Kabanata III
Bago pa man mabuksan ng binata ang pinto, ay mabilis na tumakbo si Amara papunta sa ilalim ng lababo na nahaharangan ng drum.
May pagtataka sa mukha ni Jared, nang makitang ang kaklaseng si Fourth ang nagbukas ng pinto. Marahil iniisip nito kung bakit ang tagal nitong buksan, blanko lamang ang mukha ni Fourth nang tingnan niya ang nagtatakang si Jared.
“There’s a big rat inside, man; beware.” Puno ng pagtataka ang mukha ni Jared dahil sa sinabi ng kaklase. Nagulat siya sa sinabi nito, dahil hindi naman sila close nito at ang pagkakakilala niya rito ay wala itong pakialam sa mga taong nasa paligid niya, ni wala nga itong kaibigan.
Samantalang nanlalaki ang mata ni Amara nang marinig ang sinabi ni Mr. Hoodie, bago ito lumabas ng banyo, takot kasi siya sa daga, kaya taimtim siyang nagdasal na sana ay hindi niya ito makita.
She closed her eyes because she didn’t want to see anything that was prohibited. Kabadong kabado siya kung paano makakalabas nang walang nakakakita sa kaniya.
She’s waiting for Jared to finish his business; palabas na ang binata ngunit hindi pa rin siya makaalis sa pinagtatagoan dahil may mga bagong dumating na kalalakihan.
“Ano nang score niyo boi ni Aecy?" Tanong ng isa sa mga lalaki sa kasamahan nito na nasa loob ng cr.
“Medyo pa hard to get kasi boi, pero kunting hilot lang luluhod din ‘yon,” sagot ng isa at sabay sabay na nagtawanan.
“Ganyan din noon si Monica boi, tingnan mo naman ngayon kulang na lang sambahin ako tuwing lumuluhod.”
“Ulol! HAHAHHAHA”
Pinagpapawisan na si Amara dahil naiinitan na siya sa puwesto niya.
Ang tagal naman nilang lumabas, bulong niya sa kaniyang isip. Hindi niya rin, kasi maintindihan kung ano at sino ang pinag-uusapan ng mga ito.
Mas domoble lamang ang kaba at mas tumagaktak ang pawis niya nang matigil ang tawanan ng kalalakihan, tanging ring lamang ng cellphone na nagmumula sa loob ng kaniyang bag ang maririnig.
Hindi malaman ni Amara kung kukunin niya ang cellphone para patayin o tatakbo palabas. Umaasa siya na tatakbo ang mga lalaki palabas, baka sakaling matakot ito at isipin na may multo sa loob ng banyo, subalit imposible iyon na mangyari.
“Saan galing ‘yon?”
Bago pa man siya mahuli sa kaniyang pinagtatagoan ay mabilis na kumaripas nang takbo palabas si Amara, habang tinatakpan ng bag ang kaniyang mukha. Napalingon sa kaniya ang ibang lalaki sa loob ng cr, samantalang mabilis naman na itinaas ng isang lalaki ang zipper, kahit na hindi pa ito tapos umihi.
Napahawak siya sa dibdib at napasandal sa pader ng classroom, dahil sa nararamdamang hingal sa pagtakbo. Hindi niya na ininda ang sakit ng paa, sa kagustohang makalayo.
Halos maiyak siya nang muling tumunog ang kaniyang cellphone at bumungad ang pangalan ni Jared. Dahil dito ay muntik na siyang mapahamak. Hindi niya sigurado kung may nakakilala ba sa kan’ya, pero bahala na. Wala naman siyang nakita.
“B-babe!" Habol ang hininga niyang bungad sa kasintahan.
“Where the hell are you? I’ve been calling you, bakit ngayon mo lang sinagot?”
Napakagat siya ng labi dahil, for sure. Jared was mad at her again. Sinisigawan na naman, kasi siya sa kabilang linya.
"Sorry, may emergency lang kasi kanina, kumain ka na ba?" she asked.
“Yeah, nandito ako sa meeting place natin kukunin ko na ‘yong pinapabili ko sayo.”
YOU ARE READING
Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]
Teen FictionResearch identifies "eccedentesiasts" as individuals who wear a fake smile, referring to the surface of their appearance, concealing the true nature of their actions. Amara Eunice is full of positivity, despite how bad her life has been. She always...