Kabanata I
Mabigat ang loob ni Amara nang umakyat sa puno ng mangga dito sa school nila. Nakasanayan niya na itong gawin sa tuwing magulo sa kanilang bahay o meron siyang pinagdadaanan. Isinandal niya ang likod mula sa malaking sanga at tumingala sa kalangitan, she started counting the stars. This is her way of coping with sadness.
"One...two...three...four...fi-" Nanlalaki ang kan’yang mga mata nang mabaling ang tingin sa gawi ng rooftop ng tatlong palapag na classroom, kaharap ng puno kung nasa'n siya. Mula sa nag-iisang ilaw sa itaas, naaninag niya ang isang bulto ng tao na nakahawak sa barrier ng rooftop. Kumabog nang malakas ang kan’yang dibdib nang isampa nito ang kanang binti na para bang may balak itong magpahulog.
Mabilis siyang nagpatihulog sa puno, nang makababa ito ay naramdaman niya ang pagsakit ng paa dahil namali ang kaniyang pagbagsak.
Wala siyang sinayang na oras para akyatin ang hagdan papuntang rooftop, kung saan niya nakita ang isang tao. Kahit pa na iika-ika ito sa pagtakbo.
'Sana maabotan ko siya' nag-aalala niyang bulong sa kaniyang isip, umaasa siya na hindi pa ito nagpahulog.
Mula sa nag-iisang ilaw ay nakita niya ang bulto ng isang lalaki, nakatayo na ito ngayon sa ibabaw ng barrier ng rooftop habang nakadungaw sa ibaba. Nakasuot ng itim na hoodie jacket, kaya hindi niya makita ang mukha, isa pa ay nakatalikod ito.
"Oh my gosh, Kuya, please go down!" Puno ng pag-aalala ang boses niya. Subalit hindi man lang ito natinag, ni hindi siya nito nilingon. Kaya mas lalong dinaga ang kan’yang dibdib.
Samantalang blanko ang mukha ng binata na maingat na nakatayo sa ibabaw ng barrier ng rooftop, walang mababakas na emosyon habang nakatingin ito sa mga ilaw ng siyudad. Tanging ingay nang pinapakinggang tugtog mula sa suot na earphones ang naririnig. Wala siyang pakialam sa kaniyang paligid, kung kaya't wala siyang ideya na may isang dalaga na inaakusahan na siyang magpapakamatay.
Nakagawian niya nang tumambay sa rooftop tuwing dinadalaw siya ng lungkot, kalilibing lang kasi ng bunso niyang kapatid. Hindi niya pa lubos na matanggap ang pagkawala nito.
"There's a lot of reason to live; you just have to find it sometimes." Nanginginig man ang tuhod ni Amara ay wala siyang planong tumigil na kumbinsihin itong bumaba.
Sampung hakbang ang layo niya mula sa binata, dahil nababahala siya na baka kapag lumapit siya ay bigla na lamang itong tumalon. Ganon 'yong napapanood niya sa mga palabas, na laging sinasabi nang magpapakamatay na 'huwag kayong lalapit kundi tatalon ako dito.'
Dahil sa naisip ay mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Litong lito siya kung dapat na ba siyang tumawag ng tulong subalit wala siyang dalang cellphone, she couldn't even leave him alone dahil baka bigla na lamang itong tumalon.
"Okay, hindi ako lalapit basta bumaba ka lang d'yan. We can talk about it, okay? I'm willing to listen, but please, just don't do that." Pangungumbinsi niya pa at humakbang ng isa paatras.
Subalit nanatili lamang itong nakatayo, ni hindi siya nilingon nito. Laking gulat ni Amara nang maupo ito at nagawa pang ipasok ang mga kamay sa bulsa ng suot nitong hoodie jacket.
"Oh God!" She gasped; fear was written all over her face. She's now trembling, kaya walang ano ano'y patakbo itong lumapit sa binata, niyakap niya ito sa bewang nang mahigpit at pinilit na ibaba.
"Please stop it! You can't just end your life like this." Gulat na gulat si Fourth sa pangyayari, hindi niya ito inaasahan, kaya patalikod silang bumagsak sa sahig ng rooftop.
Nakaramdam ng hapdi sa siko ang binata nang tumama ito sa semento, habang mahigpit pa rin na nakayapos ang mga braso ni Amara sa kaniya, hindi ininda ang mabigat na nakadagan. Mabilis na hinawi nang gulat na gulat na binata ang kamay sa kaniyang bewang atsaka mabilis itong tumayo, samantalang nanlalaki naman ang mata ng dalaga na nakatingin sa kaniya, hindi ininda ang sakit ng likod dahil sa pagbagsak. Puno ng takot si Amara na baka muling umakyat ang lalaki at baka hindi niya na ito mapigilan pa.
YOU ARE READING
Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]
Teen FictionResearch identifies "eccedentesiasts" as individuals who wear a fake smile, referring to the surface of their appearance, concealing the true nature of their actions. Amara Eunice is full of positivity, despite how bad her life has been. She always...