Chapter 7

152 6 0
                                    

Natutuwa ako dahil nandito ang ama ni Mikhail, ang asawa ng aking kapatid na si Sabrina. Binigyan niya ako ng sunflowers na kinuha ng aking sister in law at lumabas sila ng aking private nurse para kumuha daw ng vase. Hindi pa rin sila bumabalik, which is okay, para magkaroon kami ng time ni Viktor para mag-usap. Hindi kami pwedeng may samaan ng loob pa rin lalo na at nandito na si baby.

Sabagay, naiintindihan ko naman siya kung bakit galit na galit siya sa akin, sa kapatid ko pala na ilang beses na siyang sinaktan. Hindi na talaga nagbago si Sabrina. Kung ganito kayaman ang kanyang asawa, I'm sure na marangya din ang kanyang buhay. Pinakasalan siya nito, meaning mahal talaga siya ng kanyang asawa. Pero hindi ito pinahalagahan ni Sabrina at nagkaroon pa siya ng relasyon sa ibang lalake. Kaya siguro hindi din dumadalaw ang mga in-laws ko dahil hindi maganda ang relasyon ni Sabrina sa kanila.

Ang dami kong dapat ayusin, hindi lang relasyon sa asawa ko, kundi na rin relasyon ko sa mga taong parte ng kanyang buhay. Biglang kumirot ang puso ko para sa kanya, gusto kong umiyak pero pilit kong pinigilan dahil ayoko niyang isipin na umaarte na naman ako. May isa pa akong problema, hindi ko alam kung anong binuo ni Sabrina na kanyang katauhan sa kanyang asawa at sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Did she tell him about our family? That she has loving parents, an older sister and a brother. Hindi ko kilala ang sarili kong kapatid dahil hindi na siya nagpakita sa amin at hindi rin naman siya nahanap mula no'ng lumayas siya. I am thankful that she's safe, that she's been living how she wanted to be, pero hindi pa rin talaga nagbabago ang kanyang ugali. She's still a selfish brat at ngayon nga ay may nasasaktan siyang lalake na labis siguro na nagmamahal sa kanya.

Gusto kong bumawi, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. My relationship with my husband maybe almost broken at isang pagkakamali ko lang baka tuluyan na talaga kaming masira. Tumingin ako sa kanya, he is really a beautiful man at natutuwa ako dahil namana ng aming anak ang kanyang mga mata. Sa tayo pa lang niya, sa kanyang paglalakad, sa kanyang tingin, sa kanyang boses, it really makes my body on fire. I feel like a teenage girl having a crush at hindi ko mapigilan na uminit at mamula ang aking mukha tuwing kaharap ko siya.

This is so embarrassing! Kung ganito pa lang ang reaksyon ko sa kanya, paano ko siya makakausap ng maayos? Paano ko sisimulan buoin ulit ang pamilya namin kung presence lang niya sobra na akong kinakabahan. Bumuntong hininga ako at nang tingnan ko siya, natigilan ako dahil nakatitig na pala siya sa akin. Napalunok ako pero hindi na ako umiwas ng tingin. Kailangan ko siyang harapin, dapat hindi ako nahihiya dahil asawa ko nga siya, diba?

"I'm sorry..."

"I'm sorry..."

Sabay naming sabi na dalawa. Natigilan kami, nagkatitigan and I just feel this tingling sensation surrounding us while our eyes meet and just stare at each other. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napasinghap ako nang masuyo niyang hinaplos ang aking mukha. Napapikit naman ako dahil parang humaplos din ito sa aking puso. Pero agad din naman niyang binawi ang kanyang kamay na para ba siyang napaso. Sa pagkakataon na 'yon, nalungkot ako and it's a weird feeling. Bago pa niya mailayo ang kanyang kamay, agad ko yong kinuha at mahigpit na hinawakan.

"I know this is not fair to you dahil sa kondisyon ko ngayon. Hindi ko ginusto na magkaganito ako pero alam ko, nakikita ko sa mga mata mo, sa actions mo kung gaano kita nasaktan. It's too much to ask but please just give me a chance to be a good mother to our baby and a good wife to you, Viktor. Tinatanggap ko na hindi mo pa ako mapapatawad na gano'n kadali pero bigyan mo ako ng chance na makabawi sa inyo." Seryoso akong tumitig sa kanya. "I don't want to lose our family, gusto ko dito lang ako sa tabi niyo, ng anak natin. Pwede ba?" I can see conflict in his eyes, there was anger but the pain is more obvious.

Malakas siyang bumuntong hininga at binawi niya ang kanyang kamay na binitawan ko. Napakagat labi naman ako at pinigilan ko ang aking pag-iyak. Sobrang sakit kasi dahil nire-reject niya ako ng ganito. Naman Sabrina! Sinaktan mo ng sobra-sobra ang asawa mo at mukhang wala na talaga kayong pag-asa. Anong gagawin ko? Ayokong mapalayo sa baby ko at pati na rin kay Viktor. Binigyan nga ako ng second chance diba? Ito na 'yon! Pero hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko. Natigilan ako nang hinawakan niya ang aking baba at tinaas niya ang nakayuko kong ulo.

Second Chance In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon