Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Lola Nina, napangiti ako at saka dumiretso sa kanya, ala singko na ng umaga, it was Saturday already, may mga trinabaho pa ako kagabi kaya madaling araw na akong nakarating, I was all smiles when mom went out.
"Amanda, ang anak mo!" Lola Nina said merrily.
Kaagad kong isinara ang pinto ng kotse at tumakbo papasok sa aming bakuran, my mom hugged me tight.
"Akala ko ay hindi ka na naman uuwi, noong fiesta ay hindi ka na pumunta! Naku, kung hindi ka pa talaga umuwi ngayon ay talagang magtatampo na kami sa'yo ng Lola mo!" Mom said.
"Sorry na" suyo ko rito, "Eto na nga po ako oh, ano bang ihahanda natin bukas?"
"Kahit anong gusto mo" mom said.
"Ma, birthday mo 'yun, kaya dapat ikaw ang magsabi ng gusto mong ihanda, 'wag kang mag-alala ako ang bahala sa lahat ng gagastusin"
"Alam mo naman kung anong paborito ko, at saka mas mahalaga sa akin ang nandito ka!"
I smiled at her words, niyakap ko siya.
"Oh siya, iakyat na natin ang mga gamit mo, para makapagpahinga ka, tapos saka tayo mamalengke" sambit ni mama.
Tumango ako, I went back to my car and took my travelling bag, napatingin ako sa flower field namin, the sun was rising, the flowers were dancing slowly as the wind blew, the life that my mom wanted for us.
"Amy, halika na sa taas" mom called.
"Opo, I'll be there in a moment"
I took my phone and took a photo of the view, pumasok na ako sa bahay at saka kami nagtungo sa aking kwarto.
Mom kissed my forehead.
"Magpahinga ka muna tapos saka tayo mamalengke"
Tumango ako at saka natulog na paglabas niya.
When I woke up, it was eight in the morning, kaagad akong bumangon, inayos ko ang aking kama at saka nagtungo sa banyo, kaagad akong naligo at nagtungo sa baba pagkabihis.
I was wearing a white shirt and black denim shorts, I continued combing my hair using my fingers and went to the kitchen.
"Good morning!"
Lola was there, she smiled at me.
"Kumain ka muna, hija, nasa labas ang mommy mo, may mga kausap pa, kumain ka raw muna bago kayo umalis"
"Sige po"
Ako na ang kumuha ng sarili kong pagkain at saka nagpunta sa counter.
"Naalala mo si Dolly, hija?" Lola asked.
"Opo, 'yung nasa Italy?"
"Oo 'yun, hija! Umuwi rito, may dalang Italyano! Ay kagwapo! Ang sabi mapapangasawa raw ni Dolly! Kaya sabi ko sa'yo eh, mas maganda kung naroon ka, naku, panigurado, madaming magkakandarapa sa'yo roon!" Lola said.
"Naku, Lola, imposible po 'yan, alam mo namang ayaw ni daddy na doon ako"
"Hay naku, daddy na naman! Pero maiba nga tayo, ikaw ba eh may kasintahan ngayon?"
"Wala po, hiwalay na kami ni George"
"Mabuti naman pumayag na ang hambog mong ama na huwag na ipilit ang isang 'yon! Walang nanliligaw ngayon?"
"Walang nagkakamali, Lola eh" at saka ako tumawa.
My phone ringed, kaagad ko iyong kinuha, it was Leonard.
"Sino 'yan hah?"
Nasa tabi ko na ito!
"Lola naman!"
YOU ARE READING
Love Revenge [Book 2: Playboy Series
Romance"He's trouble, oh yeah, one hot trouble" *** Politics has always been dirty. Leonard seeks justice for his parents who both died in a recent ambush. His obsess with being even with the thought of revenge because he knew who killed his parents. An in...