Nang magising ulit ako, isang napakasakit na sensasyon ang nararamdaman sa aking bandang ibaba. Para ako winawarak, parang may malakas na pumipisil sa aking tiyan! Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko at pagmulat ko ng aking mga mata, sumalubong sa akin ang nakakasilaw na ilaw. Tumingin ako sa paligid at napapaligiran ako ng mga doctor at nurses base sa kanilang itsura. May mga mask sa mukha, surgical gowns na suot at cap sa kanilang mga ulo.
Nakahiga ako sa isang stretcher, nakalagay ang aking mga paa sa stir ups at may doctor na nakatingin sa pagitan ng mga hita ko. At aking tiyan ay sing laki ng lobo na parang sasabog na base sa pressure na aking nararamdaman.
Anong? Anong nangyayari?! Am I giving birth to my baby?! Pero...pero bakit? I just found out na pregnant ako kanina! Wait! Yong ilaw! Yong garden! Naguguluhan kong isip. Napasigaw ulit ako sa sakit.
"Mrs. Volkov? Mrs. Volkov! Naririnig mo ba ko?!" Sabi ng doctor at tumango lang ako. Tawagin niyo si Mr. Volkov ngayon na! Utos nito sa isang nurse na natigilan.
"Pero doc, sinabi niya na sa labas na lang siya," sagot naman ng nurse.
"Muntik ng mamatay ang asawa niya! Kailangan siya rito!" Malakas niyang sabi.
Naguguluhan ako, kasabay ng pananakit ng buong katawan ko! Nanganganak ako ngayon! Wait, wait, calm down Karina You need to push out first at baka mapahamak si baby. Nagsimula ako na mag-breathing exercises katulad ng napapanood ko sa movies. Kinalma ko ang sarili ko, mamaya na ang tanong, I need to give birth first! I need to save my baby! Wala na akong pakialam kahit tinatawag nila akong Mrs. Volkov na hindi naman ako! All I care now is the baby to be delivered safely.
"Call my hu-husband p-please" Mahina kong sabi at pati lalamunan ko ang sakit na sa kasisigaw. Tangina! Bakit wala kasi siya rito?! For support man lang 'di ba? Naghihirap ako dito tapos siya naghihintay lang sa labas. It hurts, it hurts so bad! Naiiyak kong sabi.
"I know Mrs. Volkov, hinga po ng malalim, sa next contraction niyo, you need to push." Instruct sakin ng doctor at tumango ulit ako. "Isang push na lang, okay?" Napansin ko'ng may pumasok na malaking lalake na hindi ko makita ang mukha dahil sa ilaw na nakatutok sa akin. Nakasuot na rin ito ng gown at mukhang nakatitig siya.
"She's obviously fine and alive." sabi nito sa malamig na boses. Para nga'ng lumamig ang buong kwarto dahil sa presence niya. Mukhang siya si Mr. Volkov at may malaki silang problema ng kanyang asawa, which means ako na nasa katawan niya. I ask for a second chance but not in a different body. Bakit nangyari 'toh? Bago pa man siya makaalis, hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.
"I will not e-endure t-this a-alone." Hirap kong sabi sa kanya. Hate me all you want pero hindi ako ang mag-isang maghihirap dito! Huminga ako ng malalim despite sa pain na nararamdaman ko. Wala akong pakialam kung mas lalo pa siyang magalit sakin. I just need to give birth to the baby safely and alive. Nang mag-contract ako, buong lakas akong umire, pinisil ko din ang kamay niya na hawak ko. Parang may nilabas akong malaking bagay sa aking ibaba at nakarinig ako ng malakas na iyak ng baby.
Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko ang kanyang iyak. Buhay siya and I hope he is healthy. Binitawan ko ang kamay ng aking asawa at agad na inabot ang aking baby matapos siyang linisin ng nurse. Iniyakap ko siya sa aking dibdib at agad siyang tumahimik at lalo pang sumiksik sa aking chest.
"Congratulations Mr. and Mrs. Volkov, its a boy!" Ngumiti naman ako at pinasalamatan ang doctor at mga nurses na naroon. Parang nawala ang lahat ng sakit ngayon na hawak ko na ang aking baby. Walang sinabi si Mr. Volkov at mabilis siyang umalis. But I dont care, I have a baby and its a boy, thats all that matters. Dinampian ko ng halik ang maliit niyang kamay at ngumiti.
"You're my second chance, darling. Hindi kita pababayaan." Sambit ko.
As long as nandito ako sa katawang ito, mamahalin kita, aalagaan kahit mukhang hindi tayo tanggap ng ama mo. And I need to find why. Kahit hindi ko nakita ang kanyang mukha, ramdam ko ang pagkamuhi niya sa akin at ang sakit, nang sinabi ng doctor na lalake ang anak niya.
Napasinghap ako ng unti-unting nagmulat ang kanyang mga mata and he has the most beautiful sky blue eyes. His head is full of inky black hair, chubby cheeks, pink lips at ng mag smile siya parang natunaw ang puso ko. My baby will be a heartbreaker when he grows up! Napa-giggle ako sa isipin na yon at dinampian ko ulit ng halik ang munti niyang kamay.
"Mrs. Volkov, kukunin ko po muna si baby habang inaayos namin ang kwarto niyo." sabi ng isang nurse.
"Ilalagay niyo na ba siya sa nursery?" Tanong ko at maingat ko siyang binigay sa kanya.
"Hindi po, makakasama niyo po siya sa iisang kwarto gaya ng kagustuhan ng asawa niyo. Ako nga pala si Miya, ang private nurse na hinire ni Mr. Volkov para tulungan kayo, hindi niyo ba natatandaan?" Natigilan naman ako saglit tapos ay ngumiti sa kanya.
"Ano kasi Uhm Ang dami kasing nangyari. Nakalimutan ko, pasensya na, ah." natatawa kong sagot sa kanya. "Parang nakalimutan ko na rin ang pangalan ko sa na-experience kong panganganak." Natawa siya tapos ay lumambot ang kanyang mukha.
"Sabrina Volkov po ang name niyo, in case lang na nakalimutan ninyo." tumawa rin ako na parang biro ang sinabi niya dahil hindi ko naman talaga alam kung sino ako. Patay na si Karina Miller at nasa katauhan na ko ngayon ni Sabrina Volkov na mukhang malaki ang problema niya sa pamilya. Kung anuman ang nagawa niya sa kanyang asawa para maging ganon siya kalamig, this will be a challenge for me.
"Uhm, Miya, ano bang nangyari sa akin habang nanganganak ako? Narinig ko kasi na sabi ng doctor na muntik na akong mawala." Habang nag-uusap kami, ang ibang tao na naroon ay tinatabi na ang mga equipments na nakapalibot sa akin kanina. Tinanggal din nila ang mga nagamit namin sa aking panganganak.
"Hirap na hirap kang nanganganak, at bigla ka na lang nag-flat line Mrs. Volkov. Ilang seconds din siguro 'yon at buti bumalik ka para sa baby ninyo." namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi at tumingin sa baby na hawak niya. Kung gano'n ang babaeng nakita ko sa tulay ay ang tunay na Amelia!
"O-okay lang ba ang baby ko? Wala ba itong epekto sa kanya?" Nag-aalala kong sabi.
"Okay po siya. Healthy sabi ng doctor at sobrang pogi. Manang mana sa kanyang daddy." Natigilan ako at ngumiti ng konti. Kung ganyan ka-gwapo ang anak ko, ano pa kaya ang kanyang ama? Hindi ko naman kasi siya nakita, eh! Bwisit na ilaw 'yon!
"Umalis na ba ang asawa ko?" Alangan kong tanong. Baka bigla kasi siyang sumulpot tapos hindi ko alam ang gagawin ko. Im not ready na harapin siya, pangalan ko pa lang ang nalalaman ko.
"Kausap niya po ang doctor niyo. Give him time Mrs. Volkov, pupuntahan ka rin niya. Sa ngayon magpahinga muna kayo." Tumango ako.
"Uhm, pwede bang linisin ko muna ang sarili ko? Mukhang kaya ko namang tumayo, masakit nga lang yong nasa baba ko. Tsaka, Rina na lang ang tawag mo sakin, naiilang ako sa Mrs. Volkov. Mukhang kilala ka naman ng asawa ko."
"Ako din kasi ang naging private nurse ng sister-in-law niyo. Sandali lang po at tatawag ako ng tutulong sayo." Tumango naman ulit ako. Pinindot niya ang call button at maya-maya pa may dumating ang isa pang nurse at tinulungan ako sa aking hygiene care. Sobrang sakit talaga ng gitna ko pero tiniis ko na lang. Ayoko namang magharap kami ng asawa ko, mabaho ako at ang sama ng itsura ko. Speaking of itsura, I wonder what I look like?
BINABASA MO ANG
Second Chance In Love
RomanceAkala ni Karina ay mamamatay na siya na hindi man lang nagkakaroon ng anak. Pero hindi niya inaasahan na mabubuhay siya ulit, sa ibang katawan nga lang ng ibang babae. Nagkaroon siya ng instant na anak, t may asawa na rin siya. Ang problema nga lang...