12

69 1 0
                                    


Malapit na dumating ang ctd, isang event made to recognize the teachers and their efforts. Kaya syempre, maraming pa event ang school for this special occasion. Isa na doon ang pagiging student teacher ng mga teachers, sa elementary makakapili ka kung sino gagawin mong st, pero sa jhs ang teacher mismo ang pipili sa'yo. Oh diba? Sana all.

Naging st naman ako last year kaso sa elementary naman, this year, gusto ko sana mag st sa jhs kaso baka walang pumili saakin bilang st nila. Though good naman ang performance ko last s.y, I don't think it's enough to be an st. Hindi ko rin tinatanong si Miss Jax kung sino ang kukunin nyang st, wala rin akong plano dahil I'm sure na iba ang pipiliin nya.

"Hindi mo pa ba tinatanong ang mga teachers kung pwede ka nilang kunin as st?" Tanong saakin ng isa kong kaibigan na taga scb.

"Kaya na nila yan." Sagot ko.

"Bagay sa kanya Mapeh eh, ask ko other mapeh teachers you want?" Tanong nya.

"Eh bat pa ibang mapeh teachers? Si Miss Jax na." Dagdag ng isa kong kaibigan na taga scb rin.

"Eh mukhang may nakuha na 'yon." Singit ko.

"Lah, tampo na sya." Asar nila.

I didn't gave them a clear answer kung mag sst ba ulit ako sa elem or sa jhs, I'm still waiting na kunin ako ng isang mga teachers bilang st nila. Pero as time passes by pa unti na ng pa unti ang pagasa ko. Pero kahit na ganoon ay nagpatuloy parin ang klase ko of course, kahit occupied ang thoughts ko hindi ko parin pwedeng pabayaan duties ko.

When our robotics class arrived naging focused kami sa pinagagawa doon, our task is to program a robot to move forward, backward and sideward. And since hindi naman ako ganong magaling sa technology, talagang focused kami para makakuha kami ng mataas na score.

"Quizon." Rinig kong tawag.

"Po?" Tanong ko.

"May gustong kumausap sa'yo." Sabi ng teacher ko na ikinataka ko.

As far as I know wala naman akong nalabag ba batas ng school ah, wala rin namang issue na putok sa buong school ngayon. Kaya bakit nila ako gustong kausapin? 

Pero, still I can't just hide and not talk to them, that would be disrespectful. So, kahit kinakabahan, lumabas ako ng kwarto para harapin sila. Turns out the one who wanted to talk to me is one of the English coordinators, nakikita ko na sya but we never get to talk nor interact with each other.

"Hydrangea Quizon right?" Tanong nya saakin na ikinatango ko naman.

"That's such a unique name, how did your parents come up with that name?" She asked.

"Water birth po kase ang procedure na inundergo ni Mama habang pinapanganak nya'ko, according po sa nurse na nagpanganak saakin, para daw po akong bulaklak sa tubig. Hydrangea's are like that, when submerged into water that's when you'll see their beauty." Pagpapaliwanag ko.

"How would you like to be an st here sa English department?" Tanong nya.

Shet. Lord. Eto na ba hinihintay ko?

"I saw you multiple times during the English month, starting from the PSA video making to the Amazing Race, and even during the Impromptu speech competition. You're very much qualified for the subject." She explained.

"Sino pa po ba sa mga english teachers ang walang st?" Tanong ko.

"Isa nalang eh, she already has someone in her mind. Pero I don't think that person is suitable for the subject." She explained.

"Miss, I appreciate the offer pero they already have someone in their mind po eh. I'm sure if they want me they have their ways of approaching me, thank you for considering me as someone compatible with the subject. But I don't want to fill in a shoe that's already allotted for someone." I respectfully said.

She smiled at that. "It's true, you're a kind lady. Well, thank you for the talk. I appreciate it. I'll see you around Ms. Quizon." She patted my back before leaving me.

Bumalik narin ako sa klase after non, I didn't tell anyone about that conversation, I'm thinking mamaya tanongin ko nalang mga kaibigan ko na taga scb if may bakanteng teachers pa na pwedeng ipag st. Pag wala na, I guess I won't be a student teacher this s.y then.

After class ay katulad ng dati ay kasabay ko si Miss, tahimik nanaman kami habang naglalakad patungo sa apartment ni Miss kung saan na'ko nakikitulog. I once talked about paying for the things I consume in her apartment pero ayaw nya, I once left her money for the wifi bill since 'yon ung mostly kong ginagamit but the following day nakita ko yung money sa bag ko with a note saying na wag ko na daw abalahing bayaran ang bill.

Pag dating talaga kay Miss okay lang sa kanya ang kahit ano, even when there's money involved. Sometimes nagtataka nalang talaga ako kung paano nya nakukuha eto kahit hindi naman gaano kalaki sahod nya.

Mukhang alam ko na kung saang apartment ang kakatokin ko para mangarolling tuwing pasko ah.

Pagka dating namin sa apartment nya ay pinauna na nya'kong maligo at magpalit ng damit, after non ay sya naman ang sumunod. Tinapos ko lang ang mga kailangan kong gawin  na assignments na hindi ko natapos kanina sa school habang hinihintay si Miss na lumabas ng  shower. I wanted to tell her about the talk I had with the coordinator today, and about my decision na mag st nalang sa elementary. Kaso a part of me doesn't want to rin, baka hindi nalang ako totally mag st this s.y.

"Jia." Tanong nya.

"Diba st ka?" Tanong nya.

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

"May nag tanong na daw sa'yo kung pwede kang maging st eh, sino?" Tanong nya as she sits on the bed after drying her hair.

"H-Hindi..."

"Hmm? Sino?" She asked with that gentle tone of hers, just like when I first met her.

"Hindi po ako pumayag Miss eh..." I said.

"Bakit?" Tanong nya.

"She told me na that teacher already has someone in their mind, and so I didn't want to take that position since it's made for someone else na already po eh. It was the English coordinator who approached me, sabi nya po isang teacher nalang ang walang st. And she wants me to be the st of that teacher." Paliwanag ko.

"Pwede bang ako nalang kase?"


:)

Beat of YesterdayWhere stories live. Discover now