13 - Pagsisid

3 1 1
                                    

Ikaw ang pinakamatayog na bundok,
Marikit at matarik na 'di makita ang tuktok.
Ikaw ang mundo kong 'di hihinto ang pag-inog.
Buhay ko, o irog, sa'yo lamang iikot.

Tila dyamante o ginto, isang tunay na kayamanan.
Ikaw ang pinakanatatanging perlas ng Silangan.
Alapaap ay liliparin, sisisid maging sa karagatan,
Ano mang hamon, aking lalampasan,mahagkan ka lang.

Hindi ko alintana ang lalim,
'Di magpapagapi sa bugso ng hangin.
Bangis ng kalikasan, aking susuungin,
Tititig sa mata ng bagyo, delubyo ay hahamunin.

Kung ang pagsisid sa iyong lalim ay pagpapatiwakal,
Marahil marapat mo na nga akong tawaging hangal.
Kung pag-ibig ma'y kapalit ng dangal,
Nawa'y magsilbi kang hukom sa 'di patas na mundo, o aking mahal.

iRONic SeasonsWhere stories live. Discover now