7

77 1 0
                                    


Mabuti nalang at hindi nag tanong ang mga kaibigan ko kung sino iyon, probably because wala din akong definite answer na maibibigay. After that dinner sa bahay ni Miss hindi na sya muling nag over time pa, nakakauwi na kami ulit sa bahay sa tamang oras.

The past few days we've been discussing kung ano ang gagawin sa nalalapit na buwan ng wika event namin sa classroom, kailangan naming asikasuhin ang mga pagkain, palaro, at ang pera na gagastusin doon.

Mabuti nalang at kasama ko si Miss at ang ibang mga hosts namin sa pagpaplano kaya mas less stress, ang mga kaibigan ko ang nagpaplano ng palaro na gagawin namin samantalang kami naman ni Miss ang naatasan sa pagbili ng pagkain.

Mabuti nalang at malapit lang ang bahay namin sa isa't isa kaya maari kaming bumili ng pagkain ng hindi nagaalala kung paano kami magkikita.

Monday pagkauwi namin napag isipang bibili dahil sa Tuesday magaganap ang event namin matapos ang palarong pinoy sa monday, sakto naman dahil sabay kaming uuwi ni Miss kaya walang problema.

Dumaan ang weekends at katulad ng dati ay boring nanaman ang buhay ko, namasyal lang kami ni Mama sa mall noong linggo. At sa isang iglap ay lunes nanaman, pero dahil makakasama ko nanaman si Miss ay hindi ko na alintana ito.

Katulad ng dati kong nakasanayan ay pumasok ako ng maaga ngayon, dahil may palaro ang school para saamin ay nag dala lang ako ng pamalit para hindi ako magkasakit. Maaga rin pumasok ang mga kaklase ko, ganoon rin si Miss.

Nag patuloy parin ang klase namin kahit na may palaro kami mamaya, ang bilin lang saamin ay matapos naming mag lunch ay diretso akyat kami sa gym dahil doon na magsisimula ang paglalaro namin.

Nang sumapit na ang lunch ay konti lang ang kinain namin para hindi kami masuka, pagkatapos non ay agad na pumila kami para makapunta na sa gym. Pagdating namin doon, nandoon na ang ibang mga section sa kani-kanilang mga pwesto.

Mabuti nalang ay maganda ang pwesto namin, nasa taas kami kasama ang kabilang section na hindi naman namin ganoon ka close.

Nagsimula lang ang event sa panalangin at matapos non ay nag simula na ang palaro, tatlong laro kase bale ang gagawin namin, sack race, patintero, at dodgeball.

Kasama kami ni Marem sa dodgeball samantalang si Yna naman ay patintero, hinati namin ni Ms ang klase para may pantay na bilang kami ng maglalaro sa kada palaro. Unang tinawag ang mga maglalaro ng sack race kaya bumaba na ang mga classmates kong kasali doon.

Mabilis lang natapos ang sack race, sumunod naman ang patintero, medyo natagalan kami doon dahil ang daming manlalaro at medyo nakakalito ang rules ng nagfafacilitate kaya pati ang naglalaro ay litong-lito rin.

Habang pinapanood ang paglalaro ng mga classmates namin ay napansin ko si Miss na nagpapaypay ng kanyang damit sa baba, senyas na naiinitan sya.

Agad na kinuha ko ang pamaypay ko at bumaba para ibigay eto sa kanya, ng makuha na nya ang pamaypay ko ay nagpasalamat lang sya ay nag finger heart saakin. Dahilan para matawa ako sa kanya dahil parang hindi sya sanay na gawin iyon sa mga estudyante nya.

Sumunod na ang dodgeball, kaya agad kaming bumaba ng tawagin ang section namin, so far wala pang napapalanunan ang section namin at hindi naman ako nagrereklamo don kase hindi sporty ang section namin. More on academic weapons kami pero mahina sa sports.

Nagkaroon kami ng two rounds sa dodgeball, dalawa sa team namin ang taga bato ng bola samantalang kami naman ay ang iiwas rito. Kaso, sa dalawang rounds na naglaro kami ay wala paring panalo ang section namin. Ganon din sa ibang mga laro.

"Miss, bokya." Biro ko.

"Umakyat na kayo." Malamig nyang sinabi, agad na napakunot ang noo ko doon dahil hindi ako sanay sa ganong sagot nya.

Parang kanina nagbibiro pa 'to ah...

Nang matapos ang laro ay hindi ko na biniro si Miss pa, ganun rin ang ibang kaklase ko dahil alam nila na bad trip si Miss. Samantalang ako naman ay nagtataka kung bakit sya bad trip. Nang makarating kami sa classroom ay tahimik kaming lahat, dun na nya nilabas ang galit nya.

"Oh, bat kayo nagiingay?" Tanong nya. "Wala kayong karapatang magingay, talo nanaman tayo." Galit na sambit nya. Mabuti nalang at hinayaan nya kami na magpalit na, dahil kung hindi baka nag cr nalang ako para lang hindi ako makapag salita ng masama sa kanya.

Oo, talo kami, pero again we are not sporty. More on academic achievers kami kase halata naman 'yon, kahit nag kakapatong-patong na ang mga gawain namin nakakapasa parin kami sa tamang oras. Kompleto pa nga.

Sya ang adviser, pero sya ang unang sumuko...

Sya ang sandalan, pero sya ang gumiba...

Sa sobrang inis ko ay ayaw ko nang bumalik, pero dahil nandoon pa ang gamit ko at bibili pa kami ng pagkain ay kailangan ko pa syang hintayin. Pag balik ko sa classroom ay agad kong kinuha ang gamit ko, nagnanais na lumabas na sa kwartong ito. Hindi pinapansin ang salitang minumutawi ng babaeng nasa harapan ko.

"Jia, pasabi nga sa kanila na huwag magiingay sa Thursday. Wala silang karapatang mag ingay, talo nanaman tayo." Dismayang sabi nya.

Hindi na'ko tumango doon, dire-diretso na'kong lumabas ng kwarto nang hindi na nagpapaalam sa kanya.

Naiintindihan ko naman eh, kung dismayado sya dahil hindi nanaman nanalo section namin. Pero yung pagalitan nya kami dahil doon, sya ang adviser, sya ang nanay namin. Pero sya ang unang sumuko.

Nasaan na yung pangako nya? Na kahit maubos sya susuportahan parin nya kami. Ano? Sumuko na sya? Pagod na sya? Umpisa palang ah, pero pagod na agad sya.

Puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon, wala akong planong kausapin si Miss dahil baka kung anong masabi kong masakit na salita lang sa kanya. Kase, kahit papaano, kumapit ako sa pangako nya. Sya nalang pinagkakatiwalaan ko. Tapos ganto pa.

Sa lahat ng adviser na kilala ko ngayon lang ako nakakita ng ganto. Yung adviser yung una pang susuko.

Oo, dismayado ka. Pero hindi naman ibig sabihin na ipapakita mo na ito sa mga anak mo dahil manghihina rin sila. Nakita nya ba kung paano kami halos mahimatay na doon? Kung paano kami kapusin ng hininga?

Sinubukan naman namin ah... Pero bakit parang di parin sapat sa kanya. Pinamukha nya pa saamin na wala kaming ginawa.

Maghanap sya ng panibagong secretary na gagawa ng mga pinapagawa nya.

.

Beat of YesterdayWhere stories live. Discover now