Kabanata IV
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok. Papunta pa lamang siya sa classroom ay rinig na rinig na niya ang bali-balitang may nakapasok na babae sa loob ng cr ng kalalakihan.Bawat hakbang niya ay kumakalabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Palinga-linga siya sa kaniyang paligid dahil baka may nakakita or nakakilala sa kaniya kahapon. Naiisip niya rin na baka ipagkalat ni Mr. Hoodie na siya iyong babaeng pumasok sa men’s cr.
Umaasa siya na makikita niya ito ngayon para tanongin. Mahirap kasi mambintang nang walang basehan.
Halos mapasigaw siya dahil sa malalim na pag-iisip nang may humila bigla sa kaniyang kamay.
“Ito naman gulat na gulat. Kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka lumilingon,” turan ng kaniyang kaklaseng si Jamie.
"Sorry, hindi ko narinig.”
“Sus! Ang lalim kasi ng iniisip mo, hulaan ko, narinig mo ‘yong chismis tungkol sa cr incident no?”
Napahinto siya sa paglalakad, at binalingan ng tingin ang nakangising kaklase. Hindi niya alam kung may alam ba ito sa bali-balita.
“A-alam mo?" Nauutal niyang tanong dito. Tumango tango pa ito na parang kinikilig.
“Beh! Ikaw lang ‘yong nakita kong kausap ni Fourth sa may men’s CR no. Ikaw ha…” binangga pa nito ang balikat niya na parang inaasar siya, “inosente kang tingnan pero, namamasok ka ng lalaki sa cr.” Humagikhik pa ito at tiningnan siya nang makahulogan.
“F-fourth? Sino si Fourth?" Tanong niya na nakapagpakunot ng noo ng kaklase.
“Iyong kausap mo kahapon beh, nakagrey na hoodie. Shocks! Hindi mo kilala?" Pinandilatan siya nito ng mata na parang ‘di makapaniwala. Umiling siya bilang tugon.
So, si Mr. Hoodie, ay Fourth ang pangalan?
“Hindi ko kasi alam ang pangalan niya, kaya Mr. Hoodie ang tawag ko sa kaniya.”
“Shocks! Tinitilian siya ng mga kababaihan at angkan ng mga kabaklaan, tapos ikaw pinasok mo na sa cr hindi mo pala kilala,” aniya. Napalunok siya dahil sa narinig, napatingin sa paligid na baka may makarinig sa kanila mabuti na lang at kaunti ang tao sa dinadaanan nila.
“Don’t worry, bakla; walang makakaalam ng sekreto mo. Hmm.” Sumenyas ito na parang sini-zipper ang bibig at itinaas pa ang kanang kamay, “basta sabihin mo lang sakin kung anong ginawa niyo sa loob,” dagdag pa nito na mahihimigan ang pang-aasar sa boses.
Hindi niya puwedeng sabihin na pinagtatagoan nila si Jared dahil tiyak na tatanongin lang siya nito kung bakit niya pagtatagoan ang binata. Baka pati si Jamie ay malaman din na may relasyon sila ni Jared.
“W-wala naman kaming ginawa.” Tiningnan naman siya nito na parang nagdududa. "Eh, bakit kayo magkausap kahapon?" tanong nito sa kaniya.
“Nag-sorry lang naman ako sa kaniya.” Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon, kapag kasi maraming tanong at hindi niya alam kung ano ang isasagot, wala siyang magawa kundi aminin ang totoo.
“Bakit? Anong ginawa mo sa kaniya? Bakit ka naman nag-sorry?"
Umakyat sila ng hagdan dahil nasa second floor ang classroom nila ngayon. Dahan dahan lang ang pag-lakad niya dahil kumikirot pa rin ang kaniyang paa.
“N-nahubaran ko kasi siya,” nakayuko niyang pag-amin dito. Muntik pa siyang mahulog sa hagdan dahil sa biglaang pagtili ng kasama na ikinagulat niya.
YOU ARE READING
Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]
Teen FictionResearch identifies "eccedentesiasts" as individuals who wear a fake smile, referring to the surface of their appearance, concealing the true nature of their actions. Amara Eunice is full of positivity, despite how bad her life has been. She always...