10

66 1 0
                                    

I don't know how I managed to forbear the thought of sleeping sa lugar ni Miss, maybe it's because naka inom ako or what, pero weeks passed at wala ng sumunod na patulog ko sa apartment ni Miss. Days passed at naging busy na kami sa mga ginagawa namin, pero kahit ganon ay palagi parin kami umuuwi ng sabay at dume-deretso sa apartment nya para magpahinga at samahan sya hanggang sa pumatak na ang gabi.

Today is no different than the other day, I'll go to school, fulfill my duties as a secretary first, then after that duties ko naman as a student ang gagawin ko. Medyo matamlay rin si Miss ngayon kaya hindi ko sya mabiro, kahapon ay hindi ako nakatambay sa apartment ni Miss dahil may mga kailangan akong gawin para sa group projects namin. Kaya hindi ko sya nakamusta kung okay lang ba sya o hindi.

"Jia." Tawag nya saakin.

"Po?" Tanong ko.

"Ikaw na muna mag attendance 'nak, may sakit ako ngayon eh. Sinisinat ako kagabi, may salompass na nga braso ko oh." Sabay pakita nya ng braso nya na puno ng salompass.

Agad na tumango ako at nagalala para sa kanya, now I felt bad for not checking up on her last night. I was so busy worrying about our group project that I forgot to check on her, and so I thought of something na makakatulong kay Ms, at dahil may extra biogesic pa'ko dito ay naisipan ko 'yon kunin kasabay ng katinko para sa braso nyang masakit. Ginawa ko muna ang inuutos nya saakin bago ako lumapit at ibigay 'yon sa kanya.

"Miss," tawag ko sa kanya.

"Pag may kailangan ka gawin sa section natin, at kailangan mo ng tulong, sabihan mo'ko miss. Isang message lang naman ako Miss eh, hindi yung aabusuhin mo sarili mo. Tamo miss nagkasakit ka pa." Sermon ko.

Kinwento nya saakin ang mga gagawin namin sa susunod na linggo, na ikinatango ko lang dahil I don't mind working with Miss sa mga ganoong bagay. That's the sole reason why I was elected to be the secretary, kase in times like these, ako ang kasama ng adviser.   advised her to drink the medicine I gave her and to drink plenty of water para bumaba ang lagnat nya, after non ay patuloy na ang klase ko, pero kahit na ganon ay hindi parin ako mapakali sa kalagayan ni Miss.

Di pa kase umabsent eh.

I'm thinking of asking her kung kamusta na sya pag sumapit na ang lunch, since hindi bumababa ang mga teachers during recess. Mamaya pang lunch maiinom ni Miss ang gamot na binigay ko kase mamayang lunch don sya for sure kakain.

Inip na inip na'ko sa klase, all I could think about is Miss. Kung ano na kaya nararamdaman nya ngayon? Kung naiinis ba sya sa handle nya ngayon?

Lord, sana naman hindi. Ang magpasaway kay Ms mamalasin for life.

Dejoke. Sorry Lord, napahaba, Mga 10 years lang po sila mamalasin.

When lunch finally came para akong bata na hinahanap ang nanay nila, I patiently waited for miss to come towards our direction dahil malapit kami sa kakainan nila. And when she finally came agad na tumayo ako at dumayo sa direction nya.

"Miss! Musta ka na?" Tanong ko agad agad.

"Okay na'ko 'nak." Sabi nya ng nakangiti.

"Mabuti naman Miss, inumin mo na yung gamot Miss ah." Paalala ko.

"Oo 'nak, ikaw din, kumain ka na." Sabi nya bago tuluyang tumungo sa teacher's lounge kung saan sila kakain.

I felt relieved after seeing her smile again, dumaan lang ang ilang period namin at period na namin kay Ms, nag discuss lang sya at mabuti naman at naging mabait ang Francis sa kanya knowing na may sakit sya. Sya din ang magpapadissmiss saamin today so after her period ay diretso kami uwi, well, except for me. Wala narin naman na'kong gagawin since I wanted to do all the stuff that I needed to do para maalagaan ko si Miss, kaya I have all the time to wait for her and to make sure na okay na sya bukas. 

Around  5:40 ng makalog-out na sya, unlike before, hindi na kami nagtagal sa paglalakad dahil baka mabinat pa sya. When we got to her apartment ay nagpalit lang sya ng damit bago nya sinimulang gumawa ng mga kailangan nyang gawin. Samantalang ako naman ay nagluluto para makakain sya at makainom na ng gamot. I'm sure na hindi nasusunod ni Miss ang tamang pag inom ng gamot because of her schedule, kaya I'll make sure na she'll be able to drink her meds on time since kasama ko na sya ngayon. 

"Miss, kain na." Tawag ko sa kanya.

"Mamaya na 'nak," tanggi nya.

"Miss Sia." I called once more, mas seryoso this time.

"Ay, last name basis na. Eto na po, kakain na." She put her laptop aside and followed me to the kitchen, doon ay nakahanda na ang pagkain naming dalawa.

Tahimik lang kaming kumain, thankfully ay nasarapan naman sya sa luto ko at walang reklamo whatsoever. After that agad kong binigay ang gamot sa kanya para mainom na nya.

Akala ko ay magmamakulit pa sya at hindi ako susundin. Mabuti nalang talaga malakas kapit ko kay Miss.

Syempre, ako na 'to.

She then went back to working after that, apat na oras ang pagitan dapat bago uminom ng gamot. And although hindi nya dinedepende ang sarili nya sa gamot it's still good na uminom para gumaling agad at hindi na lumala.

"Jia." Tawag nya saakin.

"Bakit Miss? Mainit ka? Anong nararamdaman mo?" Agad na tanong ko ng tawagin nya ang pangalan ko.

Natawa sya dahil don, "Okay lang ako, lika rito." Utos nya na agad ko namang sinunod, tinabi nya muli ang laptop nya para may lugar ako para makaupo sa tabi nya.

I thought she'll talk to me or something, but I was more shocked when she rested her head onto my shoulder as she sighs heavily.

"Pahinga na Ms Jane." Sabi ko habang hinihimas ang braso nya.

"Madami pa'kong kailangang gawin, kaso di ko na kaya..." daing nya.

"Kaya nga, magpahinga ka na Miss, baka kung ano pang mangyari sa'yo." Sabi ko.

"Nagpapahinga na nga'ko, kaya nga tinawag kita eh."

:)

Beat of YesterdayWhere stories live. Discover now