kin. I am his mother, gusto ko siyang alagaan, gusto kong ibuhos sa kanya ang buong pagmamahal ko. Gusto kong makita siyang lumaki, na ako ang nasa tabi niya," at humigpit ang hawak ko kay baby.
"Alam ko, nakikita ko naman kung gaano mo kamahal si Mikhail. Pero huwag ka ng mag-alala dahil hindi niya gagawin 'yon. Nakausap na din namin ang doctor mo at isang neurologist na nagpaliwanag sa sitwasyon mo. He's angry but he doesn't hate you. Ikaw pa rin ang asawa niya, ikaw ang ang babaeng mahal niya." Napailing akodahil mahirap paniwalaan ito.
BINABASA MO ANG
Second Chance In Love
RomansAkala ni Karina ay mamamatay na siya na hindi man lang nagkakaroon ng anak. Pero hindi niya inaasahan na mabubuhay siya ulit, sa ibang katawan nga lang ng ibang babae. Nagkaroon siya ng instant na anak, t may asawa na rin siya. Ang problema nga lang...